Kabanata 4

21.7K 507 11
                                    

Kabanata 4

Wet


Mabilis na tumakbo palayo si Fej. Huminto lang siya ng lumiko sa kanang hallway. Napakapit ang isang kamay niya sa wall habang ang isa ay nakatukod sa tuhod niya.

Hinihingal siya sa pagtakbo.

"Ate!"

Halos mapatalon siya sa gulat. Lumingon siya at may batang papalapit sa kanya. She focused her eyes on the girl.

"Anong nangyari sayo Ate Fej?" 

Umayos siya ng tayo at pinalis ang namumuong pawis sa noo. It was her cousin. Ang bilis nitong lumaki at halos hindi niya ito nakilala. 

"N-othing. Saan ang room ni Lola Tin?"

Tinuro nito ang kwarto na nasa dulo. Room 108 pala. Gosh! Nakakahiya talaga ang nangyari kanina. 

"Halika samahan mo ako. Kamusta ka na at si Lola? Ang laki-laki mo na ah?"

Kumapit ang bata sa kanyang braso at nagsimulang magkwento. Madaldal na ito noong maliit pa at mukhang mas lumala pa ngayon.

Pumasok sila sa loob at naroon ang Mama ni Tin-tin, si Tita Sam. Niyakap siya nito ng mahigpit.

"Kumusta ka na Fej? Mabuti naman at naisipan mong bumalik. Mas lalo ka yatang gumanda ngayon."

"Okay lang po Tita. Wala naman pong pinagbago sa mukha ko," natatawang pahayag niya.

"Juana ..." Mahinang tawag ng kanyang Lola.

Napangiwi si Fej sa paggamit ng makalumang pangalan niya. Lumingon sila. Gising na pala ito. Lumapit siya at niyakap ang matanda. Kaagad din siyang napangiti nang mayakap ng mahigpit ang kanyang Lola. She missed her so much. Iba parin talaga kapag nakita mo sa personal ang taong mahal mo. They communicated through the phone and all but having to feel their presence in person means a lot. 

Long distance relationship doesn't only limit to lovers. It can also be your family members. This kind of long distance relationship would never cease. 

"Sa wakas ay umuwi ka na apo. Kung hindi pa ako nagkasakit ay baka wala ka ngayon," may pagtatampo sa boses nito.

She felt guilty about that matter.

"Sorry po Lola My ..."

"Ma, ang mahalaga ay nandito na po si Fej," singit ni Tita Sam.

Kumalas ang matanda sa yakap at napasimangot.

Natawa sila sa reaksiyon nito. Ito na yata ang pinakacool na Lola sa buong mundo. Kahit matanda na ay nakakasabay parin ito sa trip ng mga kabataan.

Umabot sa mahigit dalawang oras ang kwentuhan nila. Nagpapahinga na ngayon ang matanda at mukhang napagod ito.

"Fej iha, uuwi muna kami sa bahay sandali at babalik din kami."

"Ah sige po Tita. Ako po muna ang magbabantay kay Lola."

"Salamat Iha. We'll go now." 

"Bye Ate!" Kumaway si Tin-tin sa kanya.

"Bye! Ingat kayo!" Balik kaway niya.

Hininaan ni Fej ang volume ng tv at sumandal sa sofa. Nagpalipat-lipat siya ng channel pero walang magandang palabas. Binitawan niya ang remote at tumayo.

Lalabas muna siya para bumili ng bottled juice habang tulog pa ang kanyang Lola. 

She silently prayed na hindi siya namumukhaan ng nurse. Madadaanan niya ang kwarto nito kaya mabilis at malalaki ang mga hakbang niya.

Strokes of a PainterWhere stories live. Discover now