Chapter 44: After All

27.4K 666 179
                                    

Quiet drones. Steady beeps.

His fingers jerked.

His closed eyes twitched.

Pinilit ni Daniel na imulat ang kanyang mga mata nang bahagya. Agad syang nasilaw ng mga maliwanag na ilaw. Malabo pa ang nakikita nya sa paligid. Sinubukan nyang buksan muli ang mga mata hanggang luminaw ang lahat ng kanyang nakikita. Ngunit ang tanging nakikita nya lamang ay putting dingding at mga bakanteng upuan. Hindi nya alam kung nasaan sya. Ang sakit na nararamdaman sa kanyang ulo, kamay, katawan, at paa ang tanging nakapagpaalala sa kanya ng aksidenteng nangyari.

Bigla syang may narinig na boses sa di kalayuan.

"Hi, Kath!"

Nang marinig ang pangalang iyon ay pinilit nyang lumingon sa pinanggalingan ng boses. Doon ay nakita nya si Janella na nakatayo sa labas ng pintuan ng kwarto nya at nakatalikod sa kanya. Napansin nyang may hawak nito ang cellphone at tila may kausap. Marahil si Kathryn ang nasa kabilang linya.

All of a sudden, everything came back to him. Naalala nya ang paglipad nya papuntang California at sa apartment ni Kathryn para makausap ito. Naalala din nya ang palitan nila ng masasakit na salita at kung paano sya nito pinagsarhan ng pintuan. Naalala nya ang pagsakay nya sa kotse at ang buong aksidente.

Wala na syang naalala matapos noon.

Gaano na ba sya katagal sa lugar na iyon?

At nasaan si Kathryn?

"Nothing much has changed with DJ. He's been in a coma for a week pero sabi ng doctors he's stable na. Sana lang he wakes up soon." Narinig nyang sambit ni Janella sa kausap.

*A week? Ganun ako katagal na walang malay?* Tanong ni Daniel sa utak nya.

"So how's the honeymoon?" Bahagyang lumingon si Janella kaya't nakita nito na nakangiti ito habang sinasabi ang mga salitang iyon.

*HONEYMOON?*

Kinabahan si Daniel nang naalala nyang nangyari ang aksidente isang araw bago ang kasal ni Kathryn.

"And how's Diego?" Narinig nyang muli ni Janella.

*Diego.*

Napabuntong hininga na lang si Daniel at tumingala sa putting kisame ng kwarto nya.

*So I guess they got married.*

Ipinikit muli ni Daniel ang kanyang mga mata, wishing na hindi na lang sana sya nagising ng mga oras na iyon.

__________

"At saan ka pupunta?!"

Tumigil si Daniel sa paglalakad nang muntik nan yang mabangga si Enrique na biglang humarang sa dadaanan nya.

Matapos syang i-baby, bantayan at sundan na parang mga anino for two weeks, umalis na ang kanyang Mama papunta sa Europe at ang Papa naman nya ay lumipad na rin papunta sa New York. Pero bago pa man sila umalis ay sinigurado nilang nariyan ang mga kaibigan nya para ipagpatuloy ang ginawa nila.

"Out." Exasperated na sagot nya sa kaibigan.

"Hindi pwede!" Sigaw ni Julia M na biglang sumulpot sa tabi ng asawa.

"Meron akong paa para maglakad, I'm sure I can." Naka-smirk na sagot nya dito.

"Yeah. Mga paa na practically ay halfway in the grave 3 weeks ago!" Singit naman ni Khalil sa usapan na tumayo sa tabi ni Julia M.

At ngayon lahat na ng kaibigan nya ay nakatayo sa harapan nya at nakaharang sa pintuan.

"Alam mo dapat wag kang masyadong gumagalaw na para bang wala kang stitches na tinanggal kahapon!" Inis na sabi ni Jerome habang nandiri naman ang mga babae sa memory na iyon.

"You didn't have to be too descriptive, you know!" Sita ni Janella sa kanya.

Natawa si Daniel sa reaction ng mga kaibigan nya kaya't binigyan nya ang mga ito ng isang matamis na ngiti.

"Guys, I'm fine. Akala nyo ba ganun ako katanga para gawin ang isang bagay na alam kong ikakapahamak ko?"

"Yes." Walang kagatol-gatol na sagot ng kaibigan nya.

Natahimik si Daniel. They know him too well.

"Listen,lalabas lang ako to get some fresh air. Yun lang."

"But here's lots of fresh air in your garden!" Katwiran ni Julia B.

"She's right. Besides, saan ka naman hahanap ng fresh air in a widely populated and polluted city?" Gatong ni Enrique.

Napangiti si Daniel at the mental image of his sanctuary.

"Sabihin na lang nating, I know a place."

"Alam din ba naming yang place na yan?" Tanong ni Khalil.

"No." Simpleng tugon ni Daniel habang hinahawi ang mga kaibigang nakaharang sa daanan nya.

Sumusunod pa rin sa kanya ang mga ito habang naglalakad sya.

"So how are we supposed to find you if in case something happens?" Tanong ni Janella.

"I'll have my phone with me. At walang mangyayari sa kin so stop being paranoid. Besides, wala ba kayong ibang gagawin bukod sa ibabysit ako?"

"Nag-promise kami sa parents mo that we'll watch over you and make sure you don't strain yourself for at least another week. And we worry about you?" Sagot ni Julia B.

"DJ, is this about Kath? Hindi ka nagtanong about sa kanya eversince nagising ka sa coma..."

Nang marinig ang pangalang iyon ay agad na tumigil sa paglalakad si Daniel. Siniko ni Enrique si Julia M dahil sa sinabi nito pero tila walang pakialam si Julia M. Kinabahan ang lahat sa katahimikan. Humugot ng malalim na hininga si Daniel bago muling humarap sa mga kaibigan.

"And hindi pa rin ako magtatanong. This isn't about her. Kailangan ko tong gawin para sa sarili ko. I need a moment for myself, somewhere away from here." Ramdam nya ang sakit na habang sinasabi ang mga katagang iyon. Mas masakit pa iyon kesa sa pinagdaanan nya sa ospital nitong mga nakaraang linggo.

"Pero DJ..." Kokontra pa sana muli si Julia M pero nginitian lamang sya ni Daniel.

"Babalik ako bago mag-gabi. Pero dapat umuwi na rin kayo. Okay lang ako."

Walang nagawa ang mga kaibigan nya dahil alam nilang hindi na nila ito mapipigilan. At naiintindihan nyang kailangan nito ng time alone.

"Fine. Pero siguraduhin mong full battery yang phone mo at wag mong papatayin ha." Banta sa kanya ni Enrique bago pa sya nito tuluyang hayaan na makasakay sa kotse nya.

__________

Surprisingly, ang mga physical injuries na natamo nya ay hindi ganoon kagrabe. Kahit pa meron syang broken rib, ilang damaged bones at maraming sugat at pasa ang talagang nagpalala sa kondisyon nya ay ang gastric complication at excessive bleeding. Ilang araw din syang naka-crutches at cast pero parang himalang mabilis ang kanyang naging pag-galing.

Gayunpaman, medyo natagalan din sya na makarating sa patutunguhan than usual dahil kinakailangan nyang tumigil every now and then dahil medyo sumasakit ang sugat nya. Pero nang makarating sya sa favorite spot nya nakaramdam agad sya ng sense of tranquility.

Tumayo sya sa tuktok ng burol at tiningnan ang paligid.

Kathryn once stood in this very spot. She had looked at this horizon too, gaya ng ginagawa nya ngayon. Tandang tanda pa nya kung paanong ang liwanag ng moon at stars ay nagbigay ng ethereal glow sa dalaga. She had looked beautiful that night. She always did.

Pinikit nya ang kanyang mga mata at nilanghap ang sariwang hangin.

Ano bang ginagawa nya sa sarili nya? Nagtungo sya dito para i-hilom ang sugat ng nakaraan, hindi para lagyan ito ng asin at lalong masaktan. Pero ano ba ang magagawa nya? Nawala si Kathryn sa kanya at iyon ang masakit na katotohanan. Ilang beses nyang inisip kung ano kaya ang naramdaman ni Kathryn nang malamang naaksidente sya. Nag-alala kaya ito sa kanya? Alam nyang sadyang may mabuting puso ang dalaga kaya't normal lang dito na mag-alala.

He also wondered kung paanong naipagpatuloy ni Kathryn ang pagcecelebrate ng kasal kahit pa alam nitong he was practically in the deathbed. Pero she deserved to be happy. Hindi sya magsisinungaling na nasasaktan sya tuwing maiisip nya iyon.

While he was fighting to keep his heart beating, she was giving hers to someone else.

Nagagalit sya sa sarili nya dahil he lost the last chace for him to get her back. He was unconscious noong mga oras na dapat ay pinipigilan nya ang kasal. Pero alam naman nya sa sarili nyang hindi nya iyon kayang gawin kahit pa magkaroon sya ng pagkakataon. He cant be that selfish. Sapat na ang sakit na idinulot nya kay Kathryn.

At saka, ano bang ineexpect nya? Hindi na sa kanya umiikot ang mundo ni Kathryn. Hindi titigil ang mundo ng dalaga para lamang sa kanya. At bakit nya iyon gagawin? She made it clear na ayaw na nitong magkaroon pa ng kaugnayan sa kanya. May karapatan syang gawin ang kahit anong gusto nya.

Hindi nagtanong tungkol kay Kathryn si Daniel simula nang magkamalay ito. Sa katunayan, hanggang kanina ay wala naming nagbalak na ibring up ang topic na iyon. Ayaw nyang marginig kung gaano ito kaganda sa kanyang wedding gown at kung gaano ito kasaya sa piling ng iba. At sa tingin nya ay alam rin iyon ng mga kaibigan nya.

It was odd na kahit pa sobrang masasakit na nangyari these past few days ay gusto pa rin nyang makita ito. Alam nyang magkikita rin sila eventually, at pag nangyari iyon ay isang malaking torture sa parte nya. The mere thought of standing several feet from her yet having no right to hold her or to look at her lovingly in the eyes is killing him. Pero gusto pa rin nya itong makita.

His lips twitched bitterly. It was remarkable how the high-and-mighty-master playboy was reduced to this - a hopelessly love-struck fool.

At kahit pa magkita sila ni Kathryn ngayon, anong sasabihin nya dito? Congratulations on your wedding, I'm very happy for the two of you? Iniisip pa lang nya ay nasusuka na sya. Syempre hindi sya masaya. At mahihirapan syang sabihin iyon habang nagpapanggap na okay lang ang lahat.

At ano rin naman ang sasabihin sa kanya ni Kathryn?

"Gusto ko kitang patayin. Alam mo ba yun?"

Isang malakas na hangin ang dumampi sa mukha ni Daniel at tila ay tumigil ang pagpintig ng puso nya. Bigla syang namutla.

That voice. Kilala nya iyon.

Oh God. Kung ano ano na ang naririnig nya. Malamang iyon ay epekto ng pagkakabagok ng ulo nya.

"Daniel John Ford Padilla!"

Napatalon ang puso nya nang marinig ang pagtawag sa buong pangalan nya. Now that was unmistakably real.

Lumingon si Daniel.

And there she was, nakatayo ilang hakbang ang layo sa kanya.

Sa mga oras na iyon ay nablanko ang utak nya at nakatulala lang sya sa dalaga.

Nakakunot ang noo ni Kathryn at halata ang galit sa mga mata nito.

"Anong naisip mo at nagpunta ka dito mag-isa?!"

Ang galit na litanya ni Kathry ang nagpabalik kay Daniel sa katinuan.

"Hindi ba yan din dapat ang itanong ko sayo?" Tanong nito pabalik. "Hindi kita niloloko tungkol sa mga ahas dati."

Padabog na lumapit si Kathryn sa kanya.

"At least hindi ako yung mga mga tahi sa katawan!"

Nagtataka si Daniel kung bakit galit na galit ito sa kanya. Halos isang buwan silang hindi nagkita at ngayon ay tila sasabog ang dalaga sag alit.

"Wala na kong tahi. Tinanggal na ng doctors kahapon."

"And that's supposed to make you okay?!"

"Pero..." Natigilan si Daniel dahil sa sobrang weird ng situation. "Teka! Hindi ba dapat nasa honeymoon ka?"

Nagulat si Kathryn sa sinabi nito.

"At sino naman nagsabi sayo nyan?"

Dahil sa kanyang reaksyon ay napagtanto ni Daniel na marahil ay pinagusapan ni Kathryn ng mga kaibigan nya na wag sabihin sa kanya ang kahit ano. Siguro ay dahil naaawa na ang mga ito sa kanya at ayaw na syang masaktan pa. Kahit pa alam nyang pinoprotektahan lang sya ng mga kaibigan, a part of him felt betrayed.

"Importante pa ba na malaman mo kung sino?"

Hindi agad sumagot si Kathryn. Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa. Tiningnan nya ang likod ni Daniel at may kakaibang tension na bumalot sa kanyang katawan. Mga alaala ng smooth skin at ang pakiramdam ng mga muscles ng binata against the palms of her hand. Agad syang tumingin sa malayo at pilit na binubura ang malisyosong mga bagay sa utak nya.

"Kababalik ko lang ngayon." Casual na sagot ni Kathryn.

Tumango lamang si Daniel.

"Kamusta naman ang asawa mo?" Saying it aloud was just as hard as keeping himself from taking Kathryn into his arms.

Ilang sandal ang nakalipas habang lumapit si Kathryn at tumabi sa kanya. Pareho silang nakatingin sa magandang tanawin sa kanilang harapan.

"Dumiretso si Diego sa California pagkagaling namin sa France."

Lumingon agad si Daniel sa katabi nang marinig iyon.

"At pinabayaan ka nyang lumipad dito mag-isa? Anong klaseng asawa sya?"

Tinitigan sya pabalik ni Kathryn.

"Bakit? Kung ikaw yun? Anong gagawin mo?"

"Sasamahan kita kahit saan mo gustong magpunta. Hindi kita papabayaang magisa!" Hindi napigilan ni Daniel ang damdamin at nailabas nya ang kung ano ang sinasabi ng puso nya.

Gustong gusto ni Daniel na yakapin sya at halikan ng mga oras na iyon pero nang mapatingin sya sa kamay ni Kathryn ay nakita nya ang isang simple silver wedding band on her ring finger.

*She's married.* Paalala nya sa sarili nya.

Ibinalik nilang dalawa ang tingin sa tanawin.

"I like the sound of that. Pakasal na tayo?" Biglang sabi ni Kathryn matapos ang ilang sandaling katahimikan.

Napatingin muli sa kanya si Daniel.

"That's a cruel joke."

"You think I'm joking?"

Tumawa ng walang gana si Daniel.

"Ano makikipag-divorce ka?"

"Of course not. Hindi ko na kailangang gawin yun. Hindi naman ako nagpakasal."

Gustong matawa ni Kathryn sa itsura ni Daniel dahil nakatitig ito sa kanya na para bang tinubuan sya ng isa pang ulo.

"Anong sabi mo?!" Walang kurap na tanong ni Daniel.

"Hindi kami nagpakasal ni Diego."

Pakiramdam ni Daniel ay nagfreeze ang utak nya sa mga sa mga impormasyong naririnig.

"Pero meron kang wedding ring... and you were on your honeymoon..."

"Ahh yun? May conference kasi sa France na kailangan naming attendan ni Diego for Glitz. Dahil sa France din dapat kami pupunta for our supposed honeymoon, naisip namin na gamitin na lang yun kasi saying naman. Siguro pwede mong sabihing we went on a "honeymoon" pero magkahiwalay ng kwarto. Janella liked to joke about it for some reason."

Daniel was at a loss for words. Kung panaginip lang ito, ay papatayin nya ang sinumang gigising sa kanya.

"Bakit walang nagsabi sa kin tungkol dito?"

"Sinabi kong wag nilang sabihin. I wanted to do it myself. Hindi lang naman ikaw ang pwedeng magtago ng secret noh!" Nakataas kilay na sagot ni Kathryn.

Hindi pa rin makapaniwala si Daniel sa mga narinig. Tinititigan nya si Kathryn para malaman kung may bahid ba ng pagbibiro sa mukha nito na parang naghahanap ng fingerprints sa CD.

"Hindi ka talaga nagpakasal?"

Inirapan lamang sya ni Kathryn. Ilang beses nya ba iyon kailangang ulitin? Imbes na sagutin ang paulit ulit na tanong ni Daniel ay may kinuha sya sa bulsa at kinuha ang kaliwang kamay ng binata.

"Kapag binigyan kita ng gift, dapat gagamitin mo. Hindi mo itatago sa box." Sermon nya.

Tiningnan ni Daniel ang relo at muling tumingin kay Kathryn. The expression on her face reflected security. Na para bang malinaw na dito ang lahat. At dahil doon ay naalala nya...

"Yung black box..."

"Nasa kin. Tinago ko para sayo. Nakita ko na rin ang lahat nang laman."

"Oh."

Ngayong alam na ni Kathryn ang katotohanan ay hindi alam ni Daniel ang dapat maramdaman. He was relieved, nervous, slightly embarrassed and remorseful at the same time.

Alam nyang malamang ay na-upset ito nang malaman ang lahat. Every trace and evidence of his cowardice was there. Iyon ang mga proof nang pagpapanggap nya kay Kathryn noon.

Tiningnan nya muli si Kathryn at handa na syang tanggapin ang kahit ano pa mang masasakit na salitang sasabihin ng dalaga.

"Dapat sinabi mo sa kin ang tungkol sa contract." Kalmadong sabi ni Kathryn.

Tumango sya.

"Sasabihin ko dapat noong araw na naaksidente ako. Pero narealize ko na napakaselfish ko. Ayokong pakasalan mo si Diego out of gratitude pero ayokong piliin mo ako for the same reason."

Kathryn exhaled in impatience.

"Matagal ko nang gustong sabihin sayo to, DJ. Kaya makinig ka ng mabuti. Ang tanga tanga mo!"

Nagulat si Daniel sa sinabi nito pero hindi sya nagsalita.

"Hindi ko kinancel ang wedding dahil nalaman kong hindi si Diego ang pinagkakautangan namin. At hindi rin ako nandito dahil nalaman kong ikaw ang tumulong sa min. Hindi ko sya kayang pakasalan. Hindi ko kayang ibigay sa kanya ang puso ko dahil it was never mine to give. All these years, I never got my heart back. It has always been with you, pero hind ko alam kung anong nararamdaman mo para sa kin. Sinubukan kong paniwalain ang sarili ko na I'm over you when the truth is I will never be over you. Pero tama ka. You are a stubborn, infuriating idiot but I'm in love with you! Sinubukan kong kalimutan ang feelings ko sayo pero hindi ko magawa. Kung sinabi mo sa akin ang lahat imbes na itago iyon sa isang box - na sobrang bigat, by the way. Things wouldn't have been so complicated! Hindi na dapat ako na-engage kay Diego at hindi ka na sana na-aksidente..."

Bago pa man matapos ni Kathryn ang drama nya ay agad nang hinapit ni Daniel ang katawan nya at hinalikan ito. He had been smiling inwardly since about the fourth or fifth sentence at kanina pa nya itong gusting halikan.

Kathryn got over the initial shock and she gladly returned the kiss. Namiss nya talaga ito ng sobra.

"Okay, I get it. Ang daldal mo." Pang-aasar ni Daniel matapos syang halikan.

Sumimangot si Kathryn at tinulak sya palayo. Pero hindi sya pumayag at hinila uli ito para yakapin.

"But I love you, anyway." Bulong ni Daniel habang nakangiti.

"You love me?"

Hinalikan sya ni Daniel sa noo. "I do, I'm crazy about you." At hinalikan sya muli sa ilong. "I have always been." At saka sya muling hinalikan sa labi.

Everything about this felt so right.

"Will you marry me, Kathryn Chandria Bernardo?" Tanong ni Daniel.

Tumigil si Kathryn sandali at bahagyang dumistansya sa kanya. Itinaas nito ang kanyang kaliwang kamay para makita ni Daniel. Gamit ang kanyang hinlalaki ay inikot nya ang silver band na nasa ring finger nya, para ireveal ang diamond na naroroon.

Natulala si Daniel at ilang segundo bago nya nakilala ang singsing na iyon. It was the same ring na binili nya para magpropose sa dalaga.

"I already said yes, bago ka pa nagpropose." Naiiyak na sagot ni Kathryn. Naiiyak sya dahil they almost didn't have this moment. Muntik nang mawala si Daniel sa kanya. Pero ngayon, nasa harapan nya ito at buhay na buhay habang yakap sya at suot nya ang singsing nito.

Matapos ang aksidente ay naisip na ni Daniel kung saan napunta ang singsing at napakasaya nya nang malamang nasa tunay na mayari ito napunta.

"I missed you so much!" Bulong ni Daniel sa buhok nya.

Tumatawa si Kathryn habang patuloy ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Happy tears.

"Wag mo na ko tatakutin ng ganun uli." Hinampas nya ang binata sa balikat. "Ayokong palakihin ang baby natin magisa."

Muntik nang mabulunan si Daniel sa sariling laway nya. Lumayo sya nang bahagya at nanlaki ang mga mata.

"Baby natin?!"

Gustong pagalitan ni Kathryn ang sarili dahil sa pagkakadulas nyang iyon. Dapat ay maghihintay pa sya ng ilang araw bago nya sabihin iyon. Pero nang makita nya ang excited na mukha ni Daniel ay dahan dahan na lamang syang tumango.

"You're pregnant?!"

Tumango muli si Kathryn.

Daniel's bewildered expression turned into a very happy one - like a little kid getting his favorite toy.

Hinawakan nya ang mukha ni Kathryn.

"I love you so much." Malambing na sabi nya with all the tenderness and love.

Muling tumulo ang mga luha sa mata ni Kathryn.

"Alam mo bang yan ang first time na sinabi mo yan sa kin? I mean yung totoong sinabi. With so much conviction and without doubts and inhibitions on both our parts."

Inabot ni Daniel ang kamay ni Kathryn at hinawakan iyon.

"Sorry if it took me so long. Pero pinapangako ko na I will spend the rest of our lives making it up to you."

Nakangiting pinunasan ni Kathryn ang mga luha nya.

"Dapat lang."

Tumawa si Daniel at muling niyakap nang mahigpit ang babaeng pinakamamahal nya.

"I love you. I love you. I love you." Paulit ulit na bulong nya dito.

Dahil ngayon ay meron na syang lakas ng loob na sabihin ang mga katagang iyon.

And this time, he is never letting go.

---==THE END==--

__________

Author's Note: And yes, tapos na talaga. Wag na kayong humirit ng Book 2 because it's not going to happen. Hahaha. Thank you for all the comments and support sa mga nagbasa ng story ko kahit napilitan lang kayo or napadaan lang kayo at nagbasa ng ilang sentences, thank you pa rin! Sana you enjoyed reading this story as much as I enjoyed writing it. 'TIl the next story! J

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon