Kabanata 62

1K 32 4
                                    




Kenniedy's POV

Nakakaurat naman itong Cotillion buti na lang talaga at gwapo yung partner ko. Blade ata pangalan nito.


Isa-isa ng tinawag yung mga juniors at seniors para sa Maroon Carpet. E hindi naman matingkad yung kulay kaya Maroon. Ang dadaya talaga! Lahat sila may partner tas puro nakagown na samantalang kaming mga Cotillioners, magbibihis pa. Bakit pa kasi ako nataon dito? Tsk.


Naglakad na si Gab. Napakagwapo niya. Pakshet. Ang bango pa. Kundi ko lang to pinsan, baka nacrushan ko na to. Kaso... May kulang? Ang laki ng ngiti niya pero bat ganun? Wala siyang inaalalayan, wala ding kumakapit sa braso niya, oo, kasi ako dapat yun. Charot! Wala e. Social dance kasi mga yan, kaya dapat nakasuot na ng mga costumes. Samin din naman. Tsk. Kita kili-kili, kaya sa may putok at sa mga hindi nagshave na mala-gubat yung kili-kili dyan, bang bang. Buti na lang talaga at maputi sakin. Nagpawax pa ko no!


Teka, kulang yung social dance? Bakit walang partner yung pinsan ko? Asan si Darelle? Pupunta ba yun? Baka cocoon nanaman yun.


"Darelle Kaye Parker" lahat ng mata nasa kanya. Pati ako na nandito sa CR, napatitig. Bakit? She's wearing a cream cocktail dress that's why she looks like a white lady.


Darelle Kaye's POV

All eyes on me. Para namang hindi ako umattend nung prom last year.. Ay hindi nga pala.


"Tangina. Sino yan?"

"Ang ganda. Leche. Tinalo ang beauty ko."

"Nananaginip ba ako? Yung ugly-duckling naging isang magandang white lady?"

Ngayon lang ba sila nakakita ng ganito? Pati MC naamaze. What's new here?

--

Tapos na ang social dance at masasabi kong... Ingat na ingat siyang ibagsak ako. Hindi niya din ako tinititigan at ang seryoso ng mukha niya.

Kakapalit ko lang ng another gown ng higitin ako sa photo booth ni Kaede. Matchy-matchy kami ng kambal ko. White yung coat niya tapos red yung long sleeves. Mukha siyang red velvet, samantalang ako, mukhang goth.


"Kambal, ang ganda mo. First dance mo ko ah." Natatawa niyang sabi. Ang gwapo niya tignan sa suot niya. Ang sarap niya ding kainin dahil nga mukha siyang red velvet.



Naglakad ako patungo sa upuan ko ng matapakan ko yung gown ko syet. Bakit kasi nagsuot ako ng 4 inches na heels. Hindi ko naman ikagaganda yon dahil hindi naman nila titignan yung sapatos ko, edi sana naghidden wedge na lang ako.


"Are you okay?" Si Clyde.


Natawa ako kasi ang gwapo niya rin pala talaga kapag nag-ayos siya. Lahat ng mga tao dito nakakasilaw! Nakakanose bleed.


"Iba na ka na. Mag-ayos ka palagi para lalo kang magshine. Hindi yung hanggang prom ka lang." Pfft. Tinarayan ko lang siya.

May 8 chairs sa kada table. Ako, si Kaede, si Cher, si Clyde, si Blade, si Patrick, si Shan, at si Miguel. Mga tropa ko yang mga yan. Dito kasi, kahit saan ka pwedeng umupo. Hindi naman by order yung seats. Prom naman e. Gabi namin to kaya walang eepal.


"Hoi guys, mamaya ah. G pa kayo?" Si Blade ang nagtanong. Nako oo nga pala. Birthday kasi ngayon ni Cher. Nagkataon kaya diretso kami mamaya sa party niya. 17 na siya putek. Ako din, tatanda na ako. Nararamdaman ko na dahil isang buwan na lang.



Panget Ako! Palag Ka?Where stories live. Discover now