Prologue

417K 2.6K 268
                                    



"According to urbandictionary, limerence is an infatuation or crush that lasts at a much longer time span. A crush is for a short duration of time, while a limerence may last for months, years or even a lifetime."

• • • • • • • • • • •

Prologue

Hindi ako makapaniwala sa nakita ng mga mata ko.

Nasa Doroteo Jose Station ako ngayon, papuntang Quezon City dahil may project kami na gagawin ng mga classmates ko. Palabas na rin ako sa slot machine ng LRT. Napatigil pa nga akong saglit dahil nabigla ako sa nakita ko. Madami lang talagang tao kaya nadala na ako sa paglalakad kahit na parang ayoko pang humakbang. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Gaano katagal na ba noong huli ko siyang makita? Matagal na din. Nagdadalawang isip pa nga ako kung siya nga talaga iyon.

Naglalakad siya sa extension ng Line 1 ng LRT papuntang Line 2. Gulong gulo pa ako sa kung anong dapat kong sabihin, kung anong dapat kong gawin. Hindi pa din ako sigurado sa nakikita ko. Paano kung namamalik-mata lang ako? Nakakahiya naman kung bigla kong isisigaw yung pangalan niya tapos hindi siya sumagot. Nakakahiya din naman kung tatapikin ko siya sa likod tapos hindi din pala siya iyon.

Mukha akong ewan dahil unconsciously, tumakbo na pala ako papalapit sa kanya. Binangga ko na ang lahat ng makasalubong ko. Tapos tumigil ako a foot from him. Huminga-hinga muna ako kasi feeling ko magha-hyperventilate talaga ako.

"King."

Lumingon siya. Pakiramdam ko tumigil ang mundo noong nagkatinginan kami sa mata.

Ganoong ganoon pa din ang itsura niya. Medyo mahaba na nga lang ang buhok niyang laging maganda ang ayos at parang medyo tumangkad na din siya. Bagay sa kanya yung uniform ng university na pinapasukan niya. Mukha talaga siyang matalinong estudyante. Yung pilikmata niyang kinatutuwaan ko ay mahaba pa rin. Nasa mata pa din niya ang determinadong tingin na lagi kong nakikita noon.

Bakas ang gulat sa mukha niya nang makita ako. Hindi niya siguro inaasahan pagkatapos ng lahat ay magkikita o magkakausap uli kami. Ewan ko ba kung bakit pero bigla akong dinapuan ng hiya.

"Oh, kamusta ka naman?" tanong ko.

"Eto papasok ng school. Ikaw, papasok ka din ba?" Taas kilay niyang tinanong. Nakakamangha kung gaano kabilis magbago ng expression niya mula sa pagkagulat pabalik sa kanyang normal na itsura. Ang pamoso niyang poker face.

"Hindi. Wala akong pasok kapag Sabado. Pupunta ko sa bahay ng classmate ko. May group work kaming dapat tapusin. Kaya nga baka sobrang gabihin na ako ng uwi eh. Haha."

Nawalan ako bigla ng sasabihin. Gusto ko pa siyang makausap ng mahaba pero nararamdaman ko na malapit na ang dulo ng extension kung saan aakyat ako papuntang Line 2 at bababa naman siya para sumakay ng jeep papuntang eskwelahan niya.

"King, yung dati-" pauna kong sabi. Pakiramdam ko kasi na kailangan kahit papaano ay magkalinawan kami kahit na halos nalinaw na namin ang mga pangyayari dati. Pero pinutol niya ang mga susunod kong sasabihin.

"Ang tagal nating hindi nagkita, Sofia. Hindi ka napunta sa mga meetings na ginagawa nila." Mayroon siyang ipinapahiwatig sa mga tingin niya. Kung ano man iyon, hindi ko ito maintindihan. Hindi ko ito mabasa.

"Ah. Oo nga, eh. Hindi kasi ako sumasama pag nagkikita yung section natin eh," ang pag-amin ko.

"Bakit?"

"Alam mo na kung bakit," tinabunan ko ng ngiti yung mga salitang lumabas sa bibig ko para ipakita sa kanya na huwag na niyang damdamin iyon dahil iyon ay nasa nakaraan na. "Oh, ayan na. Nasa dulo na tayo. Baka ma-late ka. Mag-ingat ka papasok ah. Bye." Hindi ko maiwasang isipin na ang duwag ko. Iniwasan ko ang dapat niyang sasabihin tungkol sa nangyari dati. Alam kong matagal na iyong nangyari pero hindi ko pa ring magawang pag-usapan namin iyon.

Kumaway ako habang nagmamadaling umaakyat ng hagdan. Nginitian ko uli siya. Ngumiti din naman siya. Iyon ang huling nakita ko bago ko ilayo ang tinigin ko sa kanya. Habang naglalakad ako papunta sa pila ng bilihan ng ticket, napangiti ako. Naramdaman kong nag-iinit ang mga pisngi ko. Di ako makapiwalang sa dinami-dami ng lugar na pwede ko siyang makita ulit, dito pa sa LRT. Kinikilig ako kahit wala namang dahilan para kiligin ako. Mukha akong tanga. Kulang na lang ay mag-giggle ako. Nang nabili ko na ang ticket, nakapasok, at nakaupo na sa tren, naramdaman ko namang naiipon na ang luha sa mga mata ko. Pagkatapos kong makaramdam ng sobrang kasiyahan, ngayon naman nalulungkot ako. Mukha akong baliw. Kani-kanina lang may pa-blush-blush pa akong nalalaman, ngayon naman, iiyak na ako? Naasar ako sa emosyon ko. Hindi ko makontrol.

"Ate, bakit ka umiiyak?" Tanong ng batang nasa tabi ko. Napatingin tuloy sa akin yung mama niya.

"Ah, wala. Nagugutom na kasi ako."

"Hayaan mo ate, Jollibee lang po iyan. Kapag naiyak ako, binibili ako ni Mommy ng Jollibee, tapos okay na ako, diba po, Mommy?" Tinignan ako ng mommy niya na may awa sa mata. Iniwas ko na lang ang tingin ko. May naalala na naman kasi ako sa Jollibee na iyan.

At doon, habang nakasakay sa tren papuntang Quezon City, naalala ko lahat ng nangyari sa amin. Lahat ng firsts. And sadly, lahat ng lasts...

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon