Kabanata 04

31K 420 42
                                    

Yung pinapanuod ko! TT_TT



Wala akong makita kundi yung lamparang wireless na nakasindi sa tabi.


Lalabas na sana ako para kumuha ng lighter pero nabunggo ko yung kung anuman yun. Ang sakit. Hinawakan ko yung ulo ko... may bukol!



"Kasi naman. Haharang-harang ka sa daan!" sabi niya. Siya yun?! San lupalop ng katawan niyo ako nabunggo? Bakal ba to?!




"Ako pa tong haharang-harang sa daan? Hindi nga kita kilala tapos papasok pasok ka sa kwarto ko ng walang paalam. Hindi ka ba natatakot?! Ang dilim dilim na nga dito tas ang kapal pa ng mukha mong buksan yung banyo ko. Nananadya ka talaga e." Oo, gabing gabi na pero may kabangayan ako. Mabuti kung sound proof tong kwarto ko.



"Bakit alam ko bang kwarto mo to? Sa pagkakaalam ko, dito itinuro ni Auntie yung magiging kwarto ko." Ul*l! Dameng alam. Ipasok kaya kita sa cabinet ko.



"Heh. Lumabas ka na! Ayokong naiistorbo ang pangit na kagaya ko."



"Panget ka na nga, panget pa ugali mo!" sabi niya at lumabas na. Isang malaking sampal yun sa katauhan ko. Aminado naman talaga ako na pangit ako kaso tama bang sabihin niyang pangit yung ugali ko? Hindi niya lang kasi talaga ako kilala.

Dalawang linggo na rin ang nakakalipas at tuloy parin kami sa pag-aaral. Malapit nanaman ang Mid-term. Nakakastress ng kapangitan!

"Darelle, kailangan ka sa Volleyball mamaya o kaya kahit ngayon. Pumunta ka." sabi nung isang ka-teammate ko. Isa pa yang volleyball na yan. Magquit na lang kaya ako diyan? Nakakastress. Magpapaexcuse na lang ako kahit madami akong mamimiss.

"Never quit." tinignan ko kung sino yung nagsalita. Si Clyde. Nakasandal siya sa puno. Makikipagbangayan nanaman ba siya?

Nilapitan niya ako. "Kung ano man yung narinig mo kahapon, ako na tong humihingi ng tawad sa nangyari." sabi niya.

"Okay." matipid kong sagot. Alam kong eepal lang talaga siya sa storyang 'to kaya tinatapos ko na ngayon. Naglakad na ako papuntang Gym.

"Okay lang sagot? Galit ka pa ba?" tanong niya sakin habang sinusundan ako.

"Hindi ako galit. Nakakainis lang yung mga bangayan niyo." sabi ko at iniwan na siya. Hindi ko kailangan ng taong magtatanggol sakin dahil maraming nangungutya sakin. Mas nagmumukha akong mahina kung ganon.

"Ayun! Yiie, di rin matiis ni Lady spiker." bukod sa pamilya ko sa bahay, sila na rin ang naging pamilya ko dito sa eskwelahang 'to. Itinuring nila akong miyembro ng pamilya kaya hindi ko rin matiis na hindi sila balikan.

Nilapitan nila ako.

"Welcome back, Kaye!" bati sakin nung setter namin.

"It's nice to see you again." at bati ni Coach sakin.

"Group Hug!" sabi nung buong team. Naggroup hug kami. Dito lang talaga ako nakakakuha ng atensyon. Sa grupong 'to, walang pangit, walang masama ang ugali, walang boyfriends at kung anu ano pa. Lahat dito, pantay-pantay. 

"Sige, Kaye, magpalit ka na." sabi ni Coach. Wiiieee. Masusuot ko ulit yung uniform ko sa Volleyball. :)

 Pumunta ako sa Locker room naming mga Volleyball girls at nagpalit na.

Itinali ko na rin ang buhok kong pangmulto at inipitan ang bangs kong tumutusok sa aking mukha.

"Nandiyan na si Lady Spiker. Game na tayo." Sabi nung Hitter namin.

"MINE!" sabi nung isa. Mahirap makascore. Matatalo kami.. Tambak, kainis.
Sabagay, practice lang naman.

...

"Your turn, Lady Spiker!" Ako na magseserve. Kinakabahan ako, baka mamali ako ng serve. Baka ma-out. Alam kong hindi na ako ganun kagaling ng dati. sana lang tumama, may mga tao pa namang nanunuod at naglalakad sa gilid. May tatlong lalaki pang naglalakad habang nandito yung mata samin. Wag ko sanang matamaan yun.

Nagserve ako at tinitigan ko kung san papunta yun. Lagot. Ang layo.

"Oops. Sorry." sabi ko. Hala! Natamaan ko sa mukha yung lalaki. Lagot na.

Itinigil muna namin ang laro at tumakbo ako papunta dun sa mga lalaking kanina pa nanunuod.

 "Clyde?!" Hindi si Clyde yung tinamaan ko. Wag kayong mag-alala.

"Ang lakas mong magspike, Panget. Tara, dalhin natin siya sa clinic." Sabi sakin ni Clyde na halos matawa-tawa na. Hala. Hindi ko sinasadya. Promise.

"Guys, alam niyo na. Hehe. Ingat na lang kayo." sabi ko sa mga team mates ko. Napakagat na lang ako sa labi ko.

 --

Dinedecate kay BlackSnowPrincess13. Happy 2K :D
Thank you sa support. ^___^

Panget Ako! Palag Ka?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang