Kabanata 54

2.1K 72 25
                                    

Sabado ngayon at inimbitahan ako ni Jaz at Caleb sa mansion nila.

"Sorry Kaye, may pictorial pala kami dito.


Maghintay ka muna sa library or sa game room basta kung san ka kumportable." Inaayusan si Jaz ng buhok para ata sa Vogue yun.

Nakakaloka. Ang laki-laki ng Bahay na to tas ako lang mag-isa ang palilibutin.


I went to the library. May part dun na puro antique books lang. Hindi ko alam pero may nagtulak sakin na kunin ang isang libro dun. Sobra niyang kapal. Kasing kapal niya yung dictionary. May password pa talaga. Ewan ko ba.

Nacucurious akong buksan ito. Ngunit hindi ko naman alam yung password kaya ibinalik ko.


Nagbasa-basa at nagtingin tingin ako ng mga libro ngunit ni isa walang pumapasok sa utak ko. Kung anu-ano na ang ginalaw ko pero wala pa rin. Pano nga kaya kung nandito yung clues na hinahanap ko?


Nakasandal ako sa wall at di inaasahang may nasagi akong bagay dahilan upang bumukas ang isang pintuang papasok sa secret passageway ng mga Torres. Hindi ata tama ang ginagawa ko.


Dinala ako ng mga paa ko pababa. Bawat pader ay may apat na numero. Hindi kaya isa dito ang password ng librong una kong kinuha kanina?


1965

1990

1934

1953

1303

1571

1856

1405

Parang room number lang sa hotel.


Hindi ko na itinuloy pababa dahil Baka kung anong sikreto ng Torres lang ang makita ko.


Binalikan ko ulit yung makapal na libro. Inisa-isa ko yung mga numero kong nakita kanina. Lahat ayaw gumana. Sinubukan ko tong 1303 dahil ito yung pinakamaliit na number na nakita ko kanina. Ito nga lang din ang may kakaibang postura dahil nakabaliktad ang dalawang tres.


Bumukas ang libro. Hindi ko inaasahang bubukas ito. Maalikabok at luma na ang laman ngunit makapal pa din ang mga pahina sa loob. Wala itong kalaman laman kundi ang isang salita kada pahina.


Unang pahina - Birth

Pangalawang pahina - Park

Pangatlo - Basement

Pangapat - Road

Panglima - States

Panganim - Name

Pangpito - Mansion

Pangwalo - Lies

Pangsiyam - Beginning

Pangsampu - Clues

Panglabing-isa - Truth

Panglabing-dalawa -

Panglabing-tatlo - Ending

Nagtataka ako kung bakit ang kapal kapal ng libro ngunit walang laman at kulang kulang pa. Hindi ko din alam kung bakit walang pangalan ang ika-labingdalawa.

Nagscan ako sa mga pahina. Nakita ko ang isang envelope na nakaipit sa bandang dulo ng libro. Ito ay naglalaman ng mga litratong kinuha noong 1996 hanggang 2002.

May tatlong sanggol na ipinanganak sa iisang ospital at sa parehas na araw. Wala ang mga pangalan nito at hindi ko madistinguish kung alin sakanila ang babae at lalaki dahil naka-sepia mode ang litrato. Kumbaga sa picture, kapag gusto mong gawing brown, sepia mode ang pipiliin mo.

Panget Ako! Palag Ka?Where stories live. Discover now