Kabanata 42

6.1K 131 11
                                    

Akiyoshi's POV

"Nagbalik na siya."

"Wala akong pake."

"Gago ka ba, Daniel? Masisira lahat ng pinagpaguran natin kapag nangialam siya."

"Edi patayin."

"Papatayin mo ang kaisa-isang buhay ni Darelle? Hah! Para mo na ring pinatay yung ama natin."

"Manahimik ka. Baka gusto mong ikaw yung patayin ko."

"Mag-isip ka nga Daniel. Nakain na ba ng poot yang puso mo?" Bigla siyang tumayo at nakatikim ako ng suntok sa gilid ng bibig ko. F*ck. Hindi to ganito dati.

"Bahala ka. Sana wag mong pagsisihan." Inayos ko yung nakusot kong polo at lumabas na.

Sa totoo lang, hindi ako, hindi siya, hindi si Sandoval o si Darelle ang maiipit dito. Pati ang buhay ng pinsan ko maiipit dito.

Darelle Kaye's POV

Walang practice ngayon at buti naman, makakapagpahinga ako.

Nagbabasa ako ng libro sa Cafeteria ng may kung sinong grupo ng mga babae ang tumambad sa harap ko at kasama nga dun si Tania-Demonyita.

"Hoy, umalis ka nga sa upuan na yan. Kala mo kung sino ka. Kala mo kung sinong maganda-No, hindi pala maganda kasi pangit nga! Inaagaw mo si Dwicanbabes samin! Pati apelyido, inaagaw mo. You're an ugly whore!"

Hindi ko sila pinansin dahil wala akong sa mood. Hindi ba nila nakikita na nagbabasa yung tao?

"Hoy, ano ba! Kinakausap kita ah. Wag ka ngang tumunganga dyan. Sumagot ka! Bakit mo inaagaw si Papa Dwican samin?"

Panget Ako! Palag Ka?Where stories live. Discover now