Kabanata 21

19.4K 241 34
                                    

Kakauwi ko lang sa mansion nang bumungad sakin ang iyak ng isang bata na nanggagaling sa living room.

Pinuntahan ko yung Living room pero wala akong nakita. San naman manggagaling yung ingay na yun? Tsaka kaninong baby yun? Si Auntie, walang lovelife. Ni hindi nga yun naghahanap ng iba. Si Kuya Niel? Maingat naman yun, alam naman nila yung ginagawa nila ni Ate Ayane kaya impossible. Si Kuya Aki? Impossible din kasi ang alam ko, may nililigawan pa yun. Eh si Hampas lupa!? Wag niyong sabihing.. Aish..

Naalala ko nga palang may isa pa palang room sa bandang gilid kaya tinignan ko yun.

Nakita ko si Haguines na  karga-karga yung baby. Nakakarindi yung tunog kasi mas lalong lumakas nung pumasok ako. 

 "Nandyan ka na pala. Ikaw muna dito. May gagawin pa ako." Ay putspa. Ang sama nito. -__-

Naiwan akong nakanganga dun. Jusme. Ang sama talaga ni Haguines sakin! Bat niya sakin iniwan to? Baka mamaya mas lalo pang lumakas yung iyak. Matakot pa sakin to eh. Tsk. Kainis.

 Nakapa ko yung diaper niya.

Kaya naman pala e. Basang basa na. Loko lang talaga yung Haguines na yun. Susugurin ko yun. Nakakaimbyerna. Ang dami ko pang gagawin.

Sandamakmak na projects. Nakakainis. Porket isang linggo yung sa Paris, tatambakan na kami ng projects. Take note: hindi lahat ng matatalino, kayang ipagsabay-sabay ang mga gawain sa school. Naestress din sila.

Kinuha ko yung pack ng diaper niya sa gilid ng crib.

 Ang swerte ng batang 'to. Kumpleto ang gamit. Dinaig pa ko sa ganda ng kwarto.

 Pinunasan ko yung ano niya.. you know.. kasi pati yun basang basa na din. Napaka kasi ni Hampas lupa. Iniwan lang sakin to. Buti na lang pala alam ko kung paano mag-alaga nito.

Nang mapalitan ko ang diaper niya.. tumigil na siya sa pag-iyak at ngumiti pa sakin.

Nakakasilaw. </3
Ang cute niya.

Kinarga ko muna siya hanggang sa makatulog siya bago ako pumunta sa kwarto ko.

Ang daming projects. Exam is approaching na rin. Unfair.

Nagbihis ako at nagumpisa ng gawin yung isa sa mga projects ko.

Panget Ako! Palag Ka?حيث تعيش القصص. اكتشف الآن