Kabanata 05

30.4K 382 78
                                    

Sa Clinic..

"Okay lang ba talaga siya? Nalamog ko ata yung mukha niya." nagaalala kong tanong.

"Hahaha! Hindi, ayos lang yung pagmumukha niyan." biro pa ni Clyde. Aysus. -___-

Nagising na rin siya. Oo na, natamaan ko na si Hampas Lupa. Hindi ko naman talaga sinasadya e.

"Ginagawa ko dito?" tanong niya samin.

"Natamaan ka lang naman ng bola. Lamog na yang pagmumukha mo." sagot ni Clyde sabay tawa. Ayan, diyan sila magaling.

"Si Panget yan. Este si Darelle, yung Lady spiker daw nila."

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya habang kinakapa-kapa yung mukha niya. -___-

"Siya yung nakatira ng bola sa mukha mo. Masyado ka daw kasing nakakasilaw." sabi niya sabay tawa. Kahit kailan talaga, ang bully ni Clyde!

"Siya yun? Si Parker? Yung Vice President ng section II-B? Pinaglolo-loko mo ba ako, tol? Tignan mong ang ganda-ganda niyan. Ang layo-layo sa mukha ni Parker." Ah ganun? So bulag tong hampas lupang to?

"Ako nga si Parker, ano bang problema mo?!" sabi ko, naiirita na ako sakanya.

"Parker? Hindi kayo kamukha e. Mas maganda ka kaysa sa kanya." nakadrugs ba to? Talaga bang di niya ako marecognize?

"Ano ba. Ako nga si P---" hindi ko na  natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya.

"Naku Miss, Hayaan mo na yung Parker na yun. Okay lang sakin na natamaan ako ng bola. Kasalanan ko rin naman dahil nakatitig ako sa'yo. Kaya okay lang yun. Hindi naman masakit tsaka hindi nalamog yung ilong ko." sabi niya at ngumiti sakin. Anak ng tokwa naman o. Ako si Parker. Ako si Darelle Kaye Parker, pwede ba?! Kung sinong hampas lupang to, sana malamog ko ulit yung pagmumukha niya. Nakakairita.

"Ah, tol.. Sa totoo lang, may sugat ka sa ilong mo. May band-aid nga e." sabi ni Clyde. Oo nga, may sugat siya sa ilong niya pero maliit lang yun. Hindi ko naman kasi alam na ganun pala kataas at kalayo yung pagserve ko ng bola. Tsaka sila rin naman yung may kasalanan, hindi sila tumatabi.

Panget Ako! Palag Ka?Where stories live. Discover now