Chapter 40: Piecing the Puzzle Together

16.2K 283 32
                                    

*How's my baby this morning? I hope you slept well, because I sure didn't. I miss you, Chandria. In four days you will be my wife and I shall be the happiest, luckiest man alive. Baby, come home already! I love you.*

Bawat salita sa text message ni Diego ay parang bala na tumagos sa puso ni Kathryn. Napako ang kanyang pangin sa "four days".

Four days.

Ganoon ba kabilis ang oras?

Dalawang lingo lang ang nakalipas mula ng magcreate silang dalawa ni Daniel ng havoc sa mga buhay ng isa't isa.

6 days ago, he kissed her.

3 days ago, she kissed him.

At 2 days mula ngayon, aalis na sya at iiwan ang lahat ng ito. For good.

Iniisip pa lamang nya iyon ay parang nasusuffocate na sya.

Two days.

Sa loob ng 48 hours na iyon ay kailangan nyang makahanap ng lakas ng loob para masabi kay Daniel at sa mga kaibigan niya na ikakasal na sya sa ibang lalaki.

Sa totoo lang, maraming beses na rin na nakakalimutan nya ang tungkol sa lahat ng ito. Ito ay ang mga panahong yayakapin, hahalikan, o sasabihan sya ni Daniel ng mga sweet nothings. Alam nyang mali ito.

Isang katok sa pinto ang nagpabalik sa kanya sa realidad at agad nyang inilapag ang cellphone nya.

"Hi!" Bati ng nakangiting si Daniel.

Nakabihis na ito para sa trabaho at gayon din si Kathryn. Napilit nya kasi na sumama kay Daniel tuwing umaga at inihahatid sya nito sa Glitz. Kumakain muna sila ng breakfast dahil hindi nya kayang hayaan na magskip na naman ito ng meals.

"Hello." Bahagyang ngumiti si Kathryn habang inilagay ang cellphone nya sa ilalim ng mga papeles sa table.

Lumapit si Daniel sa kinaroroonan nya, oblivious sa uneasiness na nararamdaman nya. Hindi rin nito napansin na nanigas sya habang papalapit ito.

Niyakap sya ni Daniel at akmang hahalikan sya ngumit nilagay nya ang mga palad nya sa dibdib nito para pigilan ang binata. Isang gesture na kahit sya ay ikinagulat nya.

"DJ, may kailangan akong sabihin sayo..." Pakiramdam ni Kathryn ay hindi sya ang nagsasalita. Hindi na nga nya alam ang ginagawa nya. Pero wala na syang magagawa lalo na ng makita nya ang puzzled look ni Daniel na naghihintay na ituloy nya ang sasabihin.

"I..." Pagpapatuloy nya habang napatitig sya sa mga mata ni Daniel.

Her breath hitched.

Nakatitig sa kanya si Daniel with eyes so innocent and pure, like a child's. The aloofness and chilly calmness na madalas na pinapakita ni Daniel ay wala na. Noon akala nya ay laging may protective barrier sa pagitan nila para ipakita sa lahat na tough sya. Para magdemand ng respeto, incite fear and to show the world na sya si Daniel John Padilla - heir to the biggest conglomerates in the Philippines.

Pero wala na ang lahat ng iyon.

Ngayon, sya lamang si DJ. First time mula noong magkakilala sila, he put his guard down entirely.

And all it did was to make her fall in love with him more.

*I can't do this.*

"Well?" Tanong ni Daniel para ituloy nya ang sasabihin.

Humugot ng isang malalim na hininga si Kathryn at umiling.

"Wala. Kalimutan mo na. It's not important."

Medyo skeptic si Daniel sa sinabi ng dalaga pero hindi nagtagal at bumalik ang pilyong ngiti nito sa labi.

"Kung ganon, pwede na ba kitang i-kiss?"

Kathryn grinned at him at inilapit ang mukhya nya dito para bigyan ito ng isang matamis na halik.

Siguro ay kailangan pa nyang magipon ng dagdag na lakas ng loob.
__________

Who in the world is she kidding? Malamang ay never syang makakahanap ng lakas ng loob para sabihin kay Daniel na she's engaged to someone else all this time.

Hindi lang ang confession ang kinakatakutan nya, kundi kung ano ang mangyayari pagkatapos nya magtapat. Dahil alam ni Kathryn na sa oras na sabihin nya ang katotohanan, iyon na ang magiging katapusan ng lahat. Honestly, hindi nya alam kung kakayanin nya iyon.

Kathryn found herself drowning in thoughts of her quandary habang nakaupo sa isang coffeshop kasama si Julia M. Hindi nga nya malasahan ng ayos ang kinakaing pastry. Kahit ang pait ng brewed coffee na kanyang iniinom ay di nya rin napapansin. At kahit anong daldal ang gawin ng kasama nya ay di nya ito maintindihan.

"Kath!" Sigaw ni Julia M sa kanya. "Are you still with me?"

"Huh?" Litong sagot nya dito. Ang huling naalala nya ay ang pagrarant nito tungkol sa maduduming medyas ni Enrique at gusto nyang pagbuhulin ang asawa at ang mga medyas. Di na nga nya naintindihan kung anong sinabi ni Julia M na dahilan.

"Lutang ka na naman today. Anong meron? Tungkol ba to sa pagbalik mo sa California?" Naiinis na tanong ni Julia M.

Tumango na lamang si Kathryn.

"Hindi mo pa ba nakakausap si DJ tungkol dito?"

"No. Hindi naming nabbring up ang topic na ito the last few days na magkasama kami. I guess wala sa amin ang gusting pagusapan ang bagay na yan."

"Weird." Nagtatakang sambit ni Julia M. "Normally, DJ would be the first one to point out na ang lahat ng relationships nya ay may expiration date. Hmm... You know what, never kong inakala na papasok si DJ sa isang seryosong relasyon pero mukhang he's really into you."

Umayos si Kathryn ng upo at napatingin sa kanyang mga kamay habang pinipilit nyang pigilan ang nararamdamang saya at lungkot. Ang opinion na iyon ay nanggaling kay Julia M, ang unang taong ayaw na makasama nya si Daniel noon, kaya big deal ito para sa kanya.

"Pero hindi na kayo nagpapanggap sa harap naming ngayon diba?" Patuloy na pagusisa ni Julia M.

Umiling si Kathryn.

"Hindi na sya nagpapanggap. Pero ako oo."

"Anong ibig mong sabihin?"

This is it. Kapag pinigilan pa nya ang sariling aminin ang totoo ay parang sasabog na sya.

"I'm getting married, Julia."

__________

"Bakit ganyan itsura mo, lover boy?" Pangaasar ni Khalil kay Daniel na kasalukuyang pinaglalaruan ang pagkain.

Tinapunan ito ng inis na tingin ni Daniel.

Lover boy???

What the hell? His IQ just dropped 50 points.

"Ano? You are one of us for real now, diba?" Patuloy na panunukso ni Khalil.

Muling binalingan ni Daniel ang pagkain nya.

"If being 'one of you' means feeling sick to my stomach at the mere thought of her leaving in two days, then yes I am." Seryosong sagot ni Daniel.

"Sinabi mo na ba sa kanya?" Tanong ni Jerome.

"Ang alin?" Clueless na tanong pabalik ni Daniel.

Napailing na lang si Jerome sa reaction ng kaibigan. Kahit pa expert ito sa pakikipagrelasyon sa dose-dosenang babae, he needs a crash course in real relationships.

"Hindi mo ba man lang naisip na kailangan mong aminin sa kanya ang nararamdaman mo?" Sabi ni Jerome.

"O di kaya, natanong mo na ba sya kung gusto nyang magstay dito?" Singit naman ni Khalil.

"Better yet, ask her to marry you!" Sigaw ni Enrique.

Natigilan si Daniel sa sinabi ng mga kaibigan.

Iyon ay ang mga advise na hindi nya akalaing ibibigay sa kanya o kakailanganin nya at some point in his life.

It took him a while para magregister ang lahat ng iyon.

Ang sinabi ni Enrique ang pinakamalakas ang impact sa kanya.

Marry her?

Marry Kathryn?

"So?" Pangungulit ni Khalil.

Tiningnan sila isa isa ni Daniel.

And he smiled.

__________

"Mahal mo ba sya? Mahal mo ba talaga si Diego?" Tanong ni Julia M nang makarecover ito sa pagkagulat sa pagamin ni Kathryn.

Matagal bago nakasagot si Kathryn.

"Diego has always been there for me. Nung nasa brink ng bankruptcy ang company ni Papa and I was so worried na titira kami sa kalsada, andun sya para icomfort ako at iassure ako na magiging okay ang lahat. Yung daddy nya ang tumulong sa company naming para magsurvive. He was there when nobody else was." Naiiyak nya dito.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko. Mahal mo ba talaga si Diego? Dahil what I'm getting from what you're saying is kaya mo sya papakasalan ay dahil mahal ka nya at may utang na loob ka sa kanya." Diretsong sabi ni Julia M.

Hindi naisip ni Kathryn ang anggulong iyon pero parang tama ang sinabi ni Julia M.

"Hindi ko alam." Naguguluhang sagot nya dito.

"Paano naman si DJ? Mahal mo ba sya?"

"Kung hindi ko sya mahal, we wouldn't be having this conversation at all. At hindi ako iiyak in a public place, in broad daylight, no less." Sagot nya dito habang pinupunasan ang mga luha nya.

"Eh di by now alam mo nang marrying Diego is a huge mistake."

"Pero anong gagawin ko ngayon?"

"Sabihin mo kay DJ ang totoo. Say sorry and tell him that you love him." Payo ni Julia M.

"Mas madaling sabihin kesa gawin yan, Bes."

"Alam ko yun. And I hate to say this pero you let everything come to this kaya kailangan mong harapin ang consequences. It took DJ for you to realize na mali ang desisyon mong pakasalan si Diego out of gratitude. Kung mahal mo sya, sasabihin mo sa kanya ang lahat. Besides, you have to be fair to yourself. May karapatan ka ring sumaya."

"Pano kung di nya ko patawarin? Anong mangyayari?"

"At least that's better kesa you spend the rest of your life wondering kung anong mangyayari kung hindi mo hinayaan na hadlangan ka ng mga takot mo."

Kathryn hated it, but Julia M was right.

__________

"Come on, Kath. Sagutin mo naman yung tawag ko." Inis na sambit ni Daniel sa hawak na cellphone.

Nagpunta sya sa Glitz para hanapin si Kathryn pero sinabi ng staff nya na umalis ito an hour ago pero hindi alam kung saan pumunta at sinong kasama. Kanina nya pa ito tinatawagan pero hindi rin ito sumasagot.

Tiningnan nya ang small box na nasa passenger seat ng kotse nya habang nagddrive pabalik sa mansion nya and he couldn't help but be giddy and nervous at the same time.

Hindi pa sya nakakapagpropose sa kahit na kanino before. In fact, hindi nya naman naiimagine na gagawin nya iyon sa buong buhay nya.

Siguro ay nababaliw na nga sya.

Sure, but he didn't mind at all.

10 minutes later ay nakarating din sya sa mansion at agad na pumasok.

Pilit pa rin nyang tinatawagan si Kathryn pero patuloy lamang ang ring ng cellphone nito at hindi pa rin sinasagot ang tawag nya.

Nang makarating sya sa silid ng dalaga ay narinig nyang nagriring ang cellphone nito mula sa loob. Agad syang pumasok at hinalughog ang lugar.

Natagpuan nya ang cellphone sa worktable ni Kathryn sa ilalim ng mga papeles at libro.

"Kaya pala di nya sinasagot, hindi nya dala yung phone nya." Bulong ni Daniel sa sarili.

Accidentally ay napindot ang screen ng phone, dahilan para umilaw ito at mabuksan sa huling screen kung saan ito naiwanan ni Kathryn.

Nang tingnan ni Daniel ang nakalagay roon ay nakita nya ang isang text message mula kay Diego na ipinadala noong araw na iyon din.

Nanlaki ang mata ni Daniel sa mga nabasa nya. He could swear na tumigil ang puso nya sa pagpintig at tila nahihilo sya nang magsink in sa kanya ang mga nakalagay roon.

*...my baby...*

*...I miss you...*

*...I love you...*

*...four days...*

*...my wife...*

Humigpit ang kapit nya sa phone.

Kasabay noon ay narinig nya ang pagbukas ng pintuan pero tila ay nawalan sya ng lakas para tingnan kung sino iyon.

"D...DJ?"

__________

Author's Note: Ayun lang, bakit kasi walang password ang phone mo, Kath? Charot. Comments!

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon