Chapter 29: Redemption

20.6K 264 28
                                    

Pinark ni Daniel ang kotse nya sa tabi ng isang malaking puno. Tiningnan ni Kathryn ang paligid para malaman kung nasan sila pero puro puno ang nakita. 

“Nasan na tayo?” Nakasilip pa rin sya sa bintana ng kotse habang tinatanong si Daniel. 

“In the middle of nowhere.” Isang malokong tawa ang pinakawalan ni Daniel habang tinatanggal ang seatbelt nya. 

“Alam mo, DJ. Kung gusto mo talagang iredeem ang sarili mo sana man lang dinala mo ko sa lugar na walang lamok at may bubong.” Reklamo niya at tinanggal na rin ang seatbelt. 

“Kung yun ang gusto ko, eh di sana inuwi na lang kita.” Lumabas na si Daniel ng kotse. 

“Exactly! Pagod na ko.” Sumalampak muli sa upuan nya si Kathryn. 

“Alam ko. Nastress ka masyado sa preparations kaya nga kita dinala dito.” Hinubad ni Daniel ang suit jacket nya at isinabit iyon sa headrest ng driver’s seat. 

“Huh?” 

Pano naman marerelieve ang stress nya sa lugar na iyon? Ni wala ngang kama o kaya sementadong sahig. 

Naramdaman ni Daniel ang pagdududa ni Kathryn. 

“Hindi naman dito talaga ang pupuntahan natin. Kailangan natin maglakad ng konti para makarating doon. Kaya tumayo ka na dyan.” 

“Maglalakad tayo? Nakikita mo ba kung anong klaseng shoes ang suot ko?” Tinaas ni Kathryn ang paa nya at pinakita ang 4 inches na pumps na suot nya. 

“I noticed. Hindi rin appropriate ang suot mo para sa strolling.” Sagot ni Daniel. 

Tiningnan ni Kathryn ang sarili nya. Suot nya kasi ang isang delicate power blue, strapless, lace dress with ruched bust that ends about 4 inches above the knee. Sobrang hindi bagay para sa paglalakad sa gubat. 

“Kaya nga nagdala ko ng something para makapagpalit ka. Nasa backseat.” Sabi ni Daniel at lumayo ng kaunti sa kotse. 

Nagulat si Kathryn nang marealize na pinaghandaan talaga ito ni Daniel. Buong akala nya kasi ay spur of the moment lang ang lakad nilang ito. 

Pero ang totoo nyan nung nakita ni Daniel na nagpapaalam si Kathryn kay Diego ay tinawagan nya agad si Manang Fe para maghanda ng mga gagamitin nila para sa trip na ito. He suddenly felt the need for it, hindi rin nya maintindihan kung bakit. 

Naalala ni Daniel na may nakita syang magandang dress sa isang boutique at inutusan nya si Manang Fe na bilhin iyon sa size ni Kathryn pati na rin ang sapatos. 

Naintriga si Kathryn at bumaba ito ng sasakyan para makalipat sa passenger seat. Nakita nya sa loob ang isang white paper bag. Nang buksan iyon ay may lamang isang pink halter sundress with an embroidered print and scalloped helm. Meron ding isang pair ng Chanel water proof flats sa loob nito. 

*In fairness, may taste sya. At tama ang size kahit nagbago na ang katawan ko from 6 years ago. He hasn’t lost his touch.* 

“What’s the verdict? Pasado ba Ms. Designer?” Narinig nyang tanong ni Daniel na nakasilip pala sa nakabukas na pintuan. 

“Hmm… pwede na!” 

“Pwede na? Pero ang smile mo sobrang lapad?” 

Inirapan lang nya si Daniel dahil ayaw nyang lalong lumaki ang ulo nito pag sinabi nyang natuwa sya. Pero what the heck! Siguro naman pwedeng yun na lang din ang thank you nya para sa damit. 

“Alright. Nagustuhan ko. Okay na?”

Malakas na tawa lamang ang isinukli ni Daniel sa kanya. 

“Saan ako magbibihis?” Tanong ni Kathryn. 

“Eh di dyan.” 

Lumaki ang mata ni Kathryn sa narinig. 

“Ano?!” 

Tiningnan nya si Daniel at nakangiti ito ng nakakaloko. 

“Wag kang mag-alala, Kath. Promise hindi ako titingin. And busy din naman ako magbihis dito.” 

“Dyan ka magbibihis? Sa labas?” 

Tumawa ng nakakaloko si Daniel. 

“Bakit? Mas gusto mo ba na sabay tayo magbihis dyan sa loob?” 

“Of course not!”

Namula bigla ang pisngi ni Kathryn. 

Was it just her o medyo umiinit ang paligid?

“Naisip ko rin yan. Kaya magbihis ka na dyan at ako magbibihis dito. At madilim ang tint ng kotse ko kaya kahit tumingin ako ay wala akong makikita. So relax.” 

*Relax?! Madaling sabihin pero mahirap gawin* Reklamo ni Kathryn sa isip nya. 

Sinilip ni Kathryn si Daniel mula sa bintana.

Hindi nga makikita ng binata ang pagbibihis na gagawin nya sa loob ng kotse, pero hindi ito nag-aaply kay Daniel. Kitang kita nya ang ginagawa nito sa labas. Pero he didn’t feel uncomfortable sa situation na iyon. We’ll he’s a man. A physically endowed man.

*Gifted child pa naman si DJ*

Inisip nya kung pano sya magpapalit ng dress nang hindi nagsstrip down to her underwear habang nasa labas lamang si Daniel. 

*It doesn’t matter. Hindi ba wala namang epekto si Daniel sayo?* Sabi ng tinig sa utak nya. 

“Tama. Tama. Wala syang epekto sa kin.” Bulong ni Kathryn ng paulit ulit para paniwalain ang sarili nya. 

Huminga sya ng malalim at muling lumingon sa bintana. Tumigil ang puso nya sa nakita. 

Si Daniel ina-unzip ang pants nya at ang suot nitong white longsleeves ay completely unbuttoned na. 

Kathryn’s eyes widened in alarm.

Tumalikod muli sya sa bintana at pinapakalma ang sarili. 

So much for being ‘immune to his charms’. 

Syempre nakita na nyang walang damit si Daniel before, pero wala sa planong makita nya uli ito. Well, at least not on purpose.

Pinapakalma nya ang sarili bago sya magpalit ng damit. 

“Okay. Hindi ko na lang iisipin.” Sabi nya sa sarili. 

Nang medyo kalmado na sya ay nanatili syang nakatalikod para hindi nya ito makita. 

*Kaya ko naman pala* 

Magbibihis na sana sya nang… 

Nakita nyang lumipad ang white longsleeves na suot ni Daniel papunta sa driver’s seat. 

…kasunod ang pantalon nito. 

Kathryn gulped. 

*Oh Lord!* 

__________

Author’s Note: Short update! Not feeling well kaya ito na lang muna. Haha. Comments!      

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon