Chapter 32: Banana

56.5K 786 80
                                    

 

Chapter 32: Banana

“May sasabihin ako sa’yo.”

Noong tapos na yung dinner hinila ko si King sa isang table na malayo sa mga tao para sabihin sa kanya yung kanina pang bumabagabag sa isip ko.

Sasagutin ko na siya. Confirmation ko na lang at official na, boyfriend ko na si King. Wow! Ang sarap namang pakinggan. Maulit nga. Boyfriend ko na si King. Not yet. Sasabihin ko muna yung speech na kanina ko pa pinauulit-ulit sa utak ko.

Napaisip na din kasi ako sa sinabi ni Papa kanina. Bakit hindi ko pa kunin yung chance eh kung iyon naman talaga ang nararamdaman ko, bakit hindi ko pa sunggaban, hindi ba? I-set aside ko muna ang mga insecurities at sabay naming gagawin ni King itong relationship thingy na ito one step at a time.

“Kaya mo nga ako inilayo sa kanila di ba? Teka,” nanlaki yung mata niya. “huwag mong sabihing may balak kang gawin sa akin kaya dinala mo ako sa liblib na lugar,” sabay tinakip niya yung kamay niya sa dibdib niya.

Pabiro kong sinuntok yung braso niya. “Anong may balak gawin? Eh kitang kita naman tayo ng mga kamag-anak ko,” tinuro ko yung mga pinsan kong babaeng kanina pa ako ginigisa tungkol kay King na ngayon ay nakakumpol at nakatingin sa amin.

“Ano ba yung sasabihin mo?”

Bumuntong hininga ako. This is it. “Naaalala mo ba yung sinabi mo sa akin nung isang araw? Nung naglalakad tayo palabas ng village niyo?”

“Ano do’n?” Kumunot yung noo niya. Alam kong alam niya yung sinasabi ko pero hindi niya pinapadali para sa akin yung ginagawa ko. Halata naman sa pagkagat niya ng labi niya na pinipigilan niyang tumawa.

“Yung ano… Nung tinanong mo ako kung gusto kong maging girlfriend mo,” pabulong na yung mga huling part.

Nag-lean in siya sa akin tapos naka-cup yung kamay niya sa tenga niya. “Ha? Ano ‘yon? Hindi ko narinig yung huli.”

“Hindi mo papadaliin para sa akin ‘to no?”

“Akala mo ba madali para sa akin na itanong sa’yo 'yon? Dapat maramdaman mo din yung hirap na magsalita ng mga gano’ng bagay.”

“Nung tinanong mo sakin ‘yon,” sinimulan ko, nagseseryoso. “Syempre nagulat ako. Hindi ko inaasahan na gusto mo akong maging… maging girlfriend mo. Hindi kasi ako sanay sa mga ganong bagay eh. Hindi pa ako nagkakaroon ng relationship sa tanang buhay ko. Natatakot lang ako. Na baka pag nag-take tayo ng isang step further baka may mali akong gawin tapos lahat ng na-establish natin so far ay mawala. Binalot agad ako ng insecurities.”

Tumingin ako sa kanya. Wala ng halong biro sa mata niya at pinapakinggan niya lang ako. Hinihintay ko siyang magsalita pero hinihintay pa ata niya akong matapos. “Pero na-realize ko din na gusto kong mag-take ng risk. Kaya nga—”

Biglang may tumunog na ringtone. Yung Banana na kanta ng Minions sa Despicable Me.

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon