Chapter 38: Suddenly You're Mine

16.5K 305 37
                                    

"Unbelievable!" Umiiling na sambit ni Kathryn habang tinatanaw ang papaalis na yacht nina Jerome.

Mag-gagabi na at nagpapakita na ang maliwanag na buwan at mga bituin habang sila ay stuck pa din sa lugar na iyon.

Pagkatapos silang mabuking ng mga kaibigan kanina ay napilitan silang aminin ang lahat lahat. Pati na rin ang plano ni Kathryn na pag-alis ay lumabas sa usapan. Ngunit ang planong yun ay mananatiling plano sa ngayon.

"Aalis ka ba talaga dapat?" Diretsong tanong ni Daniel sa kanya.

Tinitigan nya lamang ito. Under other circumstances mapagiisipan pa sana nya kung paano ipapaliwanag dito ang lahat ngunit sa ngayon ay wala naman syang choice.

"We are stuck in the middle of nowhere pero yan pa rin ang iniisip mo? Kailangan nating makaalis dito, DJ!" Masungit na sagot ng dalaga.

"Look, unless you are willing to swim all the way back to the shore, we're clearly out of options. So deal with it!" Naiinis na sagot pabalik ni Daniel.

Nanahimik si Kathryn dahil nararamdaman nya na hindi nya talaga kayang iwasan ang mga tanong ng binata tungkol sa plano nyang pag-alis. Naguguilty syang tingnan ito. Napayuko sya at narinig nya ang mga yabag ng binata na papalapit sa kanya.

"Sabihin mo sa akin. How can you decide on leaving ng hindi mo man lang sinasabi sa akin?"

Napatingala si Kathryn at tinitigan ang binata. Kung gaano kakalmado ang boses nito ay kabaligtaran naman ang nakikita nya sa mga mata nito. Puno ng galit at tampo. Ngunit wala syang magagawa kailangan nyang harapin ito at malusutan ang sitwasyon.

"Ano bang ineexpect mo? Ireport ko sayo lahat ng plano ko sa buhay? Sino ka ba sa buhay ko para magdemand ng ganyan sa kin?"

Napakunot ng noo si Daniel at bakas sa mukha nya na nasaktan sya sa mga sinambit ng dalaga.

Nararamdaman na ni Kathryn na tila may bumabara sa kanyang lalamunan at ang mga luha ay tutulo na anumang oras. Nasaktan na naman nya si Daniel.

Tumingin papalayo si Daniel at pinipigilan ang galit na nararamdaman. Kinuyom na lamang nito ang kanyang mga palad. Sa tuwing nararamdaman nya na kahit papaano ay nagiging close na uli sila ni Kathryn ay pinaparamdaman naman sa kanya ng dalaga na hindi na sya parte ng buhay nito. Alam naman nyang iyon ang totoo at tanggap nya iyon. Pero hindi pa rin nya natutunan kung paano hindi masaktan sa katotohanang iyon.

"Fine." Pilit na kinakalma ni Daniel ang sarili. "But in case nakakalimutan mo, magkasama nating sinimulan ang act na ito kaya tatapusin natin itong magkasama. Think of me as an accomplice, nothing more. Kaya next time na maisip mong tumakas hindi naman siguro mahirap kung hihilingin kong iconsider mo naman ako."

Tila nawawasak ang puso ni Kathryn habang pinagmamasdan nyang tumalikod sa kanya si Daniel.

And now they're back to square one. Back to being strangers. Wala ng higit pa sa mga magka-kuntsaba sa isang kalokohan. At least iyon ang pilit nyang ipaniwala kay Daniel.

Alam nyang it was a wise decision na pabayaan ang binatang isipin iyon at dumistansya sya dito hanggang makabalik na sya sa States, but it is killing her inside. Kahit anong pigil nya ay kusang namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata.

Pero anong dapat nyang gawin?

Logic told her that things are better off this way. Maaaring meron syang nararamdaman para dito pero iniisip nyang katangahan ang ienterntain ang nararamdaman nyang iyon.

Logic just told her to just silently watch as Daniel walks away.

Kathryn told logic to shut up.

"I'm sorry."

Nang marinig ang boses nya ay napahinto si Daniel.

"Hindi na ko pwedeng mag-stay dito. Kailangan ko nang lumayo."

Lumingon si Daniel at nakita nya ang pag-iyak ni Kathryn. Kailangan nyang pigilan ang sarili nya na lumapit dito at yakapin ang dalaga.

"Habang tumatagal ako dito ay mas lalong nagiging torture sa akin. Pretending to be your girlfriend, staying with you, having to act na sweet tayo sa harap ng ibang tao. It's killing me. Ang pagsisinungaling ko sa mga tao at sa sarili ko..."

Patuloy lamang ang pagluha ni Kathryn habang nakatitig sa kanya si Daniel at hindi pa rin umiimik. Hindi mawari ng dalaga kung ano ang tumatakbo sa isipan nito.

"Tama ka. I wanted to run away. Gusto kong umalis ng walang nakakaalam dahil ayokong magpaliwanag pa sa kahit kanino. Tawagin mo na akong duwag pero wala akong pakialam. I just needed to get away from you."

Ang huling mga salitang binitawan ni Kathryn ay tila isang malakas na suntok na tumama kay Daniel.

Ganoon ba talaga kalaki ang galit nito sa kanya? Nagiging miserable ba talaga ito pag kasama sya?

Buong akala ni Daniel ay kahit papaano ay naging masaya naman sila. Pero mukhang hindi nga iyon ang nararamdaman ni Kathryn.

Pinipilit ni Daniel na huwag umiyak sa mga narinig.

"Why?" Yun na lamang ang nasabi nya na para bang nanghihina sya at takot sa isasagot ng dalaga.

Yumuko si Kathryn.

Why?

That was a good question.

"Because every day I spend here makes me want to stay." Sagot ni Kathryn habang patuloy ang pagluha. "Every second I spend with you makes me find reasons to stay."

Natigilan si Daniel sa sagot nya. Nakatitig lamang sya sa dalaga at pilit na iniintindi ang sinabi nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Siguro ay ang roller coaster of emotions ang dahilan kung bakit parang nagiging slow na rin ang pagiisip ng binata at di nya alam kung paano magrereact sa narinig.

Napabuntong hininga si Kathryn at muntik ng matawa.

*Kahit kelan slow talaga tong si DJ* bulong nya sa isip nya.

Inirapan nya na lamang ang binata. Ilang beses ba nya kailangang magconfess ng feelings dito? Hindi pa ba sya sanay? Hindi ba dapat ay tumatakbo na ito para yakapin sya and kiss her senseless? Gusto nyang matawa sa uncharacteristic obliviousness ni Daniel pero naisip nyang hindi appropriate iyon sa situation nila ngayon.

Lumapit si Kathryn ng ilang hakbang papalapit. Perhaps it was the fact na nasa ilalim sila ng mga bituin or dahil naalog na utak nya sa tagal nilang nastuck doon ay mas lumapit pa sya kay Daniel. And then, with her hands on both his cheeks, hinila nya ang ulo nito papalapit sa kanya hanggang nagtama ang mga labi nila.

The instant Daniel tasted the sweetness and warmth of Kathryn's lips, it felt like he was tasting a piece of heaven.

And now, finally, everything was clear.

And as if on instinct ay nilagay ni Daniel ang mga kamay nya sa bewang ni Kathryn at hinila ito papalapit sa kanya para magdikit ang mga katawan nila.

Hindi na nila alintana na nastranded sila in the middle of nowhere. Nevermind the sharks, jelly fish and even killer whales na maaaring lumalangoy sa ilalim ng tubig ngayon. At kahit hindi pa rin nila alam paano sila makakaalis sa lugar na iyon ang importante ay magkasama na sila.

No inhibitions, no doubts at all.

Kathryn's arms circled Daniel's neck as he began to take control. She couldn't deny that she loved it when he did.

The man knows how to kiss.

Perhaps he fell short on the instantaneous bit, but he did meet the kissing-her-senseless part most impressively.

Humiwalay saglit si Daniel at ngumiti sa dalaga.

"Hmmm.... I get it." Bulong ni Daniel at pilyong ngumiti.

"Slow!" Pabirong banat ni Kathryn habang nakangiti pa rin sa binata.

Tumawa ng bahagya si Daniel at ginawaran ng mahigpit na yakap ang babaeng nasa kanyang harapan. Isang yakap na tila ayaw na itong pakawalan dahil sa takot na bigla na naman itong maglaho pag hindi sya kumapit ng maigi.

And once again, he found her lips for another kiss.

He felt whole and alive in a way na hindi nya naramdaman in a long tine.

At ang lahat ng iyon ay dahil kay Kathryn.

Because suddenly, she was his again.

__________

Author's Note: I'm baaaaaaaaaaaaaaaaaack!

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon