Kabanata 68

686 15 1
                                    

"Iiwan mo na ko, Parker? Ganun naman e. Iiwan mo ko ulit. Tapos hindi nanaman kita makikita. Maghahanap nanaman ako. Ano ba? Pagod na pagod na ko! Hindi ba pwedeng magstay ka na lang dito? Ano bang problema mo?" Napatigil ako sa pag-iimpake ko.


"Sino ba ang unang nang-iwan ha? Ikaw lang ba ang naghanap? Ikaw lang ba ang napagod? Bakit, dati? Naintindihan ko naman na magmamigrate kayo sa France pero bakit hindi mo ko kayang intindihin? Kung ikaw pagod na, pwes! Ako hindi pa!" Naiinis ako. Nakabook na yung flight ko.Maayos na ung papeles ko. Dun na ako titira sa Paris kasama si Dwican. Pinabook na kaagad ni Tita Aya at Tito Jedd. Like fuck? I also want a new life!


"Hindi mo ba ko kayang mahalin ulit?" Everything seems so fine when I heard this painful question, it seems like the whole world is crashing.


"Hindi ko alam." All I can say is I don't know. I don't fucking know.


"Nang dahil lang dun? Hindi mo na ko kayang mahalin ulit? Hindi mo na ko kayang patawarin ulit? Lahat naman ng mga taong dumaaan sa buhay mo, hindi nakakalimutang itanong yung.. "Paano kung bumalik siya? O kaya naman paano kapag nandyan lang siya sa tabi mo, kaya mo ba siyang tanggapin?" and all you can say is Yes, oo naman."

"Tama na! Wag mo namang isumbat to sakin. Hindi kita mapatawad kasi marami pa akong tatapusin. Gusto ko na ng bagong buhay kaya please... Lubayan mo na ako, Gabriel." Tumulo na ang mga luha ko. Hindi ko kaya to pero wala akong magagawa kasi malakas ako.

"Anong gusto mong gawin ko? Bakit mo kilala si Dollet? Punyeta naman, Darelle! Natatanga na nga ako sa mga salitang sinasabi mo, gagawin mo pa akong mas tanga. Ano ba?!" I clenched my fist.


"Ano bang gusto mong malaman ha? Na ikaw si Nichodeimus Danilo Sandoval na tinulungan ko nung araw na binugbog ka ng mga team mates mo at ako si Darelle Kaye Parker na sinabihan mo ng "Please call an ambulance right away. I need to live." Alam mo, sa kakahanap natin sa isa't isa, hindi natin namamalayan na nasa tabi na pala natin yung hinahanap natin. Kaya siguro, panahon naman para hanapin natin yung mga sarili natin." Natahimik siya sa sinabi ko, at the same time nagulat.


"Kelan pa bumalik yang ala-ala mo?"


"Hospital." Matipid kong sagot.


"You died, didn't you?" Mahigpit niyang hinawakan yung balikat ko. Natahimik ako.


"Your memory also came back, am I right?" Bumitaw siya sa paghahawak sa balikat ko. Ano ng gagawin ko?

"Para naman akong hangin dito. May kausap pa ba ako?"


"Yes." Matipid kong sagot.


"Then, ginawa mo lang din pala akong tanga." Natawa siya. How sarcastic.

"Hindi kita ginawang tanga. Ikaw yung nagpakatanga dahil in the first place, alam mo naman sa sarili mo na may ginawa kang hindi karapat-dapat. Diba mission accomplished ka na? Panalo ka na diba? Ano pa bang kailangan mo?"


"Ikaw! Hindi mo pa ako binabayaran."


Panget Ako! Palag Ka?Where stories live. Discover now