Chapter 21: Talk of the Town

78.8K 760 46
                                    




Pagpasok ko sa classroom iyong mga classmates namin nagbubulungan. Iyong iba, kung makatingin sa’kin parang kakapatay ko lang ng tao.



“Wala pa si Kaylee?” tinanong ko iyong isang classmate namin.



“Wala pa eh. Ahhmm..hmm..Ahh..Hmm..” May patingin tingin pa siyang nalalaman sa katabi niya.



“Sige na tanungin mo na. Bilis!” sabi nong katabi niya



“Anong itatanong mo?”


Nakakainis. Hindi nalang ako tanungin ng deretso?



“Louise, kayo na ba ni Xander?”



“Huh? Nakita niyo lang kami ni Xander na sabay pumunta  ng school tapos isipin niyong kami na agad? Di ba pwedeng magkaibigan lang?”



“Hmm..Hindi naman kasi ganun eh. Kasi may nakapost kasing... Oh andito na pala si Kaylee.” Tinuro naman ng classmate ko si Kaylee na kakapasok lang ng room.



“Kaylee. Okay ka na ba?” tanong ko sa kanya habang nilapitan ko siya



“Oo okay na ako.”



Sabay na kaming naglakad ni Kaylee papuntang upuan namin.



“May homework ba na ibinigay si iyong mga teachers natin?” tanong ni Kaylee



“Wala silang ibinigay. Alam mo sobrang nag-alala talaga ako sa’yo kahapon”



“Pasensya na Louise.”



“Okay lang iyon. Onga pala. May sasabihin ako sa’yo mamaya. May nangyari kasi kahapon.”



“Sabihin mo nalang ngayon.”



“Mamaya na pagkatapos ng class natin.”



Dumating na iyong teacher namin. Buti nalang at nakapag concentrate ako ngayon sa lesson namin dahil nag quiz kami. Si Kaylee, hindi masyadong na gets iyong lesson pero pinakopya ko nalang. Wala din naman siya kahapon kaya nahirapan siya masyado sa quiz.





“Salamat pala kanina Louise ha. Kung hindi mo talaga ako pinakopya, wala talaga akong maisasagot don.”



“Ano ka ba Kaylee. Okay lang iyon noh. Kumain na tayo? Sasabihin ko na sa’yo iyong nangyari kahapon.”

The Princess' Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon