Kabanata 01

54.9K 747 204
                                    

 

*PAK!*

"Aray! Sino ka ba? Bat ka ba nananapak? Anong pro.. prob.." hindi na niya ito naituloy dahil unti-unti siyang lumalayo sa kinatatayuan namin. Ganoon ba ako kapangit para layuan? 

"AHHHH! Lumayo ka sa'kin! Wag mo kong saktan! Wag mo kong kainin! Pangit ka! Layuan mo ako!" Kalalaking tao, sigaw ng sigaw. Mukha ba talaga akong multo?

"Please, bata pa ako! Wag mo kong kunin! Madami pa akong pangarap sa buhay! Parang awa mo na!" Anak ng? Ang ingay talaga oh. Nakakatakot ba talaga tong itsura ko?

Tinignan ko yung babaeng nagpapahalay sa kaniya. Tinignan ko ng masama at tinaasan ko pa ng kilay. Ay, hinde! Wala pala akong kilay at mata, natatakpan ito ng mahaba kong bangs.

"AHHHHHH! HELP!" sigaw nung babaeng malandi. O, Grabe naman? Napalabas ko yun sa pamamahay na to. Dapat lang. Isa sa mga rules ng bahay na ito ay bawal magpapasok ng babae o kahit sino mang stranger sabi ni Auntie.

"Wag mo kong kakainin! Wag na wag kang lalapit sakin. Napakapangit mo! Mukha kang Shrek! Alis!" Nakakainis na ah! Ano bang ginawa ko sa nilalang na ito at todo kung makareact? Wala naman akong ginagawa sakanya at lalong lalo namang hindi Halloween ngayon. 

"Ikaw! Isang nilalang na hinulog ng langit, ang OA mo! Oo, alam kong Pangit ako pero tama bang ipamukha mo sa akin na kamukha ako ni Shrek?! Hindi ba puwedeng bigyan mo ko ng choices na kahit kamukha man lang ni Sunako, ni Sawako o ni Enma?!" Nakakainis e. Hindi naman ako ganun kapangit ni Shrek. Kung si Barney at Shrek lang ang pagpipilian, mas pipiliin ko yung 'o'

"Sunako, Sawako at Enma? Asa ka pa. Ang layo ng pagmumukha mo sakanilang dalawa. Tsaka ano bang problema mo ha?! Bakit mo ko sinampal at sinuntok? Inaano ba kita? Tsaka isa pa, hindi naman kita kilala. Paano kung namamaligno na ako?" Sunud-sunod niyang tanong. Lalapitan ko na sana siya ulit pero..

"Anong ginagawa mo diyan? Bakit ka nakahandusay? Naku! Tumayo ka na diyan baka madumihan ka." Hindi ko siya kilala pero kilala siya ni Auntie at hindi ko alam kung bakit ganun na lang si Auntie kaconcern sakanya.

"Auntie kasi.. yung katulong niyo po, bigla na lang po akong sinapak. Nakakatakot po kasi siya kaya napaatras ako." kanina Shrek. Tapos ngayon, KATULONG naman?! Sino ba tong hampas lupa na to na pumasok sa pamamahay ko?! Atsaka, bakit Auntie yung tawag niya? Sino ba talaga siya?!

Panget Ako! Palag Ka?Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz