Kabanata 03

33.9K 503 50
                                    

 Dedicated kay Tsubashi. Natuwa ako sa feedback niya at yung mga feedbacks niyo rin. Hahaha. Happy 1k pala! :D

~

Tinignan ko siya ng mabuti. Nagkokoncentrate siya sa paglalaro ng Chess pati rin si Kuya Niel. Papunta na akong kwarto ko ngunit napatigil ako. Kumaway kaway siya sakin at ngumiti ng nakakaloko. Anong problema nung Hampas Lupang yun?! Ang sarap itapon sa Mental Hospital. Hindi ko na lang pinansin, masisira pa ang araw ko sakanya.

Dumiretso ako sa kwarto ko para magbabad sa bathtub. Naiistress ang kapangitan ko! Ang lagkit lagkit na nga ng buhok ko. Pag ako talaga namatay, mumultuhin ko sila isa-isa.

Pagkatapos kong basain ang mahaba kong buhok, ipinusod ko ito. Oras na nga para magbabad sa bathtub.

Ang banyo ko lang ang may pinakamaaliwalas na parte ng kwarto ko. Hindi naman ako nagsisindi ng ilaw mula umaga hanggang gabi at hindi rin naman ako nagtatali ng kurtina. Mas kumportable ako sa madilim.

Sa banyo ko, may radio at may libro akong binabasa. Hindi ko kasamang maligo yung tatlo kong kaibigan. Gusto ko lang mapag-isa ngayon at gusto ko ng tahimik na kapaligiran. 

"But I believe in true love, you know? I don't believe that everybody gets to keep their eyes or not get sick or whatever, but everybody should have true love, and it should last at least as long as your life does."  - The Fault In Our Stars

Ewan ko ba kung bakit binabasa ko to. Kakaumpisa ko lang kaninang umaga at ngayon ko lang naisipang ituloy. True love? Ayun yung pinakakinaiinisan kong bagay sa mundo.  Hindi dahil wala akong ganyan pero ayoko na lang talagang maulit ang nangyari.

3 years ago..

"Uhhm ano.. matagal na akong may crush sayo.."

"Alam mo ba ang pinaka-ayoko sa lahat ay yung pangit?!" 

Kaya simula noon, hindi na ako naniniwala sa mga True Love-True Love na yan. Ek-ek lang yan e. Kacornyhan sa buhay pero hindi ko masisisi yung libro at hindi ko rin naman talaga masisisi ang sarili ko, maganda tong The Fault In Our Stars e.

Nanahimik ako at biglang bumukas yung pintuan ko. Shet. Kung sinomang pumasok sa kwarto ko, matakot sana siya para lumabas siya agad.

Itinigil ko ang pagbabasa ko at pinakinggang mabuti kung saan siya papunta. Sa CR! Aba, sino ba tong kupal na to at ang lakas ng loob na pumunta dito?!

Bumukas yung pinto.. Buti na lang punung-puno ng bubbles yung bathtub at nakadikit pa yung mga tuhod ko, yung parang mage-egg roll ka. He he

Panget Ako! Palag Ka?Where stories live. Discover now