Kabanata 34

17.1K 455 40
                                    

Kabanata 34

Take Me Home


Naalimpungatan si Fej sa tunog ng kanyang cellphone. Ginusot niya ang mga mata at napahikab na kinapa ang cellphone sa bag. 

Pagtingin niya ay text lang pala galing sa Globe. Inis na hinagis ang phone sa kama at akmang babalik na siya sa paghiga nang may mapagtanto siya. Bumalikwas siya at nagtatakang napatingin sa kwarto niya at sa kamang hinihigaan. 

Teka, bakit nandito na siya? Sino ang nagdala sa kanya rito sa condo niya? Napahawak siya sa kanyang sentido at inalala ang nangyari. Huli niyang natandaan ay nasa elevator sila ni Tob. 

Baka ito rin ang naghatid sa kanya sa condo. Damn! Inalis niya ang kumot sa katawan at lumabas sa kwarto. Nagtungo siya sa kusina dahil kumalam na ang sikmura niya. May napansin siyang mga pagkaing nakatakip sa mesa. Nilapitan niya ito at may sulat-lamay na nakaipit sa baso. 

Eat before you go back to sleep.

Yours,

T. 

Napatitig siya sa salitang Yours. Tsk, may pa yours-yours pa ang mokong. Inilagay niyang muli ang sulat sa mesa at nilantakan ang pagkain. Hindi na niya ininit ang pagkain dahil hindi rin naman siya mahilig sa maiinit na pagkain. 

Matapos iligpit ang pinagkainan ay bumalik siya sa kwarto para kunin ang phone at tinungo ang sala. Binuksan niya ang tv para manood ng History Channel. She dialed Minz's number at hinintay ang pagsagot nito. Pinahinaan niya ang volume ng tv nang sumagot si Minz sa kabilang linya. 

"Hi Fej! How was your work?" halatang excited ang bruha.

"You did it again, right?" may pagtatampo sa boses niya. 

She heard her sighed in the other line. 

"Hmm, you're looking for a job and it's just so happened that he, I mean they have job vacancy. Josyn told me Tob's looking for an editor. Sorry if I told you that it was my Uncle's company."

"How many times do I have to forgive you?"

Minz laughed.

"For a lifetime I guess? Unless ayaw mo na akong maging kaibigan?" 

"Tsk, pasalamat ka at mabait akong tao," she chuckled. Hindi rin naman niya matiis na magalit ng matagal sa kaibigan. She couldn't imagine her life without her best friend.   

"So, ano na? Kwento ka dali!" atat na sabi nito. 

"I don't have any interesting story to tell." 

"Ay ang daya! Hindi ako naniniwalang walang kababalaghang nangyari sa inyong dalawa." 

"Kababalaghan talaga?" natawa siya sa turan ng kaibigan. 

"Sige na magkwento ka na Fej. Bored na bored na ako rito sa kwarto eh."

Napailing na lamang siya at nagkwento kung ano ang nangyari. Pero hindi na niya sinali sa kwento ang kababalaghang nangyari sa kanila ni Tob. 


Kinabukasan, maaga rin siyang nagising at mabilis na nag-ayos. Paglabas niya sa building ay bumungad sa kanya si Tob na nakasandal sa Audi nito. He was wearing his usual business attire and as usual he looked so damn hot and edible. Busy ito sa katawag sa phone. She was about to take a step back but his gaze diverted to where she was standing. 

Nakita na siya nito at hindi na siya makakatakas pa. Kaya wala siyang nagawa kundi ang puntahan ito. Bakit ba kasi narito ang mokong na 'to? 

"Alright. I'll call you later. Bye," then he ended the call and met her half way. 

Strokes of a PainterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon