Chapter 27: Metamorphosis

20.3K 301 18
                                    

The models took a final walk on the runway na senyales na patapos na ang show. Maya maya, at the call of her name, lumabas si Chandria mula sa backstage. Winelcome sya ng mga tao with a resounding standing ovation.

Dahilan kung bakit napakasaya ni Kathryn. 

Tumingin sya sa audience at nakita si Julia M na nakatingin sa kanya, beaming with pride. Isang malaking ngiti din ang iginanti nya dito.

Tiningnan nya ang mga kasama ni Julia M. at nakita nga nya sina Quen, Khalil, Jerome, Julia B at Janella. At lahat din silang lima ay mukhang proud na proud sa kanya. 

Teka.

Tama ba ang bilang nya? 

Tiningnan nya uli ang mga ito. 

Quen…Khalil…Jerome…Julia B…Janella 

At isang bakanteng upuan sa tabi nito.

Napatitig sya sa bakanteng upuan. Nabawasan ang ngiti nya. 

Nasaan si Daniel? 

Nakita ng 6 na kaibigan nya ang pagiiba ng expression ni Kathryn. 

Nang muli syang mapatingin kay Julia M na tila nagtatanong, ay nagkibit balikat lang ito. 

Baka nag-cr? O di kaya lumabas para magpahangin? 

ASA. 

*Get real. Baka umalis nay un ng maaga. This isn’t his thing. Maswerte pa nga ako at dumating sya.* 

Nung nakita nyang dumating si Daniel kanina ay biglang nabawasan ang kaba nya. Funny dahil ang huling taong hindi nya inasahan na dadating ngayong gabi ay ang tao pa na magffuel sa confidence nya. 

Pero hindi nya maintindihan bakit nagulat sya na umalis na ito. Siguro kung lumabas sina Anne Curtis at Georgina Wilson sa gitna ng show nya ay wala lang naman yun sa kanya. And besides, hindi naman talaga nya inasahang dadating si Daniel. So ang dapat ikinagulat nya ay kung nagstay ito, hindi ang pag-alis nya. 

Being the professional one, nagpasalamat sya sa lahat at maya maya pa ay naglakad na sya pabalik sa dressing room nya.

 __________  

Nakayukong pumasok si Kathryn sa dressing room. Hindi nya alam bakit biglang nawalan sya ng gana. Baka  dulot lamang ng pagod at bumaba ang energy nya. 

Kukunin na sana nya ang bag nya sa ibabaw ng vanity table nang magulat sya sa nakita. 

Punong puno ang table ng dahil sa isang bonggang bouquet na nakapatong doon. 

Nilapitan nya ito para amuyin at hinila ang isang white lily.

Doon ay napansin nyang may card na kasama ang bouquet pero walang nakasulat kung kanino galing. Ang tanging nakalagay lamang sa loob ay…

'The caterpillar has finally broken out of her cocoon. Now she's the most beautiful butterfly there is...'

Napatigil sya sa nabasa.

---FLASHBACK---

Ikalawang gabi nila ni Daniel sa Bahamas at napagdesisyunan nila na tumambay sa isa sa mga clubs malapit sa hotel.

Umalis saglit si Daniel para kumuha ng drinks kaya naiwan sya sa table.

"Excuse me, miss. Do you have the time?" Tanong sa kanya ng isang lalaki.

"Oh... no, I don't. Sorry. I don't have a watch." Sagot ni Kathryn sabay angat ng wrist para ipakita as proof.

"That's alright." Sagot ng lalaki at saka nagsimula na itong magtanong ng kung ano ano pa gaya ng kung may kasama ba sya at saan sya nagsstay.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon