Chapter 37: Stranded

20.2K 307 54
                                    

Nagising si Kathryn sa patuloy na pagtunog ng kanyang cellphone. Kahit nakapikit pa ay pilit niya itong inabot sa side table.

“Istorbo ka.” She sleepily mumbled.

“I’m guessing that translates to ‘hello’?”

Bigla syang napadilat nang marinig ang boses na iyon.

“Diego!” Hindi nya napigil ang pagkabigla sa boses nya na dapat ay hindi nangyari dahil araw araw naman syang tinatawagan ni Diego kahit parang di na maubos ubos ang mga meetings nito at conferences nung mga nakaraang araw. Umupo sya sa kama para mas maging kumportable.

“May ineexpect ka bang ibang tao?” Nang-aasar na sagot ni Diego.

Napatigil si Kathryn dahil she was thrown off balance by that simple query. Dahil sa totoo lang, OO. May ibang tawag syang hinihintay. Or at least nageexpect sya na tatawagan sya ng taong iyon for 3 days now. Hindi pa nya nakakausap uli si Daniel simula nung gabing nagkiss sila sa garden. At kapag naiisip nya ang moment na iyon ay nakakaramdam pa rin sya electric current sa katawan nya.

Napagkasunduan nilang dalawa ni Daniel na kung ano man ang nangyari sa kanilang dalawa nung gabing iyon ay hindi nito mababago ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Pero simula noon ay hindi na nya nakakausap ang binata. Lumipad ito papuntang Australia kinaumagahan for business. Nagiwan lamang ito ng maiksing sulat sa post it sa bedside table nya na nagsasabing aalis sya at mawawala ng ilang araw at babalik na lamang sa araw ng kasal nila Julia M. at Enrique.

That was it. Hindi man lang ito tumawag ni minsan.

The familiar sense of disappointment – na ilang araw na nyang nararamdaman – ay muling bumalot kay Kathryn. Alam nyang nag-agree sila na manatiling platonic, pero kahit platonic friends may karapatan naming magworry sa isa’t isa diba? Kaya dapat ay tinatawagan pa rin sya ni Daniel para lamang ipaalam sa kanya kung buhay pa ba ito. And perhaps para din hindi nila mamiss ang isa’t isa ng sobra…

“Chandria?” Diego’s call of her name jolted Kathryn out of her trance.

“Huh? Oh sorry! No, wala naman akong ineexpect na iba.” Mabilis na sagot nya at medyo naguiguilty sa dami na ng kasinungalingan nya.

“Nagising ba kita?”

Tiningnan ni Kathryn ang orasan sa bedsite table nya.

6:05AM

“Stupid question.” Pabirong sabi ni Kathryn. At narinig nya ang tawa ng kausap.

“Well, forgive me for wanting to hear my lovely bride’s voice at 6AM, Philippine time.”

Si Kathryn naman ang tumawa. Sinet ba ni Diego ang orasan nya sa oras sa Pilipinas or what?

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon