Published book, anyone?

7.7K 112 58
                                    

Since halos dalawang buwan na ang nakalipas, siguro safe nang i-post ko ito...

Sinong mag-aakala na biglang may magme-message sakin na gusto nilang i-publish ang THM? Nangyari yun siguro kung hindi lima, e apat na buwan na ang nakakalipas. Pero dahil sa kinakaharap ko nung mga panahon na yun (na nagpapatuloy hanggang ngayon), alam ko sa sarili kong hindi ko kayang pag-isipan ng matino ang tungkol dun. Sabi ko sa kanila, hindi pa ko nakakapag-isip sa kung anong gusto kong mangyari sa libro...

1) Hindi ko alam kung gusto ko bang gawin itong purong English katulad ng gusto ko mula December 2011 pa. O purong tagalog ba. O TagLish na lang.

2) Ang iniisip ko rin, hindi rin ako sigurado kung gusto ko ba talagang mag-publish ng libro o hindi. Ang wirdo ko, alam ko yun.

Pero mas nagulat ako sa reply nila: hihintayin daw nila ko. Grabe, napaka-swerte ko namang tao. Sobra-sobra akong nagpapasalamat.

Lumipas ang mga linggo. Yung sa 1) medyo naging okay na ko. Sabi ko, sige TagLish na lang. Tapos, nagulat na lang ako kasi nag-message sila ulit sakin. Kung nakapag-isip na daw ba ko. Grabe, ang swerte ko masyado! So oras na. kailangan ko nang pag-isipan yung 2). GO or NO?

Alam ng ilang kapatid ko ang tungkol sa Wattpad account ko. November ata yun nung sobrang pinipilit ako ng mga ate ko na ipasa ko daw sa isang publishing company yung libro ko. Nasa NBS kasi kami non at tinuro ko sa kanila yung mga libro mula sa Wattpad. Sagot ko? "Ayoko. Hahaha." Natatawa kasi ako sa ideya. Hindi ko iniisip yung tungkol dun actually kaya parang natatawa talaga ko sa ideya. Tapos dumating to, sabi ng ate ko i-grab ko na daw 'tong opportunity na to. Sabi ko ayoko talaga. Sabi nya nagpapalampas daw ako.

Kaso wala e... Hindi ko alam kung bakit walang desire sa puso ko na mag-publish. Para bang masaya na ako na nagsusulat lang. Ako at yung notebook at ballpen ko lang. Tapos yung mga taga-rito na magiging interesado sa mga likha ko. Ewan ko. Nagdadasal din ako tungkol dito pero ang ending, napapasabi na lang ako sa Diyos na "Lord, hindi talaga e." Ewan, 'di ko maramdaman.

Pero nagpapasalamat ako. Sa pagkakataon. Akalain mong ako pa talaga yung nilapitan? Grabe, napakaswerte ko. Kaya salamat po sa inyo, partikular na publishing house.

GO or NO?

Hindi ko talaga gusto...sabi ko sa sarili ko. Minsan kasi nararamdaman mo na lang e. Hindi ko talaga alam pero hindi ko talaga nararamdaman yung kagustuhan. Pero minsan wala namang masama kung magtitiwala ka sa nararamdaman mo. Wala naman akong deadline na hinahabol. Wala namang nagsasabing magpublish ako ng libro bago ang ganitong oras. Hindi naman required na mag-publish agad si Hannah. Hindi naman mali na hindi mag-publish at manatili sa Wattpad yung story. So bakit hindi ko pagkatiwalaan yung nararamdaman ko, wala namang ibang taong magiging apektado? In the end, kung gagawa ka ng isang bagay na sobrang taliwas sa nararamdaman mo, sino bang dehado? Ikaw. Bakit? Dahil definitely lagi kang may bitbit na di magandang pakiramdam dahil sa ginawa mo.

Ito ang mga bagay na isinaalang-alang ko:

1) Hindi ako handang ipagbenta ang copyright ng libro.

2) Masyado akong conscious sa magiging itsura ng cover nito. (Patawad, pero yun ang totoo.)

3) Uso.

Sasabihin ko nang kinalimutan ko ang tungkol sa compensation. Sa totoo lang e hindi ko yun iniisip. At hindi ko rin ginawang basehan para magdesisyon. Yung dalawang bagay sa itaas lang talaga yung pinagtutuunan ko ng pansin. Wag nyo nang pansinin yung ika-tatlo; sadyang wirdo lang ako.

Sa totoo lang, hindi nagkaron ng closure ang usapan namin two months ago. Pero dahil ang sagot nila ay para bang nagsasabing hindi maiiwan ang copyright sa akin (dahil tinanong ko yung tungkol dito), at sumagot naman ako na para bang dinidiin ko na gusto ko talagang maiwan sa akin yun, siguro e "gets" na namin yun. Nagkaunawaan na kami. Kumbaga sa Business Law, nagkaron ng "counter-offer" or "qualified acceptance". Nung nag-offer sila, binalik ko ng isa pang offer--at yun nga yun, ang maiwan sakin ang copyright. Hence, walang meeting of the minds na naganap. (Paging students who took Business and Commercial Law! Haha.)

Ang ending, naging masaya pa rin ako. Tama ang desisyon kong sundin ang nararamdaman ko. Habang lumilipas ang mga araw na may nadadaanan akong posts na sobrang saya nila na nakapag-publish sila, alam kong masaya ko para sa kanila. (Masaya naman ako para sa lahat ng natutupad nila ang mga pangarap nila.) At isa pa...alam ko ring ayaw ko pa pala talaga. Napapasabi na lang talaga ko ng: Hindi talaga...

Siguro itatanong nyo, pano po kung iniwan nila sa inyo ang copyrights? Maipa-publish pa rin po ba ang THM? Nung mga panahon na yon? Sa palagay ko? Oo.

Pero ngayon po kaya? Siguro hindi. *weak smile* Ewan. Hindi ako sigurado. Wag nyo kong pansinin.

Nabasa nyo na ba yung "Because most of the time, I have weird dreams..." sa http://binibininghannah.weebly.com/journal.html ? (Note: DOP is Dalawang Oras Pa. Tagalized Two Hours More. Haha. Pasensya na, sabaw.)

Wala e. Sadyang "walang desire."

Pero syempre hindi naman ako sarado pagdating sa pagpa-publish. Hindi sarado...sadyang wala palang sa plano/list of goals ngayon.

Salamat nga pala sa inyong mga humiling na sana ma-publish ang THM. It means a lot to me.

At syempre, salamat po, partikular na publishing house. Pasensya na po ang arte ko, siguro galit na kayo sa akin. (Biro lang po.) More powers po sa inyo!

PS: Sabi ko sa inyo madami akong sinasabi lagi e. Pasensya na, nobela na naman ito. :D

Two Hours MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon