Chapter 18: Powerful or Powerpuff?

22.4K 237 5
                                    

Hindi na kumain si Kathryn ng breakfast at nagpagawa na lamang ito ng sandwich at aalis na sana ng bahay. Habang papalabas sya ay nagring ang telepono.

"I'll get it." Sabi nya kay Manang Fe na nakita nyang magmamadali sanang tumakbo mula sa kusina. Obviously ay busy ito at naawa na sya dito.

Dali dali nyang sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Hello? Andyan ba si DJ?" Isang pamilyar na boses ng lalaki ang sumagot sa kabilang linya.

"Pwede ko ba malaman kung sino to?" Magalang na tanong nya dito.

"Si Khalil."

"Oy Khalil! Hindi kita agad nakilala." Masayang bati nya.

Sa kabilang linya ay biglang napapreno si Khalil sa gitna ng EDSA nang makilala nito ang boses ng kausap sa telepono.

"Kath?"

"Oo ako nga."

"Anong ginagawa mo sa bahay ni DJ?" Hindi maitago ni Khalil ang pagkagulat.

Sa sobrang shock nya ay di nya napansin ang galit na tingin na ibinabato sa kanya ng ibang drivers na dumadaan sa tabi ng sasakyan nya.

"You mean, di nya sinabi sayo?" Nalilitong tanong ni Kathryn.

Bakit hindi sinabi ni DJ sa kanya? Anong point ng lahat ng ginagawa nila kung hindi naman pala malalaman ng mga kaibigan nila?

*Imprudent jerk!* Inis na inis si Kathryn at the thought na ang daming hassle ang nangyari sa kanya pero wala naman palang silbi.

Napansin ni Khalil na may MMDA na naglalakad papunta sa sasakyan nya. At narealize nya na nakaharang ang kotse nya sa gitna ng kalsada.

"Teka lang, Kath." At ibinaba nya ang salamin ng kotse.

"Mr. R- Ramos." Nauutal na sabi ng MMDA officer matapos makilala kung sino ang driver ng kotse.

"Aandar na ko. Wag kang mag-alala." Sabi nya dito saka itinaas na uli ang salamin.

"Hindi sinabi ang alin?" Nagsalita uli si Khalil at ibinalik ang attention nya kay Kathryn habang pinaandar na ang kotse.

"Well, dito na ko nakatira ngayon. Nagdecide akong tanggapin na ang offer nya. Nung isang gabi pa ko lumipat." Pag-eexplain ni Kathryn na pinilit nyang maging natural lamang ang pagkakasabi.

"Really?"

"Yeah. Ay oo nga pala. Hindi ngayon good time para kausapin si DJ. He's having a rough morning." Warning ni Kathryn.

"Bakit?" Tanong ni Khalil na natutuwa dahil mukhang comfortable si Kathryn na nakatira sa iisang bahay kasama si Daniel.

"Tanungin mo na lang sya pag nakausap mo na. Sige, Khal. Kailangan ko na kasing umalis." Paalam ni Kathryn pagkakitang late na sya sa appointment nya.

"Okay. Sure. No problem."

"Bye."

__________

Natutuwa si Khalil na nagiging maayos na ang lahat sa pagitan ni Kathryn at Daniel gaya ng gusto nilang mangyari. Pero hindi nya ineexpect na mangyayari ito agad. Kahit na alam nyang mabilis talaga sa babae si Daniel, remarkable ang kabilisan nya para makuha muli si Kathryn - considering kung pano nya ito iniwasan na ma-attach sa kanya.

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon