Chapter 25: While You Were Sleeping

22K 311 23
                                    

Unti unting nagising si Daniel nang makaramdam na tumutulo ang pawis nya. Naramdaman nyang magaan na ang pakiramdam nya at hindi na rin masakit ang ulo nya.

Sinubukan nyang alisin ang comforter na nakatakip sa katawan nya pero napansin nyang parang may nakapatong dito kaya nahihirapan syang alisin.

May isa pang braso sa ibabaw ng braso nya.

Napadilat ng mata ni Daniel at sinubukang iadjust ang mata nya sa medyo madilim na paligid. At nang medyo maliwanag na ang mga nakikita nya ay tumambad sa kanya si Kathryn na natutulog sa tabi nya.

Napatitig sya dito at ilang beses pang kumurap para siguraduhing hindi sya namamalikmata.

Anong ginagawa nito sa kwarto nya? At lalong anong ginagawa nito sa kama nya?

Sinubukang alalahanin ni Daniel ang mga nangyari kagabi. Bukod sa deal, na obviously ay hindi tinupad ni Kathryn, ay malabo na lahat sa memory nya. Pero nang makita nya ang basong kalahati na lang ang laman na tubig ay parang may naaalala syang paunti unti.

Hindi nya siguro nakilala kagabi, pero ang boses na tumatawag pala sa kanya ay kay Kathryn. Baka naisip nito na tabihan sya para hindi na sya masyadong lamigin dahil naaalala nyang nagchichills sya kagabi. Napalitan ng tenderness ang kaninang naguguluhang titig nya dito.

Siguro 6 years ago ay normal lang para kay Kathryn na gawin ito. Sya kasi ay talagang sweet and affectionate. Pero syempre ngayon ay nabigla ito na ganun pa rin pala talaga sya. Naalala nyang pinagbantaan nga pala sya nito kapag hindi nya ininom ang gamot nya.

Pero imbes na isipin na malamang ay mapapagalitan sya nito paggising ay mas lumambot ang puso nya dito. Lalo pa at pinagmamasdan nya ang angelic features nito.

NIlapit pa nya ang mukha nya dito at pinagmasdan ang malaporselana nitong kutis, matangos na ilong at sa pink na lips nito.

She was as beautiful as he remembered… mas gumanda pa nga.

--- FLASHBACK---

Naramdaman ni Daniel ang pagvibrate ng unan nya. Senyales iyon na nag-aalarm na ang cellphone nya.

Simula kasi ng lumipat si Kathryn sa bahay nya 2 araw na ang nakakaraan ay hindi nya na ginagamit ang alarm clock para hindi nya magising si Kathryn. Kaya cellphone na lang ang gamit nya para sya lang ang makakaramdam nito.

Inabot nya ang phone at pinatay ang alarm. Pagdilat nya ay mukha agad nang natutulog na si Kathryn ang nakita nya. That simple sight always had the power to form a smile on his lips. Inilapit nya ang mukha nya dito kaya ilang centimeters na lang ang pagitan nila. Nararamdaman nya ang paghinga ni Kathryn sa balat nya. Suddenly, he had this strong urge na halikan sya pero natatakot sya na baka magising ito.

Nanatiling nakahiga si Daniel sa kama at pinapanood na matulog si Kathryn. Napapansin na lang nya na pinipigilan pala nya ang paghinga tuwing gagalaw ito dahil baka magising nya.

*I could get used to this.*

Pero naaalala na naman nya ang 5-day policy nya. No more. No less.

Huminga sya ng malalim at inalis ang mga strands ng buhok ni Kathryn na tumatakip sa mukha nito.

Kailangan na ni Daniel na bumangon or else malalate sya sa trabaho. Pero bago pa man sya umalis sa kama, ay lumapit muli ito kay Kathryn.

Hindi lang talaga nya mapigilan.

Binigyan nya ito ng quick peck sa lips.

--- END OF FLASHBACK---

For 5 days, yun ang routine ni Daniel. Hindi na nya gustong balikan pa ang nakaraan.  Pero hindi nya ito mapigilan lalo na’t naroroon na naman si Kathryn na natutulog sa tabi nya.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon