Chapter 25: Kurt's Plan

80.1K 839 153
                                    


 

 

“I heard may ball daw sa school niyo mamaya?”

 

 kinausap ako ni Daddy habang nakaharap ako sa TV at nanonood ng Real Steel. Don na sa scene na hinukay ni Max ang katawan ni Atom.

 

“Ano namang pakialam mo kung may ball?”

 

Malamig na sagot ko sa Daddy ko habang nginuya ko ang popcorn na nasa bibig ko.

 

“I know hindi ka interesado sa mga ganyang bagay so why not join me later sa meeting? Para naman alam mo kung papano magpatakbo ng kompanya kung sakaling ikaw na ang mamamahala nito. Alam mo namang wala na akong ibang mapagkakatiwalaan kundi ikaw lang.”

 

Sabi ni Dad habang nakaharap parin siya sa laptop niya. Hindi ko alam kung anon exactly ang ginawa niya at wala akong balak na alamin iyon.

 

“Tss.. Sorry pero pupunta ako ng ball kaya wala akong oras para sa kompanya.”

 

Pagkatapos kong sabihin sa kanya iyon pinatay ko na ang TV at umakyat na sa kwarto ko. Nakakabadtrip.

 

“Xander hindi mo matatakasan ang responsibilidad mo!”

 

Malakas na sigaw nito para makasiguradong maririnig ko talaga siya.

 

Ayoko sanang pumunta ng ball kaya lang napasubo na ako. Naligo nalang ako at nagbihis. Mas mabuti pang don nalang ako tatambay sa school kahit wala akong gagawin kesa naman makasama ko ang matandang dito.

 

 

..TPH..

 

 

Pinulot ko ang isang pares ng sapatos na naiwan ng babaeng nakasayaw ko. Ang tanga ko lang. Hindi ko man lang natanong ang pangalan niya dahil sa sobrang kaba ko kanina. Hindi ko alam kung narinig din ba niya ang tibok ng puso ko kanina na parang hinabol ng aso.

 

But she’s familiar.

 

 

..TPH..

At sa pangalawang beses, nagpakatanga ulit ako. Dahi sa sobrang pagmamadali kong mahanap si Cinderella, hindi ko namalayan na maling Cinderella na pala ang nakilala ko.

 

Pero dahil nadin sa binulong ng puso ko, nahanap ko ang totoong Cinderella na noon pa man isinisigaw nito. Pero kelanman, hindi ko kayang sisihin si Kaylee. Kung tutuusin nga, dapat ko pa siyang pasalamatan. Kung hindi dahil sa kanya baka naging tanga nalang ako hanggang sa kahuli-huling hininga ko.

 

Tinatanong nyo siguro kung ano nga ba ang nararamdaman ko kay Louise, sa totoo lng ramdam na ramdam ko na napaka espesyal nyang babae , yung tipong gusto ko syang protektahan sa lahat ng oras.

The Princess' Heart (Completed)Where stories live. Discover now