Chapter 34: Thesis Defense

51.8K 858 60
                                    

Chapter 34:Thesis Defense

“Direk! Tulungan na kita.” Mula sa likod ko ay kinuha ni Dan Gab yung hawak kong kumpol ng karton para sa props na gagamitin para sa Director’s Day. “Sa room ba ‘to dadalhin?”

“Hindi. Si auditorium. Magpapractice kami doon mamayang hapon. Excused kami eh.”

“Oh? Sabi ko na sa’yo dapat kinuha mo akong actor eh! Para excused din ako.”

Pabiro ko siyang sinuntok sa balikat. Babanat pa sana ako sa kanya kaso nga lang nakita ko siya na pumapasok sa gate.

Napatigil din si Dan Gab sa tabi ko. “Kausapin mo na kasi siya.”

“Hindi ko kaya," ang tugon ko bago ako tumakbo papasok ng CR.

Hindi ko alam kung anong nagpaurong sa akin. Kahapon desididong desidido ako na sa oras na pumasok siya, kakausapin ko siya. Pero noong nakita ko siya kanina, biglang pumasok sa isip ko yung mukha niya habang sinasabi niya na galit siya sa akin. Habang sinasabi niya na umalis na ako sa buhay niya. Pa’no na mamaya? Katabi ko pa naman siya sa classroom.

“Tapos ka na ba diyan?” narinig ko yung boses ni Inna sa labas ng cubicle.

“Pano mo ko nahanap?”

“Tinuro ni Dan. Ano? Naduduwag ka na?”

Lumabas ako ng cubicle. “Anong gagawin ko?”

“Ano bang mangyayari kung patatagalin mo pa? Ano? Ayaw mo na?”

Nag-ring na yung bell. “Hindi, kaya ko to.”

Umakyat na kami papuntang classroom. Sa loob, unang humiwalay sa akin si Inna at binigyan ako ng tingin na puno ng moral support. Dumiretso ako sa upuan ko at inayos yung bag ko. Naglabas ako ng gamit. Hindi ko alam kung bakit pinapatagal ko pa yung inevitable.

Nakatingin siya sa labas, yung likod niya ang nakaharap sa 'kin. Marunong naman akong bumasa ng body language at kulang na lang gumawa siya ng malaking signboard na nagsasabing, WAG MO AKONG KAUSAPIN. Para saan pa ang katigasan ng ulo ko kung susundin ko iyon?

“Kamusta na si Tita?”

Walang sagot.

“Nakalabas na ba siya ng ospital?”

Katahimikan.

“King,” nag-falter yung boses ko. Ilang araw ko ng hindi binibigkas o iniisip ang pangalan niya. Ang liit-liit na bagay lang ang laki-laki ng epekto sa akin.

Noong tinawag ko siya sa pangalan niya, tumayo siya at lumabas ng room. Nag-panic ako noong kumanan siya papunta sa extension ng building namin. Tumingin ako sa kaliwa, kung nasaan si Inna. Sa likod niya, si Dan Gab. Tinignan ko din yung mga classmates namin na sa gitna ng magulo kong emotion, tuloy lang sa daldalan at asaran. Bakit sila ganyan? Hindi ba nila nakikita na malungkot ako?

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon