Kabanata 07

28.6K 372 38
                                    

"Hindi mo ba talaga natatandaan si Dayne?" tanong sa'kin ni Auntie.

Hindi ko matandaan si Haguines o kung sinomang Gabriel na 'yan. Ang natatandaan ko lang, yung nickname ko na Dap. Alam kong may isang batang lalaki na lagi kong kasama at binigyan ako ng nickname na 'Dap'.

"Hindi po." sagot ko sakanila.

Nagtinginan silang lahat. Hindi ko nga talaga matandaan kung sino yang Haguines na 'yan at hindi ko alam kung bakit ganun-ganun na lang ang pagkainis ko sakanya.

"Ah. Tara, manuod tayo ng The Conjuring." Yaya ni Kuya Niel para maiba ang topic. Alam kong si Kuya Niel lang ang nakaka-alam ng lahat. Pati pagkatao ko, alam niya at ayoko rin namang alamin kung bakit madami siyang alam tungkol sa'kin.

"Tara!" pagsang-ayon naman ni Kuya Aki sakanya.

"Ah.. kayo na lang manuod, magpapahinga pa ako. Hihiramin ko na lang yung tape." sabi ko. May gumugulo sa isipan ko ngayon na hindi ko alam kung paano ko bibigyan ng solusyon.

Dumiretso ako sa kwarto ko at umupo muna sandali sa kama ko.

"May gumugulo sa isipan mo?" Napatayo ako nung may biglang nagsalita sa pinakamadilim na parte ng kwarto ko. Hampas lupa! Hindi ko alam kung may privacy pa ba ako o wala dahil agad siyang nakakapasok sa kwarto ko ng hindi ko man lang napapansin. Tumatagos ba siya sa pintuan ko?

"Umalis ka sa kwarto ko. Ayoko makita yang pagmumukha mo." sabi ko sakanya. Naaalala ko yung batang lalaki na lagi kong kasama nung 5 years old ako.

"Bakit ayaw mong makita 'tong pagmumukha ko? Masyado bang nakakasilaw 'tong kagwapuhan ko?" Fine. Ang corny niya.

"Hindi. Ah basta, umalis ka kung ayaw mong multuhin kita." yun na lang nasabi ko.

"Aalis ako sa isang condition." Diyan siya magaling e.

"O, ano nanaman yun?"

Lumapit siya sa'kin at sinabing "Manuod tayo ng The Conjuring." bigla akong natawa sa sinabi niya. Tama nga yung sinabi ng mga kateam mates ko at sinabi ni Clyde. Bwahahahaha! Hindi naman siya kakainin ng TV, unless kung 3D. :)

Panget Ako! Palag Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon