Kabanata 37

10.6K 165 28
                                    

"Good Morning!"nagising ako sa lakas ng pagsabi at pagkasundot sakin ni Gabriel sa tagiliran ko. Urgh! At least I had enough time of sleep.

Iminulat ko ang mata ko ngunit bakit ganun? Ang labo. Tinignan ko ang bawat paligid, ang labo pa rin. Pumikit ulit ako pero malabo pa rin talaga. Kahit si Dayne na nakasuot ng eyeglass? Kelan pa?

"Dayne, ang labo mo." Hindi ko talaga siya maaninag. No, yung mukha niya yung di ko maaninag kasi malabo.

"Huh? Anong malabo? Ilan to?" tinapat niya yung kamay niya sakin.

"Dalawa? Tatlo?"Hindi kasi ako sigurado e.

"Aish. Suotin mo nga 'to." sabi niya tas ipinasuot niya yung eyeglass niya sakin. Luminaw ang paningin ko. Naaninag ko ang mukha niya. Argh! Masyadong nakakasilaw. Masyadong gwapo! >////<

"Anong nakikita mo?"

"Malinaw."

"Hay. Tara, aalis tayo." Aalis ulit? Pero sabagay.. pwede akong sumaglit sa cementeryo.

"San tayo pupunta?"

"Basta. Maligo ka na." Siguro sa CC Mall nanaman. :(

¤¤¤

Hindi kami sa CC Mall pumunta. Ewan ko ba dun. Sawa na ata sa CC Mall. Sa Gateway kami napadpad ng sasakyan na dina-drive ni Mr. Perez. Rustans. Farmer's Plaza. Namiss ko to. Matagal na rin kasi mula nung ipasyal kami ni Auntie dito sa Gateway, hindi ko pa kilala si Gabriel noon. Basta matagal na.

Ibinaba kami sa Gateway. Hindi ko nga alam kung bakit ang haba ng pila sa Araneta. may concert siguro.

Dumiretso kami sa.. Optical Shop?

Panget Ako! Palag Ka?Where stories live. Discover now