Kabanata 7

21.1K 465 4
                                    

Kabanata 7

Lost


Pinamigay nila ang dalang mga pasalubong sa mga kamag-anak. Some of them were still familiar to her but she couldn't remember the other relatives.

Sa side kasi ng Lolo niya ang mga kamag-anak dito sa Dalaguete.

"Ate sama po kayo sa amin mamaya. Pupunta po kami sa busay (waterfall)," yaya ni Chiney na sa tantiya niya ang nasa high school na.

Isa ito sa malayong kamag-anak niya.

"Sige ba. Mga anong oras Chin?"

"After lunch po para snacks na lang ang dalhin natin."

"Okay. Kita tayo mamaya."

Nag-siuwian na sila at ang kaninay maingay na bahay ngayon ay napalitan ng katahimikan.


"Sasama ka sa kanila apo?"

Tumabi siya sa kanyang Lola sa sofa.

"Opo Lola My. Okay lang po ba?"

"Oo naman. Nandito naman si Pacita kaya huwag kang mag-alala," ginagap ng Lola niya ang kanyang kamay at ngumiti.

"Ate sama ako!"

Tumabi rin si In-in sa kabilang bahagi ng sofa.

"Huwag na apo. Baka mapano ka pa. Matatarik ang lalakarin nila papunta roon."

"Lola naman eh! Nandiyan naman po si Ate!" Maktol nito.

"Dito ka lang sa bahay Kristina," giit ng kanyang Lola.

"La, huminahon po kayo. Baka atakihin naman po kayo niyan eh," nakita niyang huminga ito ng malalim. Bumaling siya kay Tin-tin. "Tin, tama si Lola. But don't worry isasama kita sa ibang pagkakataon."

Nakabusangot ang mukha nito at humalukipkip.

"Tin-tin?"

"O-po ate," malungkot na sagot nito.

Tumayo siya at tumabi sa bata. Kinabig niya ito payakap.

"Huwag lang ngayon okay? Baka kung mapano ka. Lola and I are just concern of your safety," she said in a soft voice. She just wanted her to understand their reason.

Tumango naman si Tin-tin kaya nakahinga siya ng maluwag.


After lunch ay naghanda siya ng kaunting gamit at nagdala na rin ng snacks.

"Ate! Tayo na po!" Sigaw ni Chiney mula sa labas ng bahay. 

May sumigaw mula sa labas kaya dali-dali siyang bumaba at nagpaalam kina Lola My at
Tin-tin.

May mga kasama si Chiney na mga kamag-anak din nila pero may iba na mukhang mga kaklase o di kayay kaibigan nito.

"Ate, classmate ko po pala. Sina Faith at Mary."

Kumaway ang dalawa sa kanya at ngumiti siya pabalik.

"Hi girls!"

"Hello po!"

"Ang ganda ng Ate mo Chin," narinig niyang bulong ng dalawang classmate nito.

"Sshh, ano ba kayo baka marinig pa kayo ni Ate," saway niya sa dalawa.

Bahagya siyang natawa sa mga ito.

"So tayo na?"

"Sige po."

Naglakad na sila at nasahulihan siya nakasunod sa mga ito. Panay ang kuha niya ng mga pictures gamit ang cellphone.

Kahit na tirik ang araw ay malamig pa rin ang paligid dahil sa mababang temperatura. Pahirap ng pahirap ang dinaraan nila. Medyo paakyat na kasi sila sa bundok at may matutulis na bato silang madadaanan.

Strokes of a PainterWhere stories live. Discover now