Chapter 30: Wii Sports

62.3K 1K 137
                                    



Chapter 30: Wii Sports



"Kanina ka pa ba?" hinihingal kong tanong kay King. Mabilis kong nilakad papuntang simbahan kung saan napagkasundan naming magkita. Sa sobrang kaba ko, hindi ko namalayan na late na ako.



Tumingin siya sa wristwatch niya. "Late ka na."



"Obviously," sabi ko pero hindi niya narinig kasi naglalakad na siya papuntang sakayan ng jeep. Eto na naman tayo sa mood swings ni King.



Punuan sa jeep dahil may event na dinaraos sa simbahan. Sabay-sabay ang labasan ng tao. Kaya noong sumakay kami ni King sa jeep, magkahiwalay kami. Ako sa right side, sa dulo, siya sa medyo gitna malapit na sa driver sa left side. Nung una, parang nalungkot ako dahil ang layo niya sa akin pero naging thankful ako kasi nagawa ko siyang pagmasdan.



Ang weird ng angulo ng pagkakaupo ni King. Dahil siksikan, yung ulo niya lang yung nakaharap sa labas. Specifically sa front window. Parang lagi kong ginagawa ito sa jeep pero kinuha ko na yung opportunity na pagmasdan siya—yung cheekbones niya na bagay na bagay sa mukha niya, yung buhok niya na bagong gupit, yung Adam's apple niya, yung pilikmata niya—habang hindi siya nakatingin. Minsan ko lang naman iyong gawin dahil ang lakas ng radar nito kapag tinitignan ko siya. At mukhang na-activate na nga ang nasabing radar dahil bigla siyang lumingon sa akin.



"Bakit?" nag-mouth siya. Syempre mahirap namang mag-usap kami ng maririnig kami ng lahat ng pasahero ng jeep, di ba? Kaya ginaya ko siya.



"Ang gwapo mo," maliit yung buka ng bibig ko para hindi niya madaling mabasa yung words sa labi ko.



Kumunot yung noo niya. "Ha?"



"Sabi ko, ang gwapo mo."



Mas lalong nag-contort yung mukha niya. "Ha?!"



Natawa ako sa mukha niya kaya tinuloy ko lang yung panti-trip sa kanya. "Ang. Pogi. Mo." Napansin kong nakaka-attract na kami ng attention sa jeep. May mga pasaherong kunwari hindi kami pinapanood pero yung mata maya't maya ang tingin. Meron naman kung makatingin ay para kaming libreng palabas sa sine.



Nakita ko nagkamot na ng ulo si King. Tapos tumingin uli sa harap. Maya-maya konti, may nag-abot ng bayad sa kanya na inabot niya naman sa harap niya. Abot naman ni King yung kamay nung mamang driver pero sinambot nung babaeng nasa tabi niya. Na, take note, kanina ko pa nakikitang tinitignan si King. Kanina in-ignore ko lang siya pero hindi ngayon lalo pa't kinausap niya si King. Hindi ko narinig yung pag-uusap nila pero nakita kong ngumiti yung babae na nginitian din ni King. Nagawa pa nilang mag-flirt sa harap ko.



E ano naman? sabi ng boses sa ulo ko. He's not yours. Walang dahilan para magselos ka.



Ako? Nagseselos? Pfft.



Noong kumonti na yung tao sa jeep, lumipat na si King sa tabi ko. "Ano yung sinasabi mo kanina?"



"Wala," sabi ko. Nawala na rin siguro ako sa mood na makipag-asaran kay King. Kasi once na pumasok sa isip ko yung salitang "selos," hindi na iyon naalis. Naapektuhan pa tuloy pati yung mood ko.



"Weeeh. Tinatago mo pa. Sige na, sabihin mo na," sabay kiniliti niya ako sa tagiliran.



"Sabi ko mukha kang pwet!" Hindi ko sinasadyang sumigaw. Pero iyon ang ginawa ko at pinagsisisihan ko dahil kami ang naging center of attention kami sa jeep. Naramdaman kong uminit yung pisngi ko sa kahihiyan ng ginawa ko. Tinignan ko si King kasi baka na-offend siya sa sinabi ko pero nakita kong pinipigilan niyang tumawa. "Bakit ka tumatawa?"




"Ha?" Ang laking effort yung ginawa niya para magkaroon siya ng straight face. "Hindi ako natawa ah. Tara na, bababa na tayo."



Naglakad uli kami sa loob ng village nila. Magaling naman ako sa directions kaya binilisan ko na yung lakad ko at nauna na sa kanya papuntang bahay nila. Siya naman, nasa likod ko lang at walang effort na sumasabay sa lakad ko.



"Sofia naman, nagselos pa."



Tumigil ako sa paglalakad bigla, kaya nag-collide kami. Naglakad siya pabalik para bigyan ako ng space saka humarap ako sa kanya. "Ako? Nagseselos? Bakit naman ako magseselos? Saan? Pfft. Huh," dire-diretso yung pagsasalita ko kapag nagsisinungaling ako. Nakakaasar.



"Nakuha ko pala iyon nung umpisa pa lang."



"Yung ano?"



"Yung sinasabi mo sa jeep kanina. Sabi mo gwapo ako." Naglakad na uli siya at iniwan akong pinoproseso yung sinasabi niya.



"Bakit pinaulit-ulit mo pang itanong sa'kin?" hinabol ko siya.



Nagkibit balikat siya. "Gusto ko lang marinig ng malakas sa'yo para marinig ng mga tao. Ayokong magyabang, pero totoo naman kaya hindi mo dapat ikahiya."



Sinuntok ko yung braso niya. "Ang vain mo."



"Hindi vanity 'yon kundi fact."



Nakarating din kami sa bahay nila. Kahit na nakapunta na ako doon noon, hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa ganda ng bahay nila. Nandoon yung elegance at the same time alam mong comfortable ka sa bahay. Pwede akong maging komportable sa bahay na ito. Kung titigilan ko ang pagfi-fidget sa upuan ko. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa din alam kung bakit ako dinala dito ni King. Nawala na sa loob ko na tanungin sa 'yon kanya nung bumaba kami kanina sa jeep.



Nasa sala ako at hinihintay ko siya. So far, wala pa akong nakikitang kamag-anak niya. That's a good thing. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakita ko sila tapos hindi ko kasama si King.



Sandali lang siyang nawala at nung pumasok siya sa sala, dumiretso siya sa TV nila.



"Gusto mo bang maglaro?"



"Uhm... sure, anong lalaruin natin?"



Tumabi siya sa akin tapos iniabot yung Wii remote. "Wii Sports. Ano, kaya mo ba?"



"Hinahamon mo ba ako?" tinaas ko yung baba ko para nagbibigay ako ng vibes na hindi ko siya uurungan.



"Hinahamon mo ba ako?" ginaya niya yung posture ko.



Tinaas ko yung sleeve ng t-shirt ko tapos yung kabila at tumayo. "Baka umiyak ka kapag natalo na kita, nakaluhod sa harap ko at nagmamakaawang patawarin ka kasi hinamon mo ako."



Tumayo siya which put him at an advantage kasi mas matangkad siya sa akin. Kahit nai-intimidate na ako, tinuloy ko pa ring titigan siya. "Correction. Baka ikaw nakaluhod sa harap ko at nagmamakaawang patawarin ka kasi hinamon mo ako. "



"Ha. Ha. Ha. It's on!"



Una naming nilaro yung tennis. Syempre ako, todo bigay na ako sa paglalaro. So sobrang pagiging todo bigay ko, sumisigaw na ako kapag may time na hindi ko matatamaan yung bola. Malamang makakaramdam ako ng ganoon kasi sa umpisa, siya yung may lamang sa akin.



"Anong nangyayari dito?" narinig kong tanong mula sa hallway. Napatigil kami ng paglalaro ni King at nagkatinginan.



Pumasok ng sala yung mama niya. "Anong ginagawa ninyo?" Taas kilay niyang tanong.



Pinakita ni King yung controller niyang hawak. "Naglalaro po."



"Ah. Akala ko ginagahasa mo na si Sofia eh."



"Ma!" Pareho kaming nag-blush ni King.



"Sorry!" Tinaas niya yung dalawa niyang kamay. "Sa ingay niyo pa lang syempre gagana na yung imagination ko. Sige, ituloy niyo na iyan. Kapag gutom na kayo, may lunch na sa kitchen."



Pagkaalis niya naiwan kami ni King na nakatayo lang sa harap ng TV, ako nakatingin lang sa paa ko. Nag-iwan yung mama niya ng awkward na ambience sa sala.

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon