Chapter 23: Toyota Prius

70.1K 923 79
                                    

Dedicated to Marc Kevin Nebre.. Ito na lang bibigay ko sa'yo. 'Wag na limang piso! Haha.

• • • • • • • • • • • • •

Chapter 23: Toyota Prius

“Nakikinig ka ba?”

Nawala ako sa pagkatulala sa mukha ni King nung nagsalita siya. “A-ah. Oo. Ituloy mo lang.”

Wala pa yung teacher namin sa Homeroom kaya nagpaturo muna ako ng assignment namin sa Math kay King. Kokopya dapat ako sa kanya, tutal partners in crime na nga kami gaya ng giit niya kaso dapat daw paghirapan ko. Kaya napagkasunduan na rin namin na turuan niya na lang ako.

Isang linggo na rin ang nakalipas mula noong mapagpalang araw ng pagtatapat ko. Ayoko na sanang balikan yung araw na iyon kaso alam kong kating kati na kayong malaman kung ano talagang nangyari kaya ito na…

“Gusto kita.”

Nakatingin lang siya sa akin na para bang ibang language yung sinabi ko. Noong hindi ko na kaya yung tension, iniwas ko na yung tingin ko mula sa bigat ng titig niya.

Ano ba yung ginawa ko? Bakit bigla ko nang nasabi iyon? Ikaw talaga, Sofia nasisiraan ka na ng bait!

“Ahhh,” pagputol niya sa katahimikan. “Ahem. Salamat.”

“Salamat? Alam mo ba kung gaano kahirap ilabas yung mga salitang sinabi ko kanina tapos SALAMAT lang ang sasabihin mo, King? Hindi ba puwedeng ‘gusto rin kita’ para maiba naman? Nakakainis ka naman eh!” Gusto kong sabihin sa kanya ang mga salitang iyan. Pero syempre dahil nga duwag ako, hindi ko sinabi iyan. Bagkus, sinabi ko na lang na uuwi na ako.

Hindi ko binawi yung mga salitang binitawan ko sa kanya. Totoo naman iyon, bakit ko pa ide-deny? Hindi din naman ako nagsisisi sa ginawa ko. At least ngayon alam na niya.

Dumating ang Lunes, parang awkward yung pakikitungo sa akin ni King. Akala ko pa naman kakalimutan na niya. Martes, kinulit ko siya, wala pa ring imik. Miyerkules, tinigilan ko na natakot na ako kasi pakiramdam ko talaga umiiwas si King dahil sa mga sinabi ko. May mali ba doon?

Ngayon lang uli ako kinausap ni King. Hanggang dito na lang siguro talaga kami. Seatmate-slash-partners-in-crime.

Narinig kong bumuntong-hininga si King sa tabi ko. “Ang lalim naman no'n. Anong meron?”

“Hindi ka nakikinig,” iritado na yung boses niya.

“Nakikinig ako!”

“Sige nga. Anong focus nito?” Tinuro niya yung tinutukoy niyang problem.

Sinagutan ko naman iyon. Nung natapos ko na, pagmamalaki kong tinapat sa mukha niya yung scratch paper. “Negative one tsaka one.”

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon