Kabanata 24

17.8K 459 32
                                    

Kabanata 24

Unknown Pain 


Fej groaned as she heard Minzy's voice echoed inside the room. She tried to open her sleepy eyes but closed them again because her head was killing her. Damn hangover! 

"Bangon na Fej! It's almost ten in the morning. May pupuntahan pa tayo," niyugyog ni Minzy ang balikat niya. 

Tinabig niya ang kamay nito.

"Okay, okay. Eto na, babangaon na ako." Bumangon siya habang nakahawak ang isang kamay sa ulo. "Saan naman tayo pupunta?"

"Guess what? We're going to Alaminos, Pangasinan," masayang sagot nito. 

Biglang nagmulat siya ng mga mata sa sinabi ni Minz. 

"Pangasinan? Ang layo naman non. Ano naman ang gagawin natin don?"

"Tss, malapit lang kaya at tsaka nakalimutan mo na bang Holiday sa Lunes. Hello, Labor Day kaya. So pwede tayong mag-out of town. I need to breath some fresh air and be away from this crowded city."

Fej rolled her eyes on Minz. Heto na naman ang drama ng kaibigan niya. 

"I haven't prepared my things-"

"Don't worry I already prepared our things. All you need to do is go with us and relax," sambit nito sabay kindat sa kanya. 

Unlike her, Minz loved to do random and unplanned things. She believed that sometimes doing things unplanned makes our life challenging and exciting. Our life needs a little excitement to keep us motivated. 

"Us?" she arched her right eyebrow. "You mean may iba tayong kasama?"

"Tss, ang dami mong tanong. Halika na sa baba para makaalis na tayo," natatawang sabi ni Minz at hinila na siya palabas ng kwarto. 

"Wala ka bang napansing kakaiba sa kwarto mo kagabi?" kapag-kuwan ay tanong nito habang naglalakad sila papuntang komedor. 

Tiningnan niya si Minz at umiling. Wala naman siyang napansing kakaiba sa kwartong tinutulugan niya kagabi.

"Wala naman, bakit?" nagtatakang tanong niya. 

"A-h? He-he-he... wala lang. O nandito na pala tayo. Hi Kuya Josyn!" kinawayan nito ang lalaking nakaitim na t-shirt. 

First time niyang makita ang pinsan nito. Nasa Amerika kasi ang pinsan ni Minz noong nakapunta siya rito sa bahay. Masasabi niyang gwapo si Josyn at matikas ang pangangatawan. 

"Upo na kayo," yaya ng pinsan nitong si Josyn. 

Umupo na silang dalawa ni Minz sa kabilang upuan. 

"Kuya si Fej nga pala 'yong matalik kong kaibigan na kinukwento ko sayo minsan."

Ngumiti si Josyn sa kanya kaya nginitian niya ito pabalik. 

"Sige na kumain na kayo para makaalis na tayo." 

Sabay silang tumango ni Minz at inatupag ang pagkain. Pagkatapos nilang kumain ay babalik na sana siya sa kwarto pero pinigilan siya ni Minzy. 

"Bakit?"

"Diretso na tayo sa sasakyan, aalis na tayo." 

"H-a? Eh, tingnan mo nga ang suot ko," aniya sabay turo sa damit na suot. 

"Oh, okay na 'yan. Kahit hindi ka na magbihis ay maganda ka na. Ang sexy mo nga eh," nginisihan siya nito. 

Umirap siya sa kaibigan. Maikling shorts ang suot niya at loose crop top at halos kita na ang tiyan niya kunting galaw lang. Ito kasi ang ibinigay ni Minzy sa kanya kagabi. Hindi na siya umangal dahil pagod at inaantok na rin siya. Isa pa mas gugustuhin niyang sumuot ng ganito kaysa sa damit na 'yon kagabi. 

Strokes of a PainterWhere stories live. Discover now