Chapter 39: Hungry For Love

16.4K 259 14
                                    

"Bato, bato, pick!" Sabay na sigaw ng dalawa habang naiwang nakanguso si Kathryn nang makita nakasara nyang palad at ang nakabukas na palad ni Daniel.

Kasalukuyang nakahiga ang dalawa sa kama, habang hinayaan naman nilang nakabukas ang sunroof ng yacht para masilayan nila ang mga bituin. Tanging isang kumot lamang ang nakatakip sa kanilang kahubdan. Ngunit matapos ang ilang oras ng lovemaking, ay nakaramdam na rin silang dalawa ng gutom. At matapos ang mahabang debate kung sino sa kanilang dalawa ang tatayo para pumunta sa kusina ng yate at kumuha ng makakakain, napagdesisyunan nilang maglaro ng bato bato pick.

Daniel smiled in triumph habang iniangat nya ang kanyang katawan at hinarap ang kanyang "kalaban".

"So..." Mayabang na tanong nya dito.

"Alright. Ikaw na panalo!" Naiinis na sagot ni Kathryn while she was pushing herself in a sitting position. Hawak nya ang dulo ng kumot para ibalot sa sarili. Parang batang tinitingnan ng masama ni Kathryn si Daniel na dahilan para matawa ang binata.

Nang tatayo na sana si Kathryn mula sa kama, Daniel grabbed her around the waist. Dahilan para mapatili sa pagkagulat si Kathryn habang hinila sya muli pahiga ng binata.

The next thing they knew, Kathryn was lying on her back with Daniel on top of her - a rather familiar position as far as the last couple of hours were concerned.

"Alam mo, hindi mo naman talaga kailangang kumuha ng pagkain." Sambit ni Daniel na may pilyong ngiti sa kanyang mga labi.

Ginantihan din sya ng isang pilyang ngiti ni Kathryn.

"Are you sure?"

At biglang may isang tunog silang narinig...mula sa tiyan ni Daniel. Biglang nawala ang ngiti ni binata.

"Okay! Umalis ka na dito bago pa magbago ang isip ko." Pagsuko ni Daniel dahil sa nabuking na gutom na talaga sya. Tinawanan lang sya ni Kathryn.

Tinititigan ni Daniel lahat ng kilos nito mula ng bumangon ito sa pagkakahiga, hanggang sa maupo ito sa kama ng nakatalikod sa kanya. Inabot nito ang polo ni Daniel mula sa sahig at saka isinuot.

Nang tumayo ito sa kanyang harapan, he couldn't help but marvel her beauty - crumpled oversize shirt, disheveled hair and all. Matinding pagtitimpi ang kinailangan para hindi nya ito muling hilahin pabalik sa kama, dahil wala na syang pakialam sa gutom nya kung tatagal pa ito sa harapan nya.

"You don't mind me stealing this for a while, do you?" Tanong ni Kathryn habang tinuturo ang kasuotan nya.

Umiling si Daniel.

"Not kung bibigyan mo ko ng kiss."

Umirap lamang si Kathryn pero agad din ngumiti at lumapit kay Daniel para pagbigyan ang gusto nito - at ang gusto din nya, sa totoo lang. Agad din syang lumabas sa kwarto ng cabin ng nakayapak bago pa man magbago ang kanilang isip at makalimutan na ang kumain.

Paglabas nya ay inilinga ni Kathryn ang paningin. Ngayon lang nya napansin kung gaano kagara ang loob ng yate na iyon.

Isang posh na suede sofa na kulay pula at isang wooden table na nakapatong sa isang Indian patterned carpet ang makikita sa maliit na living room sa labas. Sa kabilang side naman ay ang kitchen na may marble counter kung saan may mga easy to cook food na naka-stock.

Natawa muli si Kathryn nang mapagtanto na masyadong planado nina Jerome ang pagkaka-stranded nila dahil hanggang pagkain ay nakaready para sa kanila.

Tumungo sya sa kitchen para kumuha ng cup noodles - Chicken flavored para kay Daniel at beef naman ang sa kanya. Nakakita sya ng isang malaking thermos kaya't kinuha nya iyon at nilagyan ng mainit na tubig ang mga noodles. Iniwan nya muna ito sa counter at hinayaan ang 3 minute magic na mangyari.

