Chapter 16: Cry

74K 1K 70
                                    

Chapter 16: Cry

General rehearsal na namin. Nasa auditorium ang klase buong araw para i-practice yung buong play.

"King! Ayusin mo yung maskara mo!" sigaw ni Angela na nagawa pa ng last-minute changes kasama nina Lyka at Maren.

Ako naman, nakaupo sa seats katabi si Kamille at inaayos yung sequence ng lights.

Nung tawagin ni Angela yung pangalan ni King, napataas yung ulo ko mula sa script at tumingin sa kanya. Sakto namang nagkatinginan kami. Ngumiti siya na parang pinipigilan niyang tumawa. Binawi ko agad yung tingin ko at naramdaman kong nag-blush ako. Sa totoo lang, yun na lang ang ginagawa ko lately kapag nalapit kay King. Ang mag-blush. Naging madalas yun simula ng sabihin ni Inna sa akin yung nararamdaman ko.

Pero hindi lang naman iyon ang dahilan ng pag-blush ko. Yun ay yung sa nangyari nung nakaraang linggo...

Isang buwan na ang nakalipas simula ng pumanaw si Lola. Sabado noon, walang pasok kaya nagpunta kami sa sementeryo. Naglatag kami ng banig sa madamong sahig ng memorial park tapos nagkainan. Natuwa naman ako sa dami ng pagkain na dinala ng mga tita ko. Ang dami talaga. Kaya tinikman ko yun isa-isa hanggang sa hindi na kaya pa ng tiyan ko na kumain.

Mga ilang minuto lang ang nakalipas, naramdaman ko ang pagkulo ng tiyan ko. Bad sign.

"Naamoy niyo ba iyon?" tanong ni Tito Gary.

Nagsi-singhutan naman ang mga kasama ko. Tapos sa peripheral vision ko, nakita kong kinukuha ni Mama yung atensyon ko.

"Sofia, pumunta ka na ng banyo!" sigaw ni Kuya Paolo.

"Bakit naman ako pupunta ng banyo?" tanong ko na parang walang alam sa nangyayari.

"Ilabas mo na kasi yang sama ng loob mo! Haha. Kadiri ka, Pia! Nakain pa yung iba. Dalaga pa man din."

"Oo na! Sige na! Ako na ang salarin! Nakakainis ka talaga kuya!!!" At nag-walk out na ako. Nakakahiya! Habangbuhay na magiging usapan sa pamilya namin ang ginawa ko.

Lakad lang ako ng lakad. Ni hindi ko na mga napansin yung sakit ng tyan ko. Ang tanging napansin ko lang ay ang daan. Naliligaw na pala ako.

Kahit kelan kasi hindi ako pumasok sa kaloob-looban ng sementeryo na ito. Doon lang kasi nakalibing si lolo at lola malapit sa entrance.

Ilalabas ko na sana yung cellphone ko para magtext kaso naiwanan ko pala sa bag ko.

"Bahala na nga!" sigaw ko sa hangin.

Kung saan-saan nga ako nakarating sa sementeryo. Wala din akong makitang tao...

Habang tinitignan ko yung paligid, 'di ko maiwasang makaramdam na parang nakarating na ako sa parte na ito ng sementeryo.

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon