Kabanata 59

1.2K 48 7
                                    

Tapos na yung Sports Fest. Wala namang nangyari. Basketball at Archery sinalihan ko. 2nd place kami all in all.


Gabi-gabi ko na lang naiisip yung kambal ni Dwican. Hindi ko alam. Sinubukan kong tanungin sila Jaz at Caleb. Hindi ko na alan nangyayari sa mundo. Totoo kaya?



Flashback..



"To tell you the truth, hindi namin alam na may twin brother ka. Nagala-detective kami ni Caleb para lang malaman kung anong misteryong bumabalot sa pamilya niyo, natin. Ano bang malay nsmin sa mga sikreto ng ma magulang natin? Ni hindi nga namin nakita si Dwican nung bata siya."



"Oo, Darelle. Sa maniwala ka man at sa sa hindi, itinago sayo at sa amin si Dwican na dapat aampunin na lang namin. Hindi namin alam kung sinong kumuha sakanya. Basta ang alam namin, dalawa kayong Parker sa nursery nung ipinanganak kayo ni Tita Deandra at nung iuuwi na kayong dalawa, isang Parker na lang ang nasa Nursery Room noon at ikaw yun." Nagulat ako sa sinabi niya. Ibigsabihin, yung pictures na nakita ko ay totoo? Ibig sabihin, may kakambal ako? Damn it. Who the hell is the mastermind of this conflict?



End of Flashback


Talino naman nun. Wala na nga kaming magulang, gagawin pang impyerno ang buhay namin. Ayos.



Gabi na pero nandito pa rin ako sa tagong Volleyball Court na pinageensayuhan namin. Minsan, dito ako naglalabas ng sama ng loob, dito kasi ako nakakahanap ng kapayapaan at katahimikan kahit na sabihin niyong sa kwarto ako nakakahanap nun. Iba pa rin yung nakakalabas at nakakalanghap ka ng hangin.



Ngayon na siguro ang tamang panahon para malaman ni Dwican kung sino ako at ano siya.


To: Kaede Parker


Be at DKP Volleyball Court now.


Nagreply siya agad at sabi niya 1 minute. Ang bilis naman.


Nagdidribble ako ng bola nang maramdaman kong nandito na siya kaya agad akong tumalikod at ipinasa sakanya ang hawak kong bola. Agad niya namang nasalo ang bola. My dear twin, athletic ka din pala kagaya ko. Malapit mo ng malaman ang totoo.



"Gabing-gabi na, naglalaro ka pa rin. Tapos na ang Sports Fest at Volleyball niyo ah. May problema ka siguro?" Nakangiti niyang sabi. Nagniningning siya sa gabi. Ang puti niya kasi. Mana sakin. Mukha tuloy kaming multo dito, para kaming nakalutang. Isang ilaw lang naman kasi ang nakabukas sa poste.



Hindi ko siya sinagot at tuloy pa rin ang pagpasa ng bola sa isa't isa.



"Wala ka sa mood. Galit ka siguro."

Panget Ako! Palag Ka?Where stories live. Discover now