Huminga sya ng malalim at nakangiting luminga uli sa paligid. Natutuwa sya kung paanong napaka-homey ng feeling nya sa lugar na iyon. Sa pagtitingin ay napadako ang kanyang mata sa kanyang mga kamay na nakapatong sa counter.

Nawala ang kanyang ngiti.

Suot pa rin nya ang singsing.

Diego's ring.

Bigla syang nawalan ng gana.

Naipamigay na ang mga invitations. Lahat ay nakahanda na para sa ceremony. Perfect ang kanyang gown. Maging ang kanyang singsing ay perpekto rin.

The groom is perfect.

Parang masusuka sya na di mawari dahil sa lahat ng tanong at scenarios na naglalaro sa utak nya.

Dapat ba nyang talikuran ang lahat ng iyon at sumama kay Daniel?

Kung gagawin nya iyon, anong sasabihin ng Papa nya? Anong sasabihin ng Uncle Cesar nya? Utang ng buong pamilya nila ang buhay nila sa mga ito. Kung hindi dahil sa tulong nito ay malamang sa kalsada na sila nakatira ngayon. Kung hindi ito nag-invest sa company nila para tulungan itong makabangon sa bingit ng pagkalugi, malamang ay wala sya ngayon sa kinakatayuan nya.

At naririyan pa sa Diego.

Sya ang biggest supporter at main confidence booster nya all these years. Sya ang tumayong bestfriend nya. Diego encouraged her para ipursue ang dream nya na maging designer. At sya rin ang nagbigay ng oportunidad para sa kanya nang buksan nito ang Glitz. He's a wonderful man. Walang babae sa tamang pag-iisip ang tatangging maging asawa ng isang kagaya nya.

Alam ni Kathryn na hindi sya karapat dapat para kay Diego. He deserves someone better.

Napalunok na lamang sya at pilit na pinigilan ang namumuong luha sa kanyang mga mata.

Anong gagawin nya ngayon?

The thought of leaving Diego broke her heart, and it just felt so wrong.

But the thought of leaving Daniel...

"Hey..." Isang mahinang boses ang tumawag sa kanya at kasunod nito ay naramdaman nyang may yumakap sa kanya mula sa likod.

Ngumiti sa kanya si Kathryn.

"Hindi mo kayang malayo sa kin ng matagal?" Pang-aasar nito sa nangyayakap sa kanya.

Tumawa lamang si Daniel. At hinalikan sya sa pisngi. It's the reassurance that she needed.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Daniel kahit alam nyang hindi naman talaga sasabihin sa kanya ni Kathryn. Nararamdaman pa rin ni Daniel ang protective barrier sa pagitan nila, kahit pa hinayaan na sya nitong makapasok kahit papaano.

"Wala naman."

Daniel's lips slightly curved into a half-knowing, half-disappointed-that-he-was-right smile. Sa mga oras na iyon napagdesisyunan nyang gusto nyang mawala na ang barrier sa pagitan nila. Of course, assuming and hoping na magkasama sila sa matagal na panahon - kung maaari ay habang buhay.

A lifetime? With one woman?

Walang makakapaniwala na he's capable of such a thought. Pero nariyan si Kathryn. She always defied every known assumption tungkol sa kanya.

Noong una ay napapailing na lang sya at naawa sa naïve na babaeng ito. Pero sa katagalan ay ginusto na nya na maging mabuting tao na kagaya ng iniisip ni Kathryn na tunay na sya.

He fell in love with her. Hard.

Hinihiling ni Kathryn n asana tumigil ang mundo para magkaroon sya ng oras para i-relish ang moment na ito with Daniel. Alam nyang this wouldn't last. Kailangan nyang sabihin dito ang katotohanan. At alam nyang once na mangyari yun ay hindi sya nito mapapatawad.

Kung ano man ang mangyari, kailangan pa rin nyang bumalik sa California.

But the thought of leaving Daniel...

Pinigilan nya muli ang luha nya at naramdaman nya na humigpit ang yakap ni Daniel.

Perhaps she would never get herself to finish that thought.

Hindi nya kaya. Lalo na sa ngayon.

Right now was perfect and she'll hold on to it as long as she could.

__________

Author's Note: This is the closes to an SPG moment that I can write. HAHAHAHAHA. Sorry poooooooooooo.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon