Chapter 7: Dan Gab

76.4K 1K 99
                                    

 

Chapter 7: Dan Gab

“Sir!” biglang taas ng kamay ko. “Pwede po ba iyon? Si King uli   yung kapartner ko?”

“Well, fair naman ang nangyaring pagpili sa inyo, kaya ayos lang naman iyon.”

“Sir, kasi—.” Hindi ko alam ang idadahilan ko. Nagi-guilty kasi talaga ako sa nangyari kay Chi kagabi. Ako talaga yung may kasalanan. Hindi ko naman matyempuhang kausapin si King para makapag-apologize sa nagawa ko. Kaso naman suplado mode uli siya ngayon. Nahihiya din naman ako kung sa harap niya eh gusto kong makipagpalit ng partner.

Bakit? Siya din naman ang may kasalanan kung bakit ayaw ko siyang maging kapartner eh! Kung ngingiti lang siya kahit isang beses. O di kaya ilibre niya lang ako ng kwek kwek sa labas, hindi ako maiilang na maging partner uli iyang kumag na iyan.

Pero, kase!!! Ako pa din yung may kasalanan kaya naging cold uli si King. Kung 'di ko siguro napabayaan si Chi edi sana kahit papaano eh hindi ako magi-guilty.

Napatigil ako sa internal monologue ko. Hinihintay pa pala ni Sir Reyes yung magiging “palusot” ko.

“Kasi po Sir, gusto ko pong magkaroon ng chance na ma-experience itong next project namin na kasama ang ibang tao. Parang bonding time na din. Tutal, last year na namin ito sa high school, gusto ko lahat ng classmates ko ay makahalubilo ko naman.” Ayan. Magandang excuse na siguro iyan.

Nahiya ako habang sinasabi ito. Nararamdaman ko kasing nakatingin si King habang nagdadahilan ako kay Sir. Ano kayang iniisip non?

“Okay. Sige. Papayag ako. Ayos lang ba sa iyo, King?”

“Yes, sir.”

“Sino sa inyo ang gusting mag-volunteer na makipagpalit ng partner?”

“Ako po sir!” Narinig kong sigaw ni Venny sa likod ko. Lumaki yung mata ko dahil hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hinarap ko naman siya. Nakataas pa yung kamay niya. Itong babaeng ito, magiging kapartner ko? Huwag na lang! Asa! Ayoko na! King! Take me back! “I want to be King’s partner.”

I want to be King’s partner. Iyon naman pala eh. Kabado bente pa ako dahil siya ang makakapartner ko. Ang malas ni King. Hayaan mo na. Magsama silang dalawa. Kahit hindi naman sila bagay.

“Okay, si Venny na at si King ang magkapartner. Sino ang dapat kapartner ni Venny?”

“Sir, ako po.”

Oh no.

No.

No.

NOOOOOOOO!!!

“Sofia and Dan. Ituloy na natin ang draw lots.” Bakit hindi na lang dinraw lots yung magiging kapartner ko?

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon