Chapter 1: Seatmate

122K 1.5K 117
                                    

Chapter 1: Seatmate

“Okay class, I am going to arrange your seats,” sabi ni Mrs. Saragosa, ang adviser at English teacher na rin namin. “In this box I am holding are pieces of paper with the numbers 1 to 40. You are going to be seated according to the number that you’ll take from this box. Let’s start with you." At nagsimula na ang bunutan para sa seating arrangement namin.

“Sana magkatabi tayo,” bulong sa akin ng best friend kong si Inna.

“Ayoko sayo. Iingay lang ako.” 

“Tumigil ka nga, Pia. Eh mas maingay ka pa sa akin eh.” Tama naman ang sinabi niya. Mas maingay nga ako kay Inna. Sa tawa ko pa nga lang rinig na ng buong mundo kung ikukumpara mo sa best friend kong sobrang kalmado. 

“Oh, ikaw na ang bubunot.” 

Lumapit ako sa table ni Mrs. Saragosa at bumunot na ng number. 5. Patay. Nasa aisle ang upuan. Malapit sa teacher. Paano na ako makakapag-ingay kung bente-kwatro oras akong nasa harap ng teacher? Kamalas-malasan nga naman oh! 

Si Inna naman nasa kabilang dulo ng classroom. Badtrip! Natapos na ang paglilipat ng upuan. Wala akong katabi sa gawing kaliwa. Sa kanan ko naman, katabi ko si Venny. Yung pinakakinaiinisan kong kaklase. Kung bakit, mahabang istorya. Basta nagsimula ang lahat noong grade 1 pa lang kami at ginupit niya yung buhok ko noong nakaupo siya sa likod ko.

“So, I take it that you’re comfortable with your arrangement,” sabi ni Mrs. Saragosa nang settled na kaming lahat.

“Actually ma’am, I’m having a hard time here in front. You see, I’m far sighted kasi eh.”

Ang epal magsalita. Konyo. Kung English, diretso English.

Tinignan siya ng masama ni Mrs. Saragosa. Number one rule sa English class na bawal magsalita ng kahit anong Tagalog na salita. “Where do you want to be seated, Ms. Gonzales?”

“Right here.” At itinuro niya yung upuan sa likod ko.

Sobrang pinigilan ko na lang ang sarili kong huwag tampalin ang noo ko. May mga tao palang sobrang… Ugh! Hindi ko maisa-salita. Kumukulo ang dugo ko. Pero salamat na din at kahit papaano, mawawala siya sa tabi ko. Isang malaking tinik na ang nabunot sa lalamunan ko.

“Mr. Rodriguez, do you mind?”

“No, not at all, Mrs. Saragosa.” Kinuha na niya ang mga gamit niya at nakipagpalit na ng upuan kay Venny. 

Mr. Rodriguez. Si King. Isa sa mga pinaka-aroganteng taong nakilala ko. Ngayong fourth year ko lang siya naging classmate. Sa totoo naman, second year kami nang lumipat siya sa school namin. Instant hit siya sa mga babae. Palibhasa kasi may itsura. Tsaka mayaman. Tsaka may itsura. Pero arogante, akala mo kung sino. Pero may itsura pa rin talaga siya.

Okay sige na nga. Siya na may itsura.

“Anong masasabi mo?” tanong ko kay Inna noong nag-lunch na kami.

“Masasabi saan? Na katabi mo si King?”

“Pssshh! Psshh! Wag kang maingay! Baka may makarinig.”

“Eh totoo naman eh.”

“Oh, ano ngang tingin mo?”

“Wala naman. Okay lang. Ikaw lang naman ang excited eh.”

Ayan nanaman ang best friend ko. Walang kaexpresyon sa mukha.

“Excited? Ako? Pfft! Nonsense yan. Ang pinoproblema ko lang eh parang nasasakal ako sa pwesto ko. Walang tao sa kaliwa ko. Si King ang nasa kanan. Tapos si Venny sa likod ko. Teacher pa nasa harap ko. Pinaparusahan na ata ako sa lahat ng mga kalokohang ginawa ko.”

“O.A. mo naman, Pia. Tara na nga. Malapit na yung susunod na klase.”

Nang maghiwalay na kami ni Inna at nakaupo na ako sa pwesto ko, nakahinga ako ng maluwag kasi wala yung tao sa tabi at likod ko. Buti naman. Kahit papaano makakapag-relax ako sa upuan ko. Dahil wala naman akong magawa, kumuha ako ng notebook at nag-doodle sa likod. Napansin kong umuupo na pala si King sa tabi ko at habang sinisiksik niya ang sarili niya sa espasyong dadaanan, natabig niya ang kamay ko at nabitawan ko ang ballpen.

“Pwedeng pakikuha?” pakiusap ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako at lumingon sa kabila.

“Sungit,” mahinang sabi ko. Narinig niya ata iyon kasi medyo napatingin siya sa akin. Nginusuan ko na lang siya at ako na mismo ang kumuha ng ballpen ko. Nasira na niya ang araw ko.

Dumaan lang ang buong araw na parang inaantok ako. Pero ang pinakanaging highlight ng buong araw ko ay nang sabihin samin ni Sir Reyes ang Religion project namin para sa first grading.

“So class, para sa project niyo para sa grading na ito, gusto kong alagaan niyo ang ibibigay ko sa inyo,” at may kinuha siya sa box na dala niya. “I will pair you up, a boy and a girl, at kailangan ninyong maging magulang ng itlog na ito. Alagaan niyo iyan. Dapat hindi mabasag kundi mababa ang grade na makukuha ninyo. And don’t even think of replacing these eggs because I have my signature at the bottom. Huwag nyo ding ibo-boil ito. Or else…”

Nagsimula nang magtawag si Sir ng magkakapares sa pag-aalaga ng itlog. Ang nasa isip ko na lang ay, Sana responsable ang kapartner ko.

 

“Sofia Quintos…”

Sana responsable ang kapartner ko.

 

Sana responsable ang kapartner ko.

 

Sana responsable ang kapartner ko.

 

… and King Rodriguez.”

Naramdaman kong bumagsak ang mga balikat ko sa disappointment. May mga kahilingan lang nga talaga na hindi natutupad.

Tinignan ko siya. Tinignan niya ako. Nagtitigan kami. Then he smirked.

Ano yun? Di ko mapigilang mainis sa kanya. 98% of the time.

 • • • • • • •

to be continued...

LimerenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon