Chapter 1: It Ended Before It Even Started

46.9K 562 29
                                    

"Tapusin na natin 'to."

Alam ni Daniel kung gaano kabigat ang linyang binitawan nya. Sanay na sanay na syang sabihin yun. At alam din nya ang epekto ng sinabi nya sa babaeng kaharap nya. 

Tiningnan nya sa mga mata ang babaeng iyon. Ang mga magagandang mata nya na ngayon ay nagbabadya ng tumulo ang mga luha.

"Bakit, DJ?" Tinangka ng babae na magtanong kahit pilit na pinipigilan ang mga luha.

"Dahil ito ako. Dito ako sanay! Simple lang naman yun diba. Nakalimutan mo na ba kung ano ako?"  Sabi ni Daniel na parang wala lang sa kanya ang makasakit ng damdamin ng mga babae. Parang normal lang kagaya ng pagtulog sa gabi at paggising sa umaga.

Gusto sana sumagot ng babae kaso parang walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. 

"Sabi mo ayos lang sayo yung gagawin natin? Na kaya mong sakyan ang trip ko. Eh di sana alam mo na ito ang ending nito!" Sigaw nya sa babae habang tahimik lamang itong lumuluha.

"Pero..."

"Pwede ba? Diba una pa lang sinabi ko na sayong mong paniwalain ang sarili mo na kaya mo akong baguhin. Dahil sa huli, ikaw lang ang masasaktan! Ayan iiyak iyak ka ngayon!" Pambabara nya sa sasabihin sana ng babae.

"Wag mo sabihin sa kin na kahit konti wala kang naramdaman para sa kin, kahit minsan?" Tanong nito sa kanya.

"Yun ba akala mo?" Tinitigan ng masama ni Daniel ang babae. "I'm programmed na paniwalain ka sa lahat ng gusto ko. Trick lang lahat yun!"

Napayuko na lamang ang babae habang patuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha. Ayaw sana nya na makita ni Daniel na umiiyak sya. Pinunasan nya ang mga iyon at tinitigan si Daniel.

"Hindi ako susuko!"

Umiling na lang si Daniel. Nakikita na naman nya ang katigasan ng ulo ng babae sa kanyang harapan. Pero hindi ba isa nga yun sa mga bagay na nagustuhan nya dito? Ngunit hindi nya pwedeng patagalin pa ang kung ano mang meron sila. 

"Alam mo, lalo mo lang sinasaktan sarili mo sa ginagawa mo." Sabi nya dito habang naglalakad sa may pintuan ng hotel room kung nasaan sila ngayon.

"DJ..."

Tinalikuran na ni Daniel ang babae at akmang lalabas na ng pintuan pero bago yun...

"Umalis ka na, Kath. You don't belong here. You don't belong with me."

__________

Note from the Author:

How's that for starters? Drama ba? Slight lang. Fun 'to promise. Haha. I hope you guys like it! Comments? Feedback? :)

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon