Kabanata 65

893 21 5
                                    

Madami na rin ang nagconfess at ang pinakahihintay ko ay ang galing sa mga bibig na itinuring ko ng mga pamilya.


"Darelle.. Kami na ang humihingi ng paumanhin. Sige, magalit ka samin pero kami yung mga taong tumulong sayo para malaman mo ang katotohanan. Kami yung mga taong maraming alam sa ganito pero hindi kami masamang tao. Mali ang iniisip mo. Kung masama kami, sana hindi na namin inamin sayo ang lahat. Wala ni isa sa amin ang huling hatol. Nasa sayo iyan. Hindi pa naman huli ang lahat sa tingin namin. Planado ang lahat ng to. Masasabi kong scripted lang ang buhay mo pero nagawa mo pa ring magpakatotoo. Madami na ding naguguluhan kaya please... Maaaring malaman mo ang katotohanan at matagpuan mo siya pero hindi pa dito nagtatapos ang lahat." Ano? Matapos niyo akong gawing tanga? Matapos niyong ipamukha sakin na patay na si Dan?



"Ako yung kapatid ni Dan. Hindi ka niya pinabayaan simula pagkabata. Hindi ka niya iniwan kaso hindi ko alam kung bakit ka biglang nawala. Ako yung isa sa mga nakasaksi sa pag-iibigan niyo ni Dan kahit na hindi pa ako nabubuo sa sinapupunan ng aming ina, ramdam ko sa sarili ko na magiging magulo ang buhay mo kapag nakilala mo ang taong may pakana ng lahat. Nung mga panahong nagkakasakit ka, nandyan ang kapatid ko para alagaan ka. Lalo na nung nakaraan. Sinubukan niyang ipaputol yung internet connection ko para lang mabihisan kita. Oo, ako yung nagbihis sayo kasi hindi niya kaya kahit na nakabukas na yung botones mo. Ganun siya karespeto sayo kaya.. Sana mapatawad mo kami sa huli." si Kieren. Hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko nang maglakad sa gitna ang kapatid ko. Bumubuhos ang luha ko. Tama nga ako.


"Una sa lahat, ako si Dwican Kaede Torres Parker. Ako ang kambal ni Darelle at isa ako sa mga nakakaalam ng buhay ni Nichodeimus Danilo Santiago Sandoval. Sorry kasi hindi ko kaagad sinabi. Gusto ng lahat na ikaw ang makaalam kung sino siya kaso.. Parang nabubulag ka na sa katotohanan e. Wala na akong masabi kasi nasabi na lahat. All I can say is sorry." Lahat sila nakayuko. Naubos na ang mga salita. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko.



(Play video para damang dama niyo)

"Lights off.. A shot in the dark we get lost when we're playing a part we lay blame like we know what's best it's a shame..." Pinatugtog yung kantang Never Gone kasabay ng mga litrato sa projector. Baby picture, childhood, school, park, airport, highschool life at kung anu ano pa. Puro litrato ko kasama si... Dan.. Si Gabriel. Hindi ko na kayang tapusin. Hinihintay ko na lang siya, kung anong sasabihin niya. Saktong nagplay din yung record niya dati nung nagjajamming kami. Lahat ng tungkol sakanya nandun. Ibig sabihin, isang malaking kasinungalingan pala ang buhay ko?


"Fiona, ako si Shrek. Ako yung batang nagtanggol sayo. Ako yung matagal mo ng hinahanap. Ako nga si Dan, Nichodeimus Danilo Sandoval." Maluha-luha niyang sabi. Mas lalo akong napahagulgol sa narinig ko. Hindi ko pinansin yung mga paliwanag ng mga nakasaksi kanina. Wala akong pakealam. Gusto kong malaman yung totoo! Gusto kong marinig sakanya yung totoo!


"Kung ganon, bakit ka nagpanggap? Bakit mo ko iniwan? Bakit mo ko pinagmukhang tanga ng ilang taon? Bakit mo ko hinayaang hanapin ka, Dan? Bakit mo ko laging pinapaasa sa mga liham at voice records mo? Hindi pa ba sapat yun na naging tunay na akong babae ha? Hindi ba, yun naman ang hinihiling niyo? Iyon naman ang gusto niyong mangyari diba? Kasi all this time, panget ako sa paningin ng lahat. Pangit ako sa paningin ng nakararami. Kung panget ako, bakit niyo ako hinayaang maging tanga? Bakit mo ko hinayaang mapaniwala sa mga kasweetan mo? Bakit mo ako hinayaang mahulog kay Gabriel Haguines ha Dan?" Wala na akong maramdaman kakaiyak. Ayoko na. Gusto ko ng sumuko.




"Inalagaan mo lang ba ako kasi gusto mong makabawi? Kasi alam mo na ang mangyayari kapag nalaman ko ang totoo? Paano niyo napalabas na patay na si Dan? Gusto mo ikaw patayin ko? Paano mo nagawa to sakin? Sana kung naiwan kita noon, sana hinanap mo na lang ako at hindi yung pinagmukha mo akong tanga. Grabe ka. Binubusog mo ako ng mga kasinungalingan mo! At ako naman itong si tatanga-tanga at si nagbubulag-bulagan. Ang dami na ngang clues. Tinutuklaw na ako. Nandyan yung Shrek at Fiona, nandyan yung magkabirthday tayo, yung litrato ng tatlong sanggol, yung litrato natin nung bata pa tayo. Yung nasa park tayo. Ramdam ko naman na malapit lang dito si Dan e. Ganyan ka ba pinalaki ni Tita? Ang manlinlang ng kapwa mo? Ang gago lang e. Nakakaputangina. Isang malaking kasinungalingan ang buhay ko ganon? Araw-araw akong gumigising na hindi hinaharap ang katotohanan. Ganun ba yun? Ang gago mo. Pati sila dinamay mo. Pati yung inosente, nasangkot dito. Kaso hindi ko lang matanggap na ang Dan na dati kong minahal ay isa na palang Gabriel Haguines ngayon na sinungaling, walang puso, walang awa at siraulo. Gago ka! Napaniwala mo ko dun! Napaniwala mo akong may kayang tumanggap at magmahal sakin ng totoo na kagaya mo! Umasa ako e no? Teka! Wag niyong sabihing ini-April Fool's niyo ako kasi hinding-hindi ko talaga kayo mapapatawad! Hinding hindi!" Napatakbo ako pagkatapos. Alam kong may hahabol sakin pero bahala na kung saan ako makapunta sa ganitong oras. Gusto ko munang mapag-isa. Baka mabaliw ako.

Panget Ako! Palag Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon