Chapter 8: Let the Games Begin

26.4K 320 13
                                    

-          Kathryn’s POV –

Andito ako ngayon sa hotel room ko at busy sa pagssketch. Mukhang productive naman ang araw ko ngayon. I checked my planner for my schedule at mukhang wala rin akong masyadong kailangang gawin ngayon dahil natapos ko na ang mga yun bago pa ko lumipad papuntang Manila.

Nagpunta ko sa CR para magshower at habang naliligo ay naalala ko ang  mga pinagusapan namin ni DJ. Hindi ko alam bakit ko ba pinasok ang agreement na yun. Pero parang wala naman na akong choice at hindi na rin ako pwedeng magback out. Besides pareho kami ng gusto ni DJ. Ang tigilan na kami ng mga tao at wag na nilang ipilit na para kami sa isa’t isa.

Hay. Sana lang po Lord tama ang desisyon ko.

Natapos na ko maligo at magbibihis na sana ng marinig kong tumunog ang cellphone ko.

__________

PHONE CONVERSATION

Kath: Hello?

Julia M.: Kath, busy ka ba today?

Kath: No hindi naman.

Julia M.: Great! Can I ask you a favor?

__________

-          Julia M.’s POV –

“All done!” Nakangiting sabi ko kay Quen pagkababa ng phone.

“Good. Our turn.” Sabi nya at kumindat pa!

__________

-          Daniel’s POV –

Nasa opisina ako ngayon at busy sa mga pagbabasa sa mga reports na kakasubmit lang sa kin kanina. Sobrang busy ng araw na to, like usual. Sanay naman na ko. Trabaho lang ng trabaho. Nothing came before my work, not even my health. Kaya naman lagi na lang ako nakakatanggap ng phone calls galing kay Mama na ngayon ay nasa Europe at nagbabakasyon kasama ni Papa para lang ipaalala na kailangan ko kumain at magpahinga ako. Minsan kahit si Papa ganun din.

Lagi ko namang sinasabi na gagawin ko un pero syempre di ko naman talaga ginagawa. Hindi ko lang talaga kaya na  may mga naiiwang trabaho.

Hay tuloy ang buhay. Trabaho na naman sana aatupagin ko ng biglang nagring ang phone ko.

__________

PHONE CONVERSATION

DJ: Hello?

Alexa: Ninong DJ!

DJ: Well, well, well. Ang paborito kong inaanak. (DJ’ thought: Si Alexa ang anak ng pinsan kong si Bella na napangasawa naman ng kuya ni Julia. Very close sya sa kin at sa mga barkada ko.)

Alexa: Pero ako lang naman ang inaanak mo, Ninong!

DJ: Right. Napatawag ka ata? (DJ’ thought: Napahiya ako dun ah!)

Alexa: Wala po akong pasok today!

DJ: Ah talaga? Eh di good.

Alexa: Opo. Mama and Papa will go sa doctor mamaya and Tito Que Que and Tita Juju will fix things for their engagement party, so kailangan ko ng baby sitter.

DJ: So?

Alexa: Tito Que Que asked me who I want to watch me today.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon