Chapter 28: Hairpin

67.6K 943 95
                                    

Chapter 28: Hairpin

Nag-ikot ikot pa kami sa SM hanggang sa mapagod na kami at sinabi ni King na kailangan na daw niya akong iuwi.

Hinatid niya ako hanggang sa bahay kahit na pinilit ko na kaya ko nang umuwing mag-isa. Ang stubborn niya at tinuloy pa din ang paglalakad sa loob ng subdivision namin.

Sa gate, inabot niya sa akin yung mga gamit ko pero hindi siya gumagawa ng move para umalis.

Ano bang dapat ginagawa sa mga sitwasyon na ito?

"Uhm... thank you. Ang saya ng araw ko." Ang lame ng sinabi ko. Masyado bang formal? Wala namang nakasaad sa rule book ng kung anong dapat gawin after ng date/birthday present.

"Kahit na sinira ko yung tulog mo at hinila kita kahit hindi ka pa nag-aalmusal?"

"Oo, kahit na iyon."

"Good. Kasi na-guilty ako doon buong maghapon eh. Masaya din ako ngayong araw na ito. Salamat sa oras mo. Kung bibigyan mo ako ng chance, gusto ko uling maulit ito," sabi niya sabay hawi ng buhok na pilit kong hinaharang sa mukha ko sa sobrang hiya at sobrang kilig sa nangyayari.

"Sofia, ikaw na ba iyan?" narinig kong tawag ni Mama mula sa loob.

Patay! Nakalimutan ko palang magpaalam sa kanila na lalabas ako ngayong araw. Tapos kasama ko pa itong lalaking ito.

"Relax, nagpaalam na ako sa kanila bago pa tayo umalis."

Nagulat ako dahil may ganoon palang pangyayari. "Kelan mo ginawa 'yon?"

"Kaninang umaga bago sila pumasok."

"Ibig sabihin seven pa lang ng umaga nandito ka na?"

"Oo," sabi niya na parang naasar dahil hindi ako makapaniwlang ginawa niya 'yon.

"Bakit ten niyo na ako ginising?"

Nagkibit balikat siya. "Nag-bonding muna kami ni Kuya Paolo." Lumabas ng gate si Mama habang nagsasalita siya. "Good evening po, tita. Isososli ko na po si Sofia."

Ngumiti si Mama. "Nag-enjoy ba kayo?"

Si mama naman parang bata kami kung magtanong.

"Opo tita. Parang bata nga po si Sofia kanina eh."

"Nako iho ganyan talaga iyan. Noon nga eh—"

"Hep! Hep! Mama. Tama na. Magsisiwalat pa kayo ng kung anu-ano eh. Pumasok na lang tayo sa loob," pigil ko.

"Sige po tita, una na ako." Naglakad si King palayo pero nakaharap pa rin sa amin. Noong medyo malayo na siya, kumaway siya ng saglit bago tumalikod at naglakad palayo.

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon