Kabanata 41

6.8K 157 25
                                    

Tuloy pa rin ang practice kinabukasan dahil bago kami ilaban sa Chiu Academy, kailangan muna naming sumabak sa Francia Academy. Dito malalaman kung kani o ang Francia Academy ba ang lalaban sa Chiu Academy. All this time, puro Chiu Academy ang laging nananalo. For 3 years. Pero ngayong nandito na ako, susungkitin ko ung tropeyo para sakanila.

"Si Gabriel?"

"Hindi mo alam? Ano ba naman yan, Dalle. Istorbo ka samin e." sabi ni Kuya Aki. Pssh. Ayan nanaman yung girlfriend niya na si Ixara Jozen Mateo ba yun? Araw-araw na lang siyang nagdadala ng babae dito. Minsan si Ciphira, minsan naman si Althea o kaya naman Elisha. Iba't iba yung mga pangalan. Nakalimutan niya na ba na bawal magdala ng babae dito lalo na kung hindi naman magmamana ng ari-arian ni Auntie.

"Sungit. Asan nga ba?"

"Ayun. Nasa Condo niya. Dun na daw siya titira. Nilimas niya lahat ng gamit niya sa kwarto niya."

"Condo? Anong condo?"

"Dash.. ewan ko dun. Dun ka na nga. Tawagan mo na lang kapag namimiss mo." Aba, tinataguan talaga ako nitong Hampas lupang 'to ah. Humanda siya sakin bukas!

Kinabukasan...

Papasok pa lang ako ng campus at narinig ko na yung Two love bitches este love birds.

"Babe, dali na. Isang kiss lang please." Nakita nila ako at hinalikan ni Haguines si Kenniedy sa cheeks. Putres.  Ang aga-aga, PDA! Eh kung ipatanggal ko kaya siya sa Achievers. Tss. Jongina niya ah. Wag niya akong ma-I like you - I like you.

"Good Morning, Vice President!" nilingon ko yung tumawag sakin. Nakita ko yung kagwapuhang ngiti ni Dwican. Ang cute niya. Nakaeye smile pa siya. Bigla tuloy nawala ung inis ko.

"Good Morning, Kaede!" sinabayan ko ng ngiti yung pagbati ko sakanya. Kaede nga para maiba naman. Mas cool yun kesa sa Dwican. Naalala ko na inglisero pala siya at may biglang pumasok na idea sa utak ko. Hoho. Gusto niya ng laro ah. :)

"Hey, let's go to our classroom together." pagyaya niya.

Panget Ako! Palag Ka?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant