Kabanata 25

18.5K 500 89
                                    

Kabanata 25

  Prosopagnosia   


Binalikan siya ni Minzy at halos hindi mapuknat ang ngiti nito sa mga labi. 

"OMG Fej! Ang gwapo-gwapo niya! He asked my phone number but I refused to give it to him. Pakipot muna ako ng kunti," parang nababaliw sa kilig na pahayag ni Minz. 

Sinimangutan niya ito. 

"Be careful in dealing with that kind of guy."

"Ay sus, eto naman ang nega. Let's just enjoy while we're here. Hmm..." huminto ito sa pagsasalita at tumabi sa kanya. "Bakit mukhang bad mood ka yata?" 

Yumuko siya at huminga ng malalim. 

"Wala 'to. Mainit lang kasi ang panahon kaya naaapektuhan ang mood ko," nakangiwing sagot niya. Hindi niya alam kung maniniwala ba ito sa sagot niya. 

Hinampas siya ni Minz sa balikat at iningusan siya. 

"Huwag ka ng magkaila..." pinahaba nito ang huling salita at lumingon sa likod kung saan kasama parin nila Josyn ang dalawang babae. "Tsk, ang pangit naman ng lintang 'yan. Kung makakapit akala mo kung sinong maganda," kumento nito habang naniningkit ang mga mata. 

Napaubo siya sa turan ni Minz at nag-iwas ng tingin. 

"Eh, maiba tayo. Wala ka ba talagang natatandaan kagabi?" 

"Bakit ba? May nangyari bang hindi ko alam?" naguguluhang tanong niya. 

Napakamot ng ulo ni Minz at nagbuntong-hininga. 

"Nakita ko kasi si T na lumabas galing sa kwarto na tinutulugan mo kagabi-"

"H-a? Sinong T?"

"Tss, sino pa nga ba kundi 'yong kaibigan ni Kuya Josyn. Narinig kong T ang tawag ni Kuya sa kanya. So 'yon nga, akala ko alam mo?" nagtataka rin nitong tanong. 

Natigilan siya at inalala kung anong nangyari kagabi pero wala talaga siyang matandaan. 

"Hindi ko talaga matandaan. I was a bit drunk last night," mahinang sambit niya sabay pilig sa ulo. Bigla tuloy siyang kinabahan. 

"Hmm, something isn't right, is it? Magkakilala ba kayo ni T?" 

Umiling siya. 

"No. We just met during Shawn's interview. Magkaibigan kasi silang dalawa." Hindi na niya sinali ang ginawa niya noon sa parking lot. 

Tumango-tango si Minz sa sinabi niya. 

"Iba talaga ang kutob ko eh..." kumibot-kibot ang bibig ni Minz. 

"Anong sabi mo?" Hindi kasi niya maintindihan ang sinabi nito. 

"A-h? Wala. Halika na, maligo na tayo," yaya nito. 


Hinubad niya ang suot na shorts at sumunod kay Minz sa dagat. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang lumingon si T sa gawi nila. Madilim ang mukha nito at seryoso. Hindi na lamang niya ito pinansin at lumusong na sa dagat. 

Nagsabuyan sila ng tubig ni Minz at may ilang kalalakihang nakisali sa kanila. Mas bata nga lamang ang mga 'to. Nakipagkilala ang mga ito sa kanilang dalawa ni Minz. Nakipagkamay si Minz sunod ay siya. Aabutin na sana niya ang kamay ng binatilyo pero may humarang sa kanyang harapan. 

His broad back and shoulders were blocking her view. 

"Kuya naman eh! Ang KJ," angil ni Minz pero sinamaan lamang ito ng tingin ni Josyn. 

Strokes of a PainterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon