Kabanata 13

19.5K 548 37
                                    

Kabanata 13

Bold Move


Nagdidilig si Fej sa mga gulay sa farm. Nakailang buntong-hininga na siya at wala sa sariling dinidiligan ang kawawang mga lettuce. Nalulunod na sa dami ng tubig na dinidilig niya.

"Iha, okay ka lang? Pansin ko nitong mga nakaraang mga araw ay matamlay ka?"

Nauntag siya sa boses ng Tita Mag niya.

"H-a? Ah, okay lang po ako Tita," napakamot siya sa kanyang ulo at tipid na ngumiti.

"O siya tama na yan. Magpahinga ka muna. Balik ka na sa restaurant. Magbreakfast ka muna."

Tumango siya at sumunod sa Tita niya pabalik ng restaurant. Sa terrace siya nagbreakfast. Dinaluhan siya ng Tita Mag niya nang kumalahati na siya sa pagkain. Inilapag nito ang dalawang baso na may fresh carrot juice sa mesa.

"Late yata ngayon ang mag-ama," panimula ng konbersasyon ng Tita niya.

Natigil siya sa pagnguya at sumulyap dito. Muntik na niyang makalimutan na linggo pala ngayon.

"Usually they would be here around 8:00 am. It's past nine already," her Tita added then sipped the carrot juice.

Nagkibit siya ng balikat.

"Maybe they're just busy," she commented.

She hoped that it was true. She didn't want to see him for now. She was still pissed from the last time they had a talk.

Tinapos niya ang pagkain at uminom ng juice. The fresh carrot juice was very refreshing and its perfect for a beautiful morning like this. She leaned her back on the chair and savor the morning chill.

"Oh they're here!" excited na sambit ng Tita Mag niya nang mapansing may bagong pumasok sa restaurant.

Halos mabitawan niya ang hawak na baso at biglang tumambol ang puso niya sa kaba. Nanigas siya sa kanyang kinauupuan. Should she stay away and go home?

Not that she didn't want to see him but she's sure that they would end up fighting again.

Abala ang kanyang isipan nang may magsalita sa gilid niya.

"Hi!" he greeted and waved his hand to her.

Lumingon siya. His foreign features were vibrant and he looked young. Maybe in his early twenties.

"Hello! What can I do for you Sir?" magiliw na bati niya.

Ngumiti ang foreigner sa kanya. He's handsome but not her type. But he looked harmless tho. Hindi na bago sa kanya ang mga dayuhang turista dahil kadalasan dito pumupunta ang mga ito. On the way lang kasi ang restaurant sa daanan sa mountain hiking and trekking. Some of them made a stop over.

Basi sa dala nitong malaking backpack at attire nitong pang hiking ay pupunta ito sa Osmeña Peak.


Pagpasok nila ni Tob sa restaurant ay sinalubong sila ni Mag.

"Dumiretso ka na sa terrace Tob. Nandoon si Fej. Oorder lang kami ni Rowan ng pagkain."

Tumango siya at naglakad na papunta sa terrace. Nasa hamba na siya ng pintuan nang marinig ang pamilyar na boses. Her sweet laughter rang in his ears. His lips curved upon hearing her laughter.

He was being an ass to her and he didn't know if she would be happy to see him. He wanted to apologize for his behavior.

Hindi niya mapigilan ang magduda. His life has been in whirlwind. He couldn't just trust someone. He had been betrayed by the people he trusted the most and end up being like this. He didn't know who are his enemies and allies.

Strokes of a PainterWhere stories live. Discover now