Chapter 15: Direk

72.5K 984 65
                                    

Chapter 15: Direk

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Ayokong bigyang kahulugan. Ayoko. Kasi magkakagulo lang lahat.

Matapos nung nangyari sa gym last week, konting tulog lang ang nagawa ko. Sa tuwing ipipikit ko yung mga mata ko, si King lang ang pumapasok sa isip ko. Naiinis ako sa sarili ko. Masyado akong mag-isip. Halos mabaliw na ako kakaisip.

Naging uncomfortable ako sa tabi niya kapag nasa classroom kami. Oo, inaasar pa rin niya ako, inaasar ko pa din siya, pero parang merong force na nagho-hold back sa akin, alam niyo iyon? Parang nako-conscious ako sa bawat sasabihin ko sa kanya, iisipin ko muna kung tama ba o mali yung ginagawa ko samantalang noon, hindi ko naman iniisip iyon.

Simula noong insidente sa gym, mas lalo akong naging aware kay King. Kahit yung pinakamaliit na bagay sa kanya, napansin ko na. Yung buhok niya, laging maayos at bagay sa kanya yung style na ginagawa niya kahit na 2 by 3 ang required na haircut. Yung ibang lalaki trying hard na ayusin ang buhok pero pagdating kay King, parang natural lang.

Alam niyo na naman sigurong lahat na manghang-mangha na ako sa mata at pilikmata niya? Case closed.

Napansin ko din yung ginagamit niyang pabango. Ang bango noon. I Rock Bench yung tawag sa pabango. Alam ko dahil nakita ko sa bag niya. Hindi dahil sa hinalungkat ko…

Mahilig siyang kumuyakoy. Dati ko pa iyon napansin. Naiirita talaga ako kasi nadi-distract ako lagi sa binti niya na taas-baba-taas-baba lagi. Pero ngayon parang nasanay na ako.

Meron pa siyang mannerism na iniikot-ikot yung ballpen sa kamay niya kapag nakikinig siya sa teacher.

Tapos, noong isang araw, nawindang ako sa nangyari.

English time noon, may ine-explain si Mrs. Saragosa tungkol sa darating na English week sa third week ng October.  Naririnig ko yung boses niya sa background pero yung mata ko nagala. Una, nakatingin kay Miss, tapos maya-maya, naligoy na sa tabi. Nakuyakoy nanaman siya at iniikot niya yung ballpen sa kamay niya. 'Di ko namalayan na tinititigan ko na pala siya.

“Bakit?” binaling niya ang atensyon niya sa akin.

Patay!

Tinaas niya yung kilay niya.

Nakaka-pressure naman!

Tinuro ko yung kanang pisngi ko. “May pilikmata ka diyan.” Kahit wala naman. Excuse lang iyon. Wala na akong maisip na gawin.

Hinawakan niya yung kaliwang pisngi niya tapos kumuha siya ng panyo at pinahid. “Wala na?”

“Hindi, nando’n pa.”

“Ayan, wala na?”

“Meron pa eh.”

“Ano ba yan, ikaw na nga magtanggal.”

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon