Kabanata 61

1K 38 4
                                    


February 14, araw ng mga tsokolate, araw ng mga may lovelife at araw ng mga bitter sa mundo.



Nagising ako sa lakas ng doorbell. Sunud-sunod na pagpindot ng doorbell. Punyeta. Alas-quatro pa lang ng madaling araw, sino ba yon?! Inaantok pa ko. Kulang na nga ako sa tulog. Mga istorbo. Alas-singko pa dapat ako gigising kaso naudlot kaya hindi ko na itinuloy. Nawalan ako ng gana matulog ulit. Ang ganda pa naman ng panaginip ko, sinosolo ko ang Chocolate Fountain sa prom habang sila nagsasayaw.




Sinilip ko kung anong meron sa labas. Napalunok ako. What the heck!?




Ang daming babae. Puro babae na ang hawak ay chocolate. Ang ingay sa labas. Puro sigawan at tulakan.




"My feelings, My chocolate, Myself please accept them all."




"Daniel Iñigo Parker! Kyaaaahhh!"




"Akiyoshi, please accept my feelings!"




"Gabriel Dayne Lyndon Haguines, I love you!"

Puro ganyan yung naririnig ko. Tss. Mga istorbo. Bumaba ako at hindi ko inaasahan na ang tatlong lalaki na hinahanap sa labas ay nakahawak sakanilang mga noo na para bang may mabigat na dinadala.




"Nagising ka din sa wakas!" Si Kuya Aki. Nagtataka ako kung bakit sila nakauniform e alas-quatro palang ng madaling araw. Kasarapan ng tulog.




"Ang aga niyo."

"Plano naming lumabas ng maaga at pumunta sa kanya-kanyang destinasyon pero hindi namin inaasahan na ganito ang mag-aabang samin." Si Kuya Niel. Grabe namang mga babae yun. Akala naman nila, itong tatlong bugok lang ang lalaki sa mundo.




Naligo at kumain na ako. Padami ng padami pa din ang mga tao sa labas. Punyemas. Pati ba yung mga tindera ng isda at gulay, nandito din?




"DARELLE KAYE PARKER! PACKAGE!" Paulit-ulit kong naririnig yan sa labas. Package para sakin? Ang aga naman ata.




Binuksan ko yung pintuan at lumabas. Natigilan ang lahat ng kababaihan. Nagningning ang kanilang mga mata pati na rin ang deliveryman. Buti na lang talaga at uso yung bakuran samin.

Panget Ako! Palag Ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon