Chapter 4: Lalaki

85.2K 1K 97
                                    



Chapter 4: Lalaki



Natapos na din naman namin ni King yung bahay ni Chi ng maaga-aga dahil minadali ko na din. Ayoko nang tumigil dito sa bahay nila. Eh si King naman kasi eh, hot and cold! Hindi mo alam kung anong tumatakbo sa isip ng mokong na iyon. Kaasar.



Sa kwarto ko, habang nakahiga ako sa kama, di ko naman maiwasang ulitin ang mga nangyari kanina. Doon sa jeep. Kung paano nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni King nang makita ang mama niya. Yung pagtali niya sa buhok ko.


'Di ko namalayang nakatulog na ako. Paggising ko, una kong nakita ay yung panyo ni King na ipinantali niya sa buhok ko kahapon. Malabahan na nga at ibabalik ko na sa Lunes.



Sabado ngayon. Katulad ng nakasanayan, nagkaroon ng gathering sa bahay ng Lola ko. Nandoon lahat ng mga kamag-anak namin. Konti pa lang ang nasa bahay ni Lola nang makarating kami ng pamilya ko. (Nakalimutan ko palang sabihin, apat kami sa pamilya. Papa, Mama, Kuya, at ako.) Si Kuya Paolo pumwesto agad sa harap ng TV. Ako naman, hinanap ko si Lola.



"La!" binati ko siya ng kiss at hug.



"Oh, iha, kamusta?"



"Ito namang si lola parang galing akong abroad kung mangamusta eh! Haha. Ayos lang naman po ako. Thank you nga po pala doon sa cookies na pinabigay niyo kay Joana ah."



"Nako, basta ikaw, apo. Nasaan na nga pala ang mga iyon?"



"Tinext po ako ni Joana. Malapit na daw po sila."



At napuno na nga ang bahay ng lola ko ng mga patay gutom-este mahal-kong mga kamag-anak.



At dahil lagi na naming ginagawa ang ganitong klaseng family reunion, sanay na ang lahat na magkumpol kumpol sa ilan-ilang sulok ng bahay. Nagtsitsismisan ang mga tita, nag-uusap tungkol sa basketball ang mga tito. Ako naman, kausap ko si Joana. Ito na siguro ang perfect time para isagawa ang "Operation: Ipakilala si King kay Joana."



Dala-dala ko yung plato na puno ng pagkain at yung paborito kong melon juice ni Lola. Tapos, tumabi ako kay Joana.



"Jo, patabi."



"Oh, Ate Pia. Kumakain ka nanaman? Kaya ka tumataba eh."



"Mas gusto ko naman yung MAY LAMAN kaysa sa ting ting, diba. Nga pala, may itatanong ako sa'yo. Kilala mo ba si King?" Nakatingin ako sa fried chicken na inaakit ako at di ko mapigilang kagatan ito ng malaki.



"King? Sino iyon?"



"Shikingyumatangkadmaputi-" may tumalsik na butil ng kanin mula sa bibig ko kaya remembering my manners, nilunok ko muna yung laman ng bibig ko. "Si King. Yung matangkad, maputi, mahaba kilay, kulay brown yung mata..."



"Ah, si King Rodriguez! Iyong King na iyon," ngumiti siya na parang may isinusuggest sa akin. "Bakit Ate, crush mo?"



Nasamid ako sa iniinom kong juice. Ang sakit sa ilong. Literally! Lumabas talaga yung juice sa ilong ko.



"Ate!" sigaw ni Joana habang tinatapik yung likod ko.



"Sorry," naluluha yung mata ko. "Sa kabilang daluyan pumasok yung juice." May hinihintay pa ata siya na sabihin ko. "At iyong mokong na iyon? Psshh! Imposibleng maging crush ko iyon! Mas magugustuhan ko pa si Voldemort kaysa doon eh!"



Tinitigan lang ako ni Jo na parang hindi siya naniniwala sa akin.



"What?!" tanong ko.



"Wala."



Maya-maya pa narinig ko yung feedback ng mic kapag ina-adjust ang volume nito. Isini-set up na nina Kuya Paolo yung videoke. "Hello, mic test. Testing 1, 2, 3... O ayan. Okay na yung videoke. Sino gustong mauna?"



"Ako!" sigaw ko sabay tayo. Nakita ko ang mga ekspresyon ng mga kamag-anak ko. Lahat sila mukhang nalugi. Tanging si Lola lang ang pumalakpak.





LUNES NG UMAGA, nagkaroon ng career orientation ang school namin para sa mga 4th year students. Dito inorient kami sa mga best colleges na pwedeng pasukan at mga college programs na in demand sa ngayon. Buong umaga iyon. Interesting din naman ang subject kasi future din namin ang nakasalalay doon.



"May course ka na bang napili?" tanong ko kay Inna noong lunch time.



"Music. Gusto ko something related to music." Si Inna. Pagdating talaga sa passion niya, susundin niya. 'Di ko pala nasasabi sa inyo, magaling mag-piano ang best friend ko. At gusto pa niyang palawakin ang kakayahan niya sa paggamit ng ibang instruments. "Ikaw, ano na kukunin mo?"



"Hindi ko pa alam."



Wala pa talaga akong kinahihiligang kurso ngayon. Sa totoo lang, nape-pressure na din ako sa mga courses na pagpipilian. Tsaka konting oras na lang, magka-college na kami.



Hanggang pag-akyat namin sa classroom, dala ko pa din yung pag-iisip ko sa kung ano mang bagay sa akin sa college. Wag na lang kaya akong mag-aral?



Nagulat ako nang may nakabangga ako nang papasok na ako sa room. Palabas siya at papasok ako.



"Watch where you're going nga!" birit ni Venny. Jusko gusto kong maging English teacher para turuan ang mga taong hindi maintindihan ang ibig sabihin ng straight English eh!



Wala akong naisip na come back kay Venny kasi bigla kong nakita si King sa upuan niya. Pumasok agad sa isip ko 'yung panyo niya. Inaasahan din ata ni Venny na sasagutin ko siya kasi bubuka pa sana yung bibig niya nang tinabig ko siya pagilid.



Inilahad ko yung panyo kay King. "Salamat."



Tinignan niya ito na parang di niya alam kung ano yung iniaabot ko sa kanya. "Sa'yo na lang yan. Baka may kuto pa eh."



Aba nga naman itong--



Naiinis ako pero kinubli ko na lang.



"Ah, King may naisip ka na bang kukuning course sa college?"



"Business Administration."



"Ha?"



"Tinatanong mo kung anong kukunin ko. Sabi ko, Business Administration."



"Bakit naman iyon ang napili mo?"



"Bakit ba kailangan mo pang malaman?"



"Bakit ba ayaw mong sagutin? Mahirap bang sagutin yung tanong ko?!"



"Bakit ka ba kasi tanong ng tanong?"



"Masama bang magtanong sa seatmate ko? Kaya walang nakikipag-usap sa iyo sa klase natin eh. Hindi mo kasi sila pinapansin kaya nawawalan sila ng ganang makipag-usap sa iyo."



Hiningal ako doon ah. Sobrang inis para kay King na din ang naipon sa akin at ang sarap ng feeling na mailabas iyon.



Umupo ako sa upuan ko. Nang mag-cool down na ang lahat, nagsalita ako. "Nga pala, tinanong ko kay Joana kung kilala ka niya. Oo daw."



"Hmm."



Hmm. Yun lang ang sasabihin niya? Hmm.



Religion time nanaman. Nasa akin si Chi. Maayos din naman yung ginawa naming bahay para sa kanya kaya napasa na naming ang stage two.



"Ang susunod na pangagailangan ng kahit sino sa atin ay damit," sabi ni Sir. "Next project ninyo ay dadamitan ang inaalagaan ninyong egg. Everyday this week ge-grade-an ko ang mga ideya at creativity ninyo sa pagdadamit. "



Ano? Magdadamit? Bakit parang nagiging over na yung mga pinapagawa sa amin?



"So, anong idadamit natin sa kanya? Dress? Palda?" hinarap ko si King.



"Okay ka lang? Ginagawa mo bang bading si Chi? Bakit mo susuotan ng dress?"



Bading?



"Bakit ko gagawing bading eh babae naman iyan."



"Sino namang nagsabi sa iyo na babae si Chi. Lalaki iyan."



"Kelan pa nagkaroon ng lalaking may pangalang Chi?"



"Ngayon lang. Sa simula pa lang naman, lalaki na talaga si Chi."



"Babae si Chi. Hindi ako papayag na lalaki si Chi."



Tumahimik siya. "Coin toss?"



"Ha?"



"Coin toss tayo, kung sinong manalo sa kanyang gender masusunod." Naglabas siya ng piso mula sa breast pocket niya. "Heads or tails?"



"Heads."



Initsa niya na yung piso. Nang nasalo na niya, ipinakita niya sa akin ang laman ng palad niya. "Okay. Lalaki si Chi."



"Lagyan natin ng mukha." Suhestyon ko. "Ang gara naman kasing tignan kung may damit siya tapos walang mukha."



"Oh sige." Kumuha si King ng marker sa bag niya. "Gusto ko kulot." At ginuhitan niya ng noodles yung itlog sa tuktok. Naasar naman ako sa ginawa niya. Alam kong sa akin nakamodelo yung buhok. Pero hindi naman kulot na parang noodles ang buhok ko. Wavy nga kasi ito, wavy!



Kinuha ko sa kanya si Chi pati yung marker. "Ako gusto ko, mahaba yung pilik mata." At dinrowingan ko ito ng eyelashes na parang kay King. Tapos tumingin ako sa kanya. Wala talagang ekspresyon sa mukha. "Tapos gusto ko nakangiti siya." Inilagay ko na din yung mga natitirang parte ng mukha. Nang matapos na, nagkaroon kami ng kulot na sobrang masayahin na mukhang babae dahil sa pilik mata na lalaki naman talaga dahil iyon ang gender na napagkasunduan.



"Kamukha mo." Sabi ni King. Hindi ko alam kung compliment ba iyon o ano pero nag-init nanaman yung mukha ko. Naasar din ako. Di ko alam kung bakit.



Bigla namang sumingit sa amin si Venny. "Oh my gosh Sofia! Kamukha mo nga!"



Nanggaling kay Venny yung mga katagang iyon. Kaya obvious namang inaasar ako nito.



Nilingon ko yung alaga nilang itlog ng kapartner niyang si Ed, "*gasp!*" pagkukunwari kong nagulat ako. "Kamukha mo rin yung alaga ninyo!" Wala iyong mukha.



Sa tabi ko, nag-snort si King. Nakita kong namula si Venny. Sa mga mata niya, nakikita kong may gusto siyang iparating sa akin, May araw ka rin.



P.E. time na namin at sa gym ang klase. Sa classroom nagpapalit ng uniform ang mga babae. Nag-alisan na kami at malayo-layo na ang layo naming sa classroom nang maalala kong naiwanan ko ang laminated class number ko sa room. Pinauna ko na si Inna at bumalik ako sa room. Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko si Venny. Hawak niya si Chi.



"Anong ginagawa mo?!"



• • • • • • • •




To be continued...

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon