Kabanata 34

12K 177 31
                                    

"Oy, nagshopping ka?" Akala ko walang makakakita sakin.. meron pala.

"Ano naman?"

"Di mo man lang ako sinama. Magshoshopping din ako." Rets ked talaga o. Magshoshopping din daw. Eh halos bilhin niya na nga yung store ng Apple at Samsung sa HongKong kanina tas magshoshopping rin siya? Wow ah.

"Ang yaman lang. Ang gastador mo."

"Bat naman ako naging gastador kung kailangan ko naman yung mga pinagbibili ko." Kailangan niya ng Cellphone at IPad?

"Ah.. Kailangan mo rin ng Ipad?"

"Oo naman. Source of entertainment." Nye. Sagabal sa pag-aaral.

"O edi bukas, sasamahan kitang magshopping." Teka, bat nga ba ako nagooffer? -_______-

"Talaga? Sige. Maaga tayo ah." Shet.

Tumango na lang ako at pumasok sa kwarto ko.

Time check: 11:04 pm

Pwede ko pang gawin. Uumpisahan ko muna yung socks.

Gantsilyo dun, gantsilyo dito.. Hanggang sa makalahati ko. Hindi ko namalayan na 2 am na pala. Puyat nanaman ako nito. Tss. Matutulog na muna ako.

----

"GOOD MORNING!" Nagising ako sa lakas ng alarm clock ko este ng boses na nasa tabi ko.. Kung sinoman tong nanggising sakin, sisiguraduhin kong mabubulok siya sa impyerno. Kainis. 5 palang ah? Ang aga-aga. Mahigit na 3 hours pa nga lang tulog ko. Booset.

Nung nakita kong si Haguines lang pala ung gumising sakin, hindi ko na pinansin. Tumagilid na lang ako. Mamaya masapak ko pa yung pagmumukha niya. Istorbo.

Panget Ako! Palag Ka?حيث تعيش القصص. اكتشف الآن