Chapter 8: Mommy at Daddy

77.9K 1.1K 81
                                    



Chapter 8: Mommy at Daddy



Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa pag-amin ni Joana na may gusto siya kay King. Pero isa lang ang sigurado ko, nagulat ako sa revelation niya noong nandoon kami kina Lola.



"Ui, bakit parang ang lalim ng iniisip mo diyan? 'Di mo na nga binabasa yang hawak mong libro eh," tanong sa akin ni Dan Gab. Nasa bus kami ngayon papuntang St. Claire's Orphanage. Kamalas-malasan namang kailangan pang si Dan Gab ang maging katabi ko.



"Wala." Saka ko binalikan ang pagbabasa ng The Hunger Games na hiniram ko sa library. Pero hindi ko talaga binabasa iyon. Kanina pa ata ako nakatitig sa page na ito. Maganda pa naman ang istorya. Inaaksaya ko sa pag-iisip ko.





"Ano namang pangalan ng misteryosong lalaking ito?"



"King. King Rodriguez po."



"Si King?!" pagkumpirma ko noong umalis si Lola para tignan yung pinapakuluang baboy. Hindi ko ineexpect na magugustuhan ni Joana si King. Pero posible naman. Nagulat lang talaga ako.



"Oo, ate. Gusto ko talaga siya."



"Bakit mo naman nagustuhan iyong mok-yung lalaking iyon?"



"Hmm," napaisip siya. "May itsura. Gentleman. Tapos mabait. Mysterious pa."



"Ganon?" Hindi ko na siya kinontra. Okay, may itsura si King. Hindi nating ipagkakaila sa kanya iyon. Pero yung natira? Unlikely. Gentleman? Ni hindi nga ako nilibre noon sa jeep eh. Kung gentleman iyon, ililibre niya ako ng pamasahe kasi mahihiya siy't babae kasama niya. Mabait? Ni hindi nga noon mapulot yung ballpen ko kapag nalalaglag eh. Kailangan pa kong magmukhang ewan para lang maabot yung ballpen sa ilalim ng table ko. Mysterious? Anong naging mysterious sa kanya? Dahil lang ba hindi siya nangiti mysterious na siya? Baka kamo ungas!



Eh bakit ba ako ganoon makatutol sa mga pinagsasabi ni Joana. Kung ganoon ang tingin niya kay King, wala na akong pakialam sa kanila. At least matatapos na din ung part ko sa deal namin.



"Ate, pwede mo ba akong tulungan?"



"Saan naman?"



"Gusto kong mas makilala ko si King. Anong klaseng lalaki ba siya?"



Anong klaseng lalaki? Aba! Mahaba ang listahan. Unahin na natin kung kasungitan niya. Kuripot. Hindi nakikinig kapag may sinasabi ka sa kanya. Walang pakialam sa grades kahit mabasag pa yung project ninyo. Kung makatingin sa iyo parang lagi kang may ginagawang mali...



"Si King. Pano ko ba sisimulan? Siguro ano, may tinatagong kakwelahan iyon. Minsan lang ngumiti pero ang ganda kamong tignan kapag nakangiti siya. Mabait pa siya sa mama niya. Maalaga din iyon kapag may nakita siyang nasaktan o kaya nahirapan. Magaling din siyang mag-bike na may angkas."



Hindi ko alam kung bakit taliwas sa mga sinabi ko yung mga iniisip ko. Pero lahat ng sinabi ko kay Joana ay totoo. Kwela iyon. Sa prank pa lang niya na basag na itlog, 'di ko napigilang tumawa doon. Mabait sa Mama niya. Tsaka may concern na din kahit papaano. Nung time na kinausap niya yung lalaki sa tabi ko para alisin yung palda ko, nung tinalian niya yung buhok ko, nung dinala niya ako sa clinic, diba concern na ang tawag doon?



"Talaga? Ang swerte ko naman. Diba bagay kami? Diba Ate?"



"Oo," ngumiti ako. "Bagay na bagay."





"Ui King, tignan mo iyon oh! May kambing! Ngayon lang ako nakakita ng kambing sa Manila!" sigaw ni Venny na nasa likod namin. Kapag minamalas ka nga naman talaga...



Nag-iisip nanaman ako doon sa mga sinabi ni Joana noong Sabado. Kung hindi ko siguro narinig yung nakakaasar na boses ni Venny, magtututuloy pa ako sa pagmumuni muni.



Nagulat naman ako sa ginawa ni Dan Gab. Nakaharap siya sa likod at nakaluhod sa upuan. "Hoy ikaw, babae! Pwede ba medyo hinaan mo yung boses mo! Kambing lang iyan! Pareho lang ng kambing iyan sa probinsya. Mahiya ka naman sa mga kasama mo dito sa bus. Halos ipagsigawan mo na ngayon ka lang nakakita ng kambing eh."



Na-shock naman ako sa ginawa ni Dan Gab. Hindi naman napatol sa babae iyon eh.



"King! Inaaway ako ni Dan!" rinig kong sabi ni Venny pero wala akong narinig pagkatapos noon kundi ang "hmp!" niya. Siguro kasi hindi siya pinansin ni King. Buti nga sa kanya.



"Bakit mo naman ginawa iyon?" tanong ko kay Dan Gab nung umayos uli siya ng upo.



"Naasar lang ako sa kanya."



"Parang ang babaw naman no'n!"



"Eh, naasar ako sa kanya eh! Isa pa, alam kong galit ka sa kanya."



"So?"



"So galit din ako sa kanya."



"Para kang bata."



"Sus, kunwari ka pa! Natuwa ka naman kasi may kasama ka na sa pagkamuhi doon sa babae sa likod natin," sabi niya at kinurot yung ilong ko.



"Excuse me. Bababa na daw tayo," singit ni King at saka naglakad na palabas ng bus. Sinundan naman siya ni Venny na parang unggoy na nakasabit sa leeg ni King.



Nakakataba ng puso noong makarating kami sa main hall ng St. Claire's Orphanage. May malaking banner na sulat kamay na may drawing-drawing pa na, "Welcome! Students of SJC!" Ang inaasahan ko talaga ay panay batang malulungkot ang madadatnan namin. Pero ang sisigla ng mga batang ito. Ang sasaya nila na may bumubisita sa kanila.



Pinakilala nila kami sa batang aalagaan namin sa buong araw. Batang lalaki.



"Anong pangalan mo?" tanong ni Dan Gab noong nadala namin siya sa may playground nila sa labas.



"Bravery po," mahinang sagot niya.



"Bravery. Ang ganda naman ng pangalan mo. Ilang taon ka na?"



"Six po."



"Anong gusto mong una nating gawin?" tanong ko sa kanya.



Hindi siya nasagot. Nahihiya pa siguro siya. Kailangan masanay sa presensya namin si Bravery kung gusto naming mapasaya siya ngayong buong araw na ito. Mukhang na-sense din naman ni Dan Gab yung mga iniisip ko. Nginitian niya ako. May naisip ako, parang sinasabi niya sa akin.



"Gusto mo, tawagin mo kong Daddy ngayong araw na ito? Magiging Daddy mo ako!"



Sa mga sinabi ni Dan Gab, biglang lumiwanag yung mukha ni Bravery. "Talaga po?!"



"Oo. At pwede mong maging Mommy si Sofia. 'Yun eh kung okay lang sa kanya."



Tumingin sa akin si Bravery. "Pwede po ba?"



"O-oo."



"Yehey!" tumalon-talon si Bravery sa sobrang tuwa. "May Mommy at Daddy na ako! Yehey!"



'Di ko naman mapigilang mapangiti sa nabigay naming saya kay Bravery. Kung sa simpleng pagiging magulang nya lang ngayong araw na ito mapapasaya na namin siya, pano pa kaya kapag nagkaroon ng taong gusto talagang mag-adopt sa kanya?



Pero magbabayad pa din si Dan Gab sa ginawa niya. Sa ngayon, may misyon kaming dapat gawin para sa batang ito. At iyon ay ang mapasaya siya.



"Ano, ready ka na ba sa gagawin natin ngayon?" tanong ko.



"Opo, Mommy."



Doon lang kami sa loob ng orphanage tumigil dahil hindi naman kami puwedeng lumayo. Pero pwede kaming pumunta kahit saan basta nandoon lang talaga. Kaya tinanong ko si Bravery kung saan ang pinakapaborito niyang lugar sa orphanage.



Dinala niya kami sa chapel. Sa gilid noon, may piano, gitara, at drums. Dito tinutugtog yung songs kapag may misa.



"Marunong ka bang tumugtog?" tanong ni Dan Gab habang isinasakbit sa katawan niya yung gitara.



"Hindi po, Daddy."



"Eh bakit dito mo gustong pumunta?"



"Ang ganda po kasi nung tugtog dito. Ang sarap pakinggan kapag nakanta yung mga madre kapag may misa. Pwede kayong tumugtog, Daddy? Tapos kakanta si Mommy!"



"Anong gusto mong kanta?" nag-isip na ako kung anong pwede naming kantahin. Pero epal si Dan Gab.



"HUWAG!"



"Bakit?"



"Ako na lang ang kakanta. Makinig na lang kayong dalawa."



Ini-strum niya yung gitara. Pero parang hindi siya nakuntento kaya binitawan niya ito at sa piano na dumiretso. At sinimulan nang tumugtog ni Dan Gab...



It's her hair and her eyes today
That just simply take me away
And the feeling that I'm falling further in love
Makes me shiver but in a good way
All the times I have sat and stared
As she thoughtfully thumbs through her hair
And she purses her lips, bats her eyes and she plays,
With me sitting there slack-jawed and nothing to say

'Cause I love her with all that I am
And my voice shakes along with my hands
Cause she's all that I see and she's all that I need
And I'm out of my league once again

It's a masterful melody when she calls out my name to me
As the world spins around her she laughs,
Rolls her eyes and I feel like I'm falling
But it's no surprise
'Cause I love her with all that I am
And my voice shakes along with my hands
'Cause it's frightening to be swimming in this strange sea
But I'd rather be here than on land
Yes she's all that I see and she's all that I need
And I'm out of my league once again.




Naramdaman ko yung mga goose bumps sa braso ko. Maganda ang boses ni Dan Gab. Matagal ko nang alam iyon. Pero ngayon ko lang uli siya narinig na kumanta. Parang tinigilan niya kasing kumanta noong pagdating namin ng high school.



"Yehey! Ang galing ng Daddy ko!" pumapalakpak si Bravery. "Daddy, turuan mo akong mag-piano! Gusto kong maging katulad mo paglaki ko."



"Ganun ba?" Nako, pumapalakpak na ang tenga nitong si Dan Gab. "Sige, tuturuan kita. Eh paano si Mommy mo, anong gagawin niya?"



"Hmm. Dito siya sa tabi natin. Diba dapat ang Mommy laging nasa tabi ng Daddy? Kaya tabi kayo."



Hindi ko talaga gusto yung idea ni Bravery. Asar kasi ako sa "Daddy" niya eh. Kung alam niya lang talaga. Pero hindi ko kayang i-upset siya dahil ang araw na ito ay para sa kanya. Kaya tumabi ako kay Dan Gab kahit masikip na sa upuan.



"Dito ka," tinapik niya ang hita niya at kinandong si Bravery. Yung isang kamay naman niya ay biglang napunta sa waist ko. "Baka mahulog ka."



Tinanggal ko yung kamay niya nang hindi nakatingin si Bravery at tumitipa ng keys. Tapos bumulong ako, "Umayos ka kung ayaw mong umuwing dumudugo ang ilong."



Napatawa naman siya. "Yan ang gusto ko sa iyo, honey."



Honey? Feeling niya naman. "Umayos ka kundi magiging bayolente talaga ako kahit sa harap ni Bravery."



"Huwag ka nang mahiya, honey. Ganyan talaga sa simula. Masasanay ka din," sasagot pa sana ako kaso binaling na niya ang atensyon niya kay Bravery. "O sige, ituturo ko sa'yo kung paano tugtugin yung Happy Birthday."



At iyon na nga. Ang tagal namin sa harap ng piano hanggang sa matutunan ng ayos ni Bravery ang pagtutgtog nito gamit ang dalawang kamay. Namamanhid na talaga yung pwet ko noong natapos sila.



"Ang galing!" puri ko kay Bravery sabay palakpak. Pagkatapos ay binigyan ko siya ng kiss sa pisngi niya. Abot tenga naman ang ngiti niya. "Ang galing naman ng anak namin!"



"Eh si Daddy, magaling din ba, Mommy?"



"Oo naman."



"Dapat i-kiss mo din siya!"



Nagulat ako. Di ko ine-expect na sasabihin iyon ni Bravery. Tinignan ko si Dan Gab. Poker face lang naman siya.



"Ha? Pwede namang hindi na eh."



"Di ba kapag mommy at daddy dapat nagmamahalan. Sabi ni Sister Jes kapag mahal mo isang tao kinikiss ka niya. Kaya nga natuwa ko nong i-kiss mo ako, Mommy. Kiss mo din si Daddy, matutuwa din siya."



"Oo nga naman Sofia, matutuwa din siya," panunukso ni Dan Gab.



Palipat-lipat ang tingin ko kina Dan Gab at Bravery. Si Dan Gab, feel na feel yung moment. Abot hanggang langit ang ngiti. Si Bravery naman halatang ineexpect niya talaga na hahalikan ko si Dan Gab. Paano kaya kung hindi ko hahalikan ito? Madi-disappoint siya. Paano naman ako? Kaya ko bang i-sacrifice ang first kiss ko sa cheeks (wala pa din sa lips, akala niyo, ha!) para lang magpasaya ng bata.



Well, it's now or never.



"You'll pay for this," bulong ko sa tenga ni Dan Gab. At hinalikan ko siya. Sa cheeks. Nang biglang may narinig akong nag-clear ng throat niya. Tinignan ko kung sino ang nakasaksi ng kalokohang ginawa ko. At naroon siya sa may pinto.



Si King.



• • • • • • • • • •

to be continued...

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon