Chapter 27: Phineas and Ferb

65.7K 1K 115
                                    

Chapter 27: Phineas and Ferb

“Uuwi na tayo?”

Nalungkot ako kasi ang ikli pa lang ng oras ng paglabas namin tapos masisira lang ng dahil sa ulan.

"Hindi naman tayo pwedeng magtagal dito. Baka magkasakit ka pa."

Napa-scowl ako. "Para kang nanay."

"Para ka kasing bata."

"Dadalhin mo ako sa children’s park tapos ngayon magrereklamo ka na para akong bata."

"Hindi naman sa ganon... tsk. Tara na nga."

Mapilit siya kaya sumama na lang ako sa kanya. Naglakad uli kami palabas. Wala na yung ulan sabay sumikat na ng konti yung araw kaya medyo natutuyo na kami. Nagiging uncomfortable na nga ako sa patuyo kong damit eh.

Sa di-kalayuan, nakakita ako ng kalesa at tinuro ko iyon sa kanya.

"Gusto mong sumakay?" tanong niya.

Nasabik ako kaya pumayag ako.

"Manong, pwede po ba hanggang SM?"

"Oo naman. Sige sumakay na kayo," sabi ng kutchero.

"Akala ko ba uuwi na tayo?"

"Wala naman akong sinasabing uuwi na tayo."

Oo nga naman. Ang bilis ko kasing mag-assume ng kung anu-ano eh. Simula ngayon hahayaan ko na si King sa pagde-decide ng mga susunod naming gagawin.

Noong nasa loob na kami, dumiretso kami ng department store.

"Anong ginagawa natin dito."

"Nakikita mo ba ang itsura mo?" Dinaanan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Mukha kang Amazona."

Instinctively, hinawakan ko yung buhok ko na magulo tapos medyo nag-twist ako patalikod para makita kung ano pang ibang damage ang nangyari sa damit ko. Ang dumi. Siguro mukha akong taong grasa. Hayaan mo na, ganon din naman si King eh. Pero syempre gwapo pa din siya kahit na putik-putik din siya. Nakakahiya nga kami eh. Nasa SM, mukhang pulubi.

Sinundan ko siya papasok ng department store.

"Wala akong pera."

"Papautangin kita. Anong uunahin nating bilihin?"

Napatingin ako sa paa ko at pinakiramdaman yung medyas ko na basang basa. "Tsinelas muna."

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon