Kabanata 41

15.9K 446 19
                                    

Kabanata 41

Temporary Home


Hahakbang na sana si Fej palayo pero natalisod siya, buti nalang at maagap ang mga bisig ni Tob at nahawakan siya sa beywang. Halos mahulog ang kutsara at tinidor sa dala niyang tray. 

"Are you okay?" bulong ni Tob habang nakatingala sa kanya. Nakaupo parin kasi ito sa itim na mono block chair habang hapit siya nito sa beywang. 

She couldn't think properly lalo pa't ang lapit lang ng mukha nito at ang mapupungay na mga mata nito ay titig na titig sa kanya at halos panghinaan siya ng mga tuhod. 

"A-h? Y-eah. Okay lang a-ko," nauutal na sagot niya. 

"Just sit here," utos nito. "Akin na yan," anito sabay kuha sa dala niyang tray. 

Hindi na siya makareact dahil kinuha na nito ang tray at pinatong sa tray din nito at umalis na. Wala siyang nagawa kaya naupo na lamang siya. Sinulyapan niya ang mga kasama niya sa mesa at halos nakatingin lahat sa kanya. She could see an amused grin on their faces. Pinamulahan siya ng mukha at yumuko dahil sa hiya.  

Matapos mananghalian ay tambak ang mga hugasin. May gripo at lababo naman di-kalayuan sa tent at doon dinala ang mga hugasin. Nakasilid sa limang malalaking palanggana ang mga hugasin at dinala ang mga ito malapit sa lababo. Nakahanda na ang tatlong army sa paghuhugas. Wala na naman siyang ginagawa kaya nilapitan niya ang mga ito. 

"Naku Mam, huwag na po. Kayang-kaya na po namin 'to," nahihiyang sabi ng isang kasamahan ng military. 

"No. I want to help. Magpahinga muna kayo at ako na diyan," nakangiting wika niya. 

Napakamot ang tatlong military sa sinabi niya. 

"Let this beautiful Missy do the work," the man said from behind. 

Lumingon siya at nakita niya 'yong lalaking katabi ni Tob kanina. Umalis naman ang tatlong lalaki. Nginitian niya ito ng tipid. This man looked a little bit hard and stern but somehow his eyes were playful. He has handsome face and body fit for a model but what added to his character was the scar on his left jaw. 

"I'll help you instead," he declared and went closer. 

Tinanguan niya ito at nagsimula na sila. They were silent for quite sometime. Hindi naman sila close para mag-usap na parang magkaibigan. A conversation with him might seemed a little bit awkward. 

"You two seemed close," panimula nito. 

Natigil siya sa pagsasabon at tiningnan ito. 

"Bakit mo naman nasabi 'yan?"

"I think it was too obvious?" patanong na sagot nito. He was hiding a grin. 

She just rolled her eyes on him and continued of what she was doing. 

"There's nothing between us," depensa niya. 

"Oh, too defensive aren't you?" He said amused. 

"Tsk." 

Then he laughed. Hindi niya alam kung alin don ang nakakatawa. 

"I just want to test my hypothesis. I want you to cooperate," he said chuckling. 

Tiningnan niya itong muli na nakakunot ang noo. Nagtaka siya kung ano ang ibig sabihin nito pero biglang nitong nilagyan ng bula ang kanyang kanang pisngi. Sinamaan niya ito ng tingin pero natatawa lang ang loko. 

"Sorry..." hinging paumanhin nito sabay pahid sa bulang nasa pisngi niya gamit ang malinis na kamay nito. 

"Will, someone is calling you on the phone." 

Strokes of a PainterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